You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

BAYAN NG IBA ) S.S


LALAWIGAN NG ZAMBALES )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, ALBERT G. TRAPSI, 73 taong gulang, biyudo at kasalukuyang nakatira


sa New San Juan, Botolan, Zambales, na matapos makapanumpa nang naaayon sa
batas ay nagsasabi at nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na, noong buwan ng Nobyembre 2019 bigla na lang pinalayas ng aking


anak na si PEMS Evangeline Trapsi ang kanyang kapatid na si Arlene Trapsi Javier
kaya ang ginawa niya ay pansamantalang tumuloy siya sa kanyang ate na si Emelyn
Trapsi Abdon sa Brgy. Liozon, Palauig, Zambales.

2. Na, lumipas ang ilang araw o buwan ay nagkaroon kami ng pag-uusap ni


PEMS Evangeline Trapsi tungkol sa pagpapalayas niya sa kanyang kapatid at sabi
niya na masyadong mapagmalaki si Arlene. At sa ilang araw na nagdaan kinausap ko
ulit si PEMS Trapsi na kong pwedeng pabalikin ang kanyang kapatid at mga anak
dahil para may kasama ako kong umaalis siya sa bahay na kong minsan ay ilang araw
siyang wala sa bahay. Tatlong beses kong pinakiusapan si PEMS Trapsi upang
pabalikin na si Arlene sa aking bahay ngunit ang sagot niya ay alisin ko na ang mga
gamit ni Arlene sa kuwarto niya at never na silang makabalik sa bahay. Sinabi pa niya
na wala na siyang karapatang tumira dito. Pero hindi ko po sinunod ang gusto niya na
alisin ang mga gamit sa kuwarto dahil umaasa pa rin ako na maaayos ang problema
sapagkat ang pagkakaalam ko po ay isa siyang Police Officer na dapat umayos sa
problema ng mga sibilyan lalong-lalo na sa kanyang sariling pamilya.

3. Na, noong December 2019, bago magpasko dumalaw ang aking dalawang
apo na anak ni Arlene sa akin, ngunit hindi nila ako naabutan nong araw na iyon at
ako ay nasa Prayer Meeting at nalaman ko na lang na pinaalis sila ng kanilang Tita na
si PEMS Trapsi. Tinawagan ako ng dalawang apo ko na umiiyak na nagsusumbong at
pinaalis daw sila ng Tita Vangie nila.

4. Na, noong buwan ng Marso, 2020, (Unang Linggo) tinawag niya ako para
mag-usap daw kami, ngunit ang sinabi niya bakit hindi ko pa rin inaalis ang mga gamit
ni Arlene, ang sagot ko naman, “ikaw ang mag-alis kong gusto mo”, sa galit niya sa
akin ay binawi niya ang susi ng traysikel na ginagamit ko kapag dumadalo ako ng
Prayer Meeting at ang sumunod pa niyang sinabi “Huwag na huwag ko na ding
patirahin si Aljon Trapsi”, anak kong bunso. Bakit wala na daw ba siyang karapatang
lumigaya, samantalang hindi ko naman pinakikialaman ang Lovelife niya. Kaya po
napaisip ako ng malalim nong mga araw na iyon. Kaya sa sobrang sama ng loob ko
kay PEMS Trapsi nagdesisyon akong magpalipas na muna sa bahay ng aking
manugang na si PEMS Nomer Alcantara sa Brgy. New San Juan, Botolan, Zambales
hanggang inabutan na ako ng lockdown doon dahil sa COVID 19 hanggang sa ngayon
ay doon pa din ako nakatuloy at si manugang ko na ang nagpapakain sa akin.

5. Na, noong buwan ng July 2020 (Unang Linggo), umuwi ako sa aming bahay
para sana kausapin si PEMS Trapsi ngunit wala siya sa bahay. Nakita ako nila
Michelle Camitan at Loida Cabezon, mga pamangkin ng aking namayapang asawa,
tinanong nila kong bakit ako nandoon, sagot ko gusto kong makausap si Vangie
(PEMS Trapsi) para ayusin ang problema ng aking mga anak. At ang isa pang sadya
ko sa pagpunta doon ay upang linawin ang isyu laban sa amin ng anak ko na si
Genefer Trapsi Alcantara na sinabi ni PEMS Trapsi na kami ay “mandurugas”. Na sa
tanda ko ng ito ay masasabihan akong “mandurugas” na anak ko pa ang nagsabi.
Wala naman akong alam na dinugas sa kanya. Nang dahil lang sa PHP500.00 na
halaga, na
nadiscount ko sa pagbili ng baboy na di ko lang agad nasabi sa kanya dahil sa dami
ng iniisip ko. At isa pa yong pera na iyon ay pinambayad ko sa tagalinis ng puntod ng
namayapa kong asawa. Paminsan-minsan sinasabi ko sa kanya na magbigay siya ng
pambayad ko sa tagalinis pero wala naman siyang binibigay kaya nong mga panahon
na iyon naisip ko munang ibayad yong nadiscount ko at nahihiya na ako sa tagalinis.
Sa araw na ding iyon, nalaman ko na lang na lahat ng mga gamit namin (aparador,
estante, dining table, kitchen wares, at iba pa) ng aking namayapang asawa sa
tinitirhan namin ay nailipat na pala sa aming family house na wala man lang pahintulot
sa akin bilang ama niya. Napaisip na naman ako sa ginawa niyang iyon, ang lahat ba
ng mga iyon ay tamang gawain ng isang Police Officer sa kanyang magulang?

