You are on page 1of 2

EXHIBIT “3”

REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG BATANGAS ) S.S.

x ------------------------------------------ x

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Mak Nacao, Filipino, 25 taong gulang,


naninirahan sa 404 Gulod Labac, Poblacion, Batangas City,
pagkatapos manumpa ng ayon sa batas ay malayang
nagsasabi at nagsasalaysay ng buong katotohanan ng mga
sumusunod:

1. Ginawa ko ang sinumpaang salaysay na ito upang itangi


ang paratang sa akin na krimeng “Robbery with force
upon things” sa ilalim ng Art. 302 ng Revised Penal
Code. Ito ay ipinaratang ni Maria Tindera, Filipino, 40
taong gulang, naninirahan sa 123 Callejon Street, Villa
Kumintang Ilaya, Batangas City.

2. Noong Setyembre 5, 2020, bandang 9:30 ng gabi, ako ay


isinama ng aking pinsan na si Robby Reem sa birthday
party ng kanyang kaibigang si Boy Payat. Ito ay ginanap
sa bahay nila sa Balagtas, Batangas City. Umalis kami
doon ng 2:00 ng umaga ng Setyembre 6, 2020.

3. Habang papauwi, napagdesisyunan naming ni Robby


Reem na dumaan sa Kumare’s Eatery para kumain ng
lugaw upang mahulasan sapagkat nakainom kami sa
pinuntahan okasyon. Ang Kumare’s Eatery ay
madadaanan namin pauwi mula sa Balagtas, Batangas
City.

4. Dahil ang ruta ng jeep na aming nasakyan ay hindi


dadaan sa mismong Don Ramos, bumaba kami sa
Jollibee malapit sa De Joya at mula doon ay naglakad
kami papuntang Kumare’s Eatery. Dumating kami sa
nasabing kainan bago mag 2:30 ng umaga.

5. Pagkatapos kumain ay agad rin kaming umalis sa


Kumare’s Eatery. Nagtungo kami papuntang sakayan ng
jeep at nadaanan namin ang Lutong Bahay sa Sawali
dahil ito ay nasa pagitan lamang ng Kumare’s Eatery at
ng bahay na katapat ng sakayan ng jeep.

Page 1 of 2
6. Ako ay isang online reseller ng mga second hand items
mula sa aking mga suppliers at malimit na nag
magpatulong sa aking pinsang si Robby Reem sa
pagdedeliver. Noong Setyembre 6, 2020, kasama kong
nag deliver ng rice cookers, blender at rice boxes si
Robby Reem sa aking naging customer sa Kumintang.

Bilang patunay sa lahat ng ito, ako ay lumagda sa


kasulatang ito ngayong ika-9 ng Setyembre 2020, sa lungsod
ng Batangas.

MAK NACAO
NAGSALAYSAY

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN SA HARAP KO ngayong


ika-9 ng Setyembre 2020, sa lungsod ng Batangas, matapos
ipakita ng nagsalaysay ang kanyang Driver’s License No. D06-
11-432540 iginawad noong Enero 23, 2019 sa Batangas City,
Batangas, Philippines.

REEM D. MAGPANTAY
  Abogado ng Nasasakdal

Doc. No. 35;


Page No. 58;
Book No. 2;
Series of 2020.

Copy Furnished:
SZIA DARENE MARTIN
City Prosecutor
MCLE Compliance No.
Valid until

LAWRENCE GREGHILL BRAVO


Associate City Prosecutor
MCLE Compliance No.
Valid until

Page 2 of 2

You might also like