You are on page 1of 34

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto
KARAPATANG-SIPI 2020

“RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng MODYUL na ito ang


maaaring sipiin o gamitin nang WALANG nakasulat na pahintulot mula sa MAY-AKDA,
TAGAMASID PANSANGAY AT TAGAPAGLATHALA”

Ang orihinal na bersyon ng modyul na ito ay ginawa ng SANGAY NG HILAGANG SURIGAO


sa pamamagitan ng LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SECTION ng
CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION. Maaari itong ilimbag muli para sa pag-aaral ng mga
kabataan; baguhin upang mas lalong mapahalagahan ang pagsasaling-wika at upang lubos na
maunawaan; at lumikha ng pinaunlad na bersyon nito alinsunod sa orihinal na gawa ng may-akda at
taga-guhit ngunit mahigpit na itinagubilin ang nararapat na pagkilala. WALA ni isang bahagi ng modyul
na ito ang ililimbag para sa layuning nakatuon sa komersyo at negosyo.

Ang modyul na ito ay pinapahintulutan na maipamahagi sa ON-LINE sa pamamagitan ng


LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) sa portal nito na
(http://lrmds.deped.gov.ph)

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Abegail P. Lacre


Editor: Mary Grace M. Tadulan
Mga Tagasuri: Mary Grace M. Tadulan, Salome A. Presilda,
Glen C. Asuncion
Tagaguhit: Stephen B. Gorgonio
Tagalapat: Alberto S. Elcullada, Jr.
Tagapamahala: Ma. Teresa M. Real
Dominico P. Larong, Jr.
Gemma C. Pullos
Manuel L. Limjoco, Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte

Office Address: Peñaranda St., Surigao City


Tel. No.: (086) 826-8216
E-mail Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph
5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto

ii
MODYUL SA FILIPINO

PAUNANG SALITA
PARA SA TAGAPAGDALOY/GURO:
Bago ang lahat, binabati kita munti naming mga mag-aaral sa asignaturang
FILIPINO. Ang MODYUL na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga
guro mula sa iba’t ibang distrito ng Sangay ng Hilagang Surigao at ng Tagamasid
Pansangay upang gabayan at tulungan ka, gurong tagapagdaloy na makamit ng mga
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 na linangin ang
kakayahang MAKRO ng mga mag-aaral katulad ng PAKIKINIG, PAGSUSULAT,
PAGBABASA, PAGSASALITA at PANOOD kasali na ang pagpapahalaga sa
kakayahan ng mga mag-aaral na harapin ang hamon na pansarili, panlipunan at pang-
ekonomiko.
Inaasahang makagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing sariling
gawang sulating akademiko na sinuri at nirebesa sa tulong ng guro at mga kapamilya
upang magsilbing porfolio. Bago at pagkatapos ng bawat modyul ay may
nakahandang pagsusulit upang tayain ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral
sa pag-unawa at pagproseso ng mga araling nakapaloob sa bawat modyul.
Ito ay tulong-aral na magpatuloy ang malayang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa pamamatnubay ng gurong tagapagdaloy ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan
at kalagayan.
Makikita sa kahon sa ibaba ang pinakalaman ng modyul:
Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng Pauna at Panghuling Pagsubok,


Gawain,Pag-aanalisa, Abstraksyon at Pagtatasa

Bilang tagapagdaloy, mahigpit na itinagubilin na bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mga ag-aaral habang isinasagawa ang mga
araling nakapaloob sa modyul.

PARA SA MGA MAG-AARAL:


Malugod na pagtanggap ang aming bati sa iyo munti naming gintong mag-
aaral. Sana’y masasabik kang buklatin at pag-aralan nang mabuti ang modyul na ito
upang sa gano’n ay may marami kang matutuhan dahil masusing inihanda ang mga
gawaing nakapaloob dito para sa iyo at inaasahang magiging gabay upang harapin
ang tunay na buhay. Alam kong magagawa mo ito dahil magaling ka.
Ang modyul na ito ay isang kagamitang-pampagtuturo na siyang gagamitin mo
upang magabayan at maitawid ang iyong pag-aaral. Kaakibat nito ang iba’t ibang

iii
gawaing susubok sa iyong kakayahan kasama ang inyong kapamilya at higit sa lahat,
sa tulong na rin ng inyong gurong tagapagdaloy.
Sana ay iingatan mo ito ng buong puso katulad ng pag-iingat mo upang
makamit ang minimithing TAGUMPAY. Panalangin namin na kayo ay patnubayan ng
DAKILANG MAYLIKHA.

PARA SA MAGULANG:
Mahal naming mga magulang isapuso ninyo ang katotohanang ito. Kayo ay
mahalagang TULAY o KONEKSYON sa pagitan ng bahay at paaralan, bilang mga
magulang mahalaga ang papel na inyong gagampanan tungo sa pagtupad ng
kanilang mga pangarap. Kayo ay mahalagang kaakibat sa edukasyon at pag-aaral ng
inyong mga anak. Malaki ang inyong maitutulong upang patuloy na maibahagi ang
kaalaman sa inyong mga anak. Napakalaki ng inyong impluwensiya upang
maisakatuparan ang adhikaing ito. Inaasahan ang makatotohanang kolaborasyon ng
mga magulang at ng mga guro na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na
magkaroon ng makabuluhang edukasyon upang makamit nila ang tagupay at
magandang bukas.
Higit sa lahat, aming panalangin na magkakaroon ng positibong saloobin
kayong mga mahal naming mga magulang upang maging bahagi sa napakagandang
oportunidad na ito na kasali sa pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggabay ng kanilang pag-aaral gamit ang modyul na ito.

Ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan.

*Gawain : Malalaman mo dito ang dapat mong matutuhan at


pagbibigay ng Paunang Pagsubok

*Pag-aanalisa : Paglalapat sa mga araling nakapaloob sa modyul

*Abstraksyon : Pagbibigay ng pantulong na Mungkahing


Pagsasanay upang matiyak ang Kaalamang taglay
ng mga mag-aaral mula sa modyul na binigyang-
pansin

*Pagtatasa : Pagtatasa sa angking kaalaman mula sa ibinigay


na modyul at pagbibigay ng Huling Pagsubok.

iv
(Para sa Mag-Aaral-Q I -Modyul 1)
Laman ng Modyul
Pahina
Pamantayang Pangnilalaman: 2
Pamantayang Pagganap: 2
Kasanayang Pampagkatuto: 2
MELC/Layunin: 2

Pang-araw-araw na Gawain:

Araw Gawain
1 GAWAIN (Activity) 3-11
• Alamin (Panimula)
• Subukin (Pagsasagawa ng PaunangPagsubok-Pre-Test)
• Balikan (Pagbalik-aralan mo)
• Tuklasin (Pag-aralan mo)
• Suriin (Pagtatalakay)
MungkahingPagsasanay
2 PAG-AANALISA (Analysis) 12-14
• Gabay na mga tanong tungkol sa aralin
• Isaisip mo
MungkahingPagsasanay
3 ABSTRAKSYON (Abstraction) 15-17
• Pagbubuod ng aralin
• Pagyamanin-Pagsanayan mo
Mungkahing Pagsasanay
4 APLIKASYON (Application) 18-20
• Isagawa-Subukan mo
MungkahingPagsasanay
5 TAYAHIN-PAGTATAYA 20-26
• Pagsusulit (pasulat o pasalita)
• Pagsasagawa ng Panghuling pagsubok (Post Test)
• Karagdagang Gawain
SANGGUNIAN 27

1
ARALIN 1
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standards):
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standards):


Nakapagsasagawa ng readers’ theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competency w/ code):


PT-Pag-unlad/Paglinang ng Talasalitaan

Layunin: Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto (F5PN-Ia-4)


Naisusulat/Naipapahayag ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.
Naipapakita ang pagkamagalang sa pakikinig sa nagsasalita.

2
GAWAIN (ACTIVITY)
Unang Araw

Alamin (Panimula)

Batang mabait, kumusta ka na?

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang maiuugnay mo ang iyong sariling


karanasan sa napakinggang teksto.
Matututunan mo sa modyul na ito ang pag-uugnay ng sariling karanasan sa
napakinggang teksto.
Ingatan mo sana ang modyul na ito at lagi mo itong basahin.

Subukin (Pagsasagawa ng Paunang Pagsubok – Pre-Test)

Pangalan: ____________________________________ Puntos: ______________

Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahin ng sinumang kasama sa bahay at


Pagkatapos, iugnay ang sariling karanasan sa tekstong napakinggan sa pamamagitan
ng pagpili at pagsulat sa patlang ng letra ng iyong sagot.

Pakikinig
Para sa bilang 1-5(Pre-test)
Isa sa pangunahing problema na kinakaharap ng ating lipunan ay ang walang
pakundangan na pagtapon ng mga basura kahit saan. Ang kawalan ng disiplina ng
bawat isa ang isa sa mga dahilan ng ganitong Gawain gayundin ang kawalan ng
pagmamalasakit sa ating kapwa. Ang pagtatapon ng mga basura saan mang sulok ng
ating lugar ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa ating kalusugan gayundin sa
ating kapaligiran. Ang pagbaha sa ating lansangan ay isa sa mga bunga ng ating
maling pagtatapon ng mga basura.
Ang pagtapon ng basura ay dapat iwasan upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng
ating kapaligiran. Ang paglalagay ng basura sa tamang basurahan ang makalulutas
sa ating problema sa kapaligiran. Ugaliing magbawas ng mga basura na nakasisira
sa ating kapaligiran at gamitin ang ating kakayahan sa paggawa ng mga bagong
bagay mula sa mga basura na puwede pang magamit upang maiwasan ang
pagtatapon ng mga basura na puwede pang magamit.

Para sa bilang 6-7(Pre-test)


Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ay maraming
ipinagbabawal. Kabilang sa ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga pagtitipon at
pagkukumpol-kumpol ng mga tao. Ipinagbabawal ang pakikipag-dikit sa bawat isa at
kailangang pagtuonan ng pansin ang social distancing sa lahat ng oras. Kapag

3
lumabas ng bahay ang lahat ay kinakailangang magsuot ng facemask, kasama rin sa
ipinagbabawal ang anumang mga okasyon na maaring makapagdudulot ng pagtitipon
ng mga tao katulad ng mga pagdiriwang ng kaarawan at maging ang pagsisimba. Ang
lahat ng ito ay ipinagbawal upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Para sa bilang 8(Pre-test)


Ang anumang nilalang ay hindi mabubuhay kung walang tubig kaya sinasabi na ang
tubig ay buhay. Ang pagkauhