You are on page 1of 1

Arzenkiel Vernon Del Rios

Marsianna Cathleya Azarova


Armeius Lander Del Rios
Persius Ezekiel Azarova
Rashiella Erin Villadiego
Alberta Azarova

In one sentence:

A girl so in love with a man who betrayed his brother before was being prohibited
to continue her relationship with the latter.

Her brother killed her father because the first found out that the latter made his
girlfriend a mistress and that they used him to cover up their affair.

Maya was forced to break up with Kiel because if she won't do so, the child in her
womb would die.

Summary:

Napilitang makipag-break si Maya sa kanyang boyfriend na si Kiel dahil sa


kagustuhan ng kanyang pamilya na gantihan ito dahil sa pagkamatay ng kanyang ama—na
hindi pa rin matukoy dahil wirdo ang mga anggulong nahanap ng mga pulis at si Kiel
ang pinaghihinalaan nila dahil kumabit ang Daddy niya sa Mommy nito na siyang
ikinasira ng pamilya ni Kiel (na siyang imbento lang ng Kuya Percy niya dahil galit
ito kay Kiel na siyang unang nagustuhan ng girlfriend na ikinaka-obssess nito.
Sumakto pa dahil naghiwalay ang mga magulang ni Kiel ngunit dahil iyon sa hindi
naman talaga mahal ng mga ito ang isa't isa.)

Hiningi niya ang tulong ng kapatid ni Kiel na si Eius tungkol sa kaso lalo pa't
magaling naman itong pulis. Palihim siyang nakipagtulungan habang sinasakyan ang
kabaliwan ng kanyang kuya at ang pangungunsinti rito ng kanyang ina. Hanggang sa
kinausap niya na rin pati Shiella na girlfriend nito at kinasabuwat upang mailadlad
na ang lahat ng kasalanan ng kuya niya. Inamin nitong nagpatulong ito sa mga
kasamahan sa fraternity upang maging malinis ang gagawing krimen sa daddy niya.

Aksidenteng nalaman ni Kiel ang pakikipagtulungan niya kay Eius kaya naman sumama
na ito sa imbestigasyon habang may lihim silang komunikasyon sa tulong na rin ni
Shiella na nililibang ang mommy at kuya niya.

Nagkaroon ng pagkakataong mahuli ng mga pulis ang kuya niya nang masaksihan niya
ang tangka nitong paggahasa kay Shiella. Mabilis siyang kumilos at pinigilan ang
kuya niya habang pinatakbo naman niya palabas si Shiella upang tawagin ang
palagiang naka-standby sa labas ng bahay nila na si Eius. Naitulak siya nang
malakas ng kuya niya at doon saktong dumating ang mga pulis pati na rin si Kiel.
Samantala, huling dumating ang ina niya na punung-puno ng mga tanong ngunit kahit
gusto niyang sumagot, nauna sa isip niya ang anak at dinala naman siya sa ospital
ni Kiel.

You might also like