6. Na, noong unang linggo ng buwan ng Disyembre 2020, nagpasama ako sa


aking mga anak (Emelyn Trapsi Abdon at Arlene Trapsi Javier) para pumunta sa
opisina ni Atty. Monato upang humingi ng legal advice tungkol sa mga ginawa niya sa
mga kapatid niya na hindi ko nagustuhan. Na, ang ginawa ni Atty. Monato ay
pinadalhan siya ng demand letter at natanggap niya iyon noong ika-14 ng Disyembre
2020 upang malaman niya na hindi siya ang may-ari ng bahay at lupa na pinagawa
niya. Na, ipinaaalam ko sa korte na lahat ng anak ko ay may karapatan sa bahay at
lupa na nabanggit sa salaysay na ito.

7. Na, noong buwan ng Disyembre 21, 2020, pinatawag kami ni PEMS Trapsi
sa Barangay, kasama ang aking ibang mga anak. Ang tanging sinabi niya sa harap
ng Lupon ng Barangay, ay aalis lang daw siya sa bahay ko kong ibabalik ko ang
perang nagastos niya sa pagpapaayos o pagpapagawa sa bahay at tuldukan na niya
ang aming pamilya. Na hindi ko naman sinabi na ipagawa o ipaayos niya ang bahay
na tinitirhan namin. At mariin niyang sinabi na magkita na lang tayo sa korte kung hindi
naming maibalik yong perang nagastos niya at aalis lang siya kong korte na ang
magpataw ng kautusan.

8. Na, sa ngayon po gusto kong bumalik sa aking bahay na kasama ko ang


aking anak na wala pang sariling tirahan at sa kasalukuyan ay nangungupahan lang
sila. Ang nasabing bahay at lupa na iyon ay nabili ko sa kapatid ng aking
namayapang asawa, na minana nila sa kanilang mga magulang. Kong ayaw niya
makasama ang mga kapatid niya ay siya ang dapat umalis, total pinagmamalaki niya
na marami siyang pera at kaya naman niyang magsarili at single siya.

9. Na anumang pangyayari na hindi nabanggit sa Sinumpaang Salaysay na ito


ay aming ilalahad sa paglilitis ng korte.

WAKAS NG SALAYSAY.

Bilang patunay sa lahat ng ito, ako ay lalagda sa ibabaw ng aking pangalan


ngayong ika-______________________ dito sa Iba, Zambales.

ALBERT G. TRAPSI
Nagsasalaysay
Senior Citizen ID No. 1392

SUBSCRIBED AND SWORN to before this ____ day of __________________,


Iba, Zambales. I hereby certify that I have personally examined the Affiants and I am
satisfied that the foregoing statement is their free act deed, and that they understood
the contents thereof.
Investigation Form No. 01 s. 008
Republic of the Philippines
Department of Justice
NATIONAL PROSECUTOR SERVICE
____________________________________
____________________________________
INVESTIGATION DATA FORM
To be accomplished by the Office
DATE RECIEVED NPS DOCKET NO: III-019-INQ-17___000_____
(STAMPED AND INITIATED) BY____________________________________________________
Time Received: _____________________________ Assigned to: ______________________
Receiving Staff: _____________________________ Date Assigned:____________________
To be accomplished by complainant/law enforcer:
(Use back portion if space is not sufficient)

COMPLAINANT/s: Name, Sex, Age & Address RESPONDENT/s: Name, Sex, Age & Address
Bernard Vergara Sr y Rivera at Alyn STO. CRISTO CONST. & TRADING
Vergara y Echepare, mag-asawa, represented by NOEL J. CRUZ- General
parehong nasa hustong gulang at nakatira Manager at may Office Address sa
sa Sitio Takipan, Prk 2, Brgy Palanginan, Hermosa, Bataan
Iba, Zambales

OFFENSE/s COMMITTED/LAW/s VIOLATED: WITNESS/es: Name & Addres


RECKLESS IMPRUDENCE resulting in HOMICIDE
& DAMAGE TO PROPERTY.

DATE & TIME of COMMISSION: PLACE of COMMISSION:

8:30 PM, February 14, 2020 GOVIC RD Brgy Dirita, Iba, Zambales

1. Has a similar complaints been filed before any other office? YES NO if yes, Indicate details below
2. Is this complaint in the nature of counter-charged? YES NO if yes, Indicate details below
3. Is this complaint related to another case before this office? YES NO if yes, Indicate details below

I.S/NPS Docket No: ______________________


Handling Prosecutor: ____________________

CERTIFICATION

I CERTIFY, under oath, that all this information on this sheet are true and correct to
the best of my knowledge and belief, that I have not commended any action filed any claim
involving the same issues in any court, tribunal, or quasi-judicial agency, and that if I should
thereafter learn that a similar action has been filed and/or is pending, I shall report that fact
to this Honourable Office within five (5) days from knowledge thereof.

Bernard Vergara Sr y Rivera Alyn Vergara y Echepare


(Signature over printed name) (Signature over printed name)

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this _____ day of FEBRUARY 2020 at Iba,
Zambales, Philippines.

_________________________
Administering Prosecutor/Office

You might also like