You are on page 1of 1

Hello po sa lahat ng narito.

Bilang una ninyong exercise or activity dito, ito po


ang iyong gagawin:

1. BRAIN DUMPING: Isulat ang mga bagay-bagay na gumugulo sa iyong isipan ngayon
within 5 minutes.

-Ang bagay na gumugulo sa isip ko ay ang nalalapit na pasukan. I'm doubting myself
kung kakayanin ko ba ulit mag-aral in a higher level and if I could make it again
in the honor role. Kasi kung hindi ako mapupunta sa honors, pagbabawalan ako ng
family ko na magsulat and I hate it when I'm not writing because it's the only
thing that hides me from the truth that I need to be somebody to make my family
proud. That I need to act like I'm intelligent and dignified. A good girl whose
known places are only the school and their house. Natatakot akong hindi magsulat
kasi kapag ginawa ko 'yon, alam kong guguho ang lahat sa akin.

I want to study hard para makapagsulat ako pero…hindi iyon ang gusto ko. Ang gusto
ko, magkaroon ng maraming kaibigan at maranasang magkaroon ng social life at gumala
sa ibang lugar. Wala akong social life dahil masyadong mahigpit ang family ko at
ayaw ko nang makulong. Tanging pagsusulat na lang ang kasama ko sa lahat ng
frustrations at kalungkutan kaya ayaw kong pati 'yon, mawala sa akin. Though, ayoko
nang maging ganito, isang introvert na walang social life, hindi ko naman
masalungat ang family ko kasi may utang loob pa rin naman ako sa kanila given the
fact that they're supporting my meds and healing.

2. FREE WRITING: Ano ang dream place mo? Ano ang lugar na pinapangarap mong
puntahan? Ilarawan mo ito gamit ang iyong 5 senses in paragraph form in 10-15
minutes lang.

-Nais at pangarap kong makapunta sa Korea. Bakit? Dahil gusto kong maramdaman ang
lamig na dadampi sa aking balat tuwing snow doon pati na rin ang makakita ng iba't
ibang tanawin na ipinagmamalaki ng Korea, lalo pa ang mga sinaunang palasyo. Gusto
kong maamoy ang kaibahan ng halimuyak ng Korea sa Pilipinas. Gusto kong matikmam
ang anghang ng paborito kong kimchi sa bersyon nila niyon sa Korea. Gusto kong
marinig ang mga Koreano na binabati ako sa kanilang lengguwahe at ako rin ay
binabati sila sa ganoong paraan. Pangarap kong makapunta sa Korea…para na rin
makita ko ang mga paborito kong oppa.

You might also like