You are on page 1of 3

PANITIKAN HINGGIL SA HINGGIL SA ISYUNG

PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA,
AT PAMBANSA

Di Dapat Antas-Dalo Lang


Dapat kumilos tungong pagbabagong panlipunan
ang ating napapasama sa rali sa lansangan
di dapat antas-dalo ang kanilang kahinatnan
ito'y napagtanto ko sa maraming karanasan

dapat mapakilos silang nagkakaisang diwa


nagkakaisang puso, tindig, dangal, at adhika
pinag-alab ang apoy sa damdaming di humupa
upang palitan na ang sistemang kasumpa-sumpa

di dapat hanggang antas-dalo lang ang mapakilos


kundi unti-unting mamulat bakit may hikahos
sasama sa rali, kakabig dahil kinakapos
pag ganyan ang nangyari'y wala tayong matatapos

kung antas-dalo lang, di nauunawa ang layon


dahil walang magawa't nakatunganga maghapon
dama mo ba'y bigo sa pag-oorganisang iyon?
humayo't maging masigasig sa inyong natip
Ako'y tibak
Ako'y tibak na wala sa dulo ng bahaghari
pagkat nakikibakang ang kasama'y dukhang uri
upang lupigin ang bata-batalyong naghahari
upang pagsasamantala't pang-aapi'y mapawi

adhika'y karapatan ng tao't ng kalikasan


naggugupit ng plastik, inaaral ang lipunan
nageekobrik, bakit may mahirap at mayaman
magbukod ng basura, maglingkod sa sambayanan

hangad na maitayo ang lipunang makatao


na walang pagsasamantala ng tao sa tao
dukha man, karapatang pantao'y nirerespeto
bawat isa'y makipagkapwa, may wastong proseso

isinasabuhay ko ang proletaryong hangarin


upang pagsasamantala't pang-aapi'y durugin
sa kabila ng karukhaa'y may pag-asa pa rin
tayo'y magekobrik, bulok na sistema'y baguhin

ako'y karaniwang tao lang na hilig ay tula


na sinusulat ay buhay ng manggagawa't dukha
nasa Kartilya ng Katipunan nga'y nakatala
ang niyakap kong prinsipyo't tinanganang adhika
Pagninilay sa aking lungga
Minsan nga ako'y di mapakali sa aking lungga
lalo na't sugat ng alaala'y sinasariwa
upang itala ang buhay ng binabalewala
bakasakaling makaahon sa danas na sigwa

kayraming litrato ng mga balyenang tumirik


ang mata dahil kumain ng sangkaterbang plastik
paano ba magtutulungan sa pageekobrik
nang masagip ang kalikasan sa kanyang paghibik

oo, pangarap ko'y makaahon, di ang makahon


sa nadamang kahungkagang sa puso'y lumalamon
mabuti nang sumagasa sa bangin ng kahapon
kaysa dumaluhong pa ang kaburyungan ng ngayon

matutunton pa kaya ng lakan ang kanyang dayang


na matagal nang nawala't may iba nang hinirang
matutulungan ba ang mga pesanteng hinarang
ang karapatan sa lupang dapat nilang malinang

narito man ako sa aking lungga, nagmamasid


katiwalian at karahasan ay nababatid
karapatan ay ipagtanggol, huwag maging umid
ang hustisya'y ipaglaban, buhay man ay mapatid

You might also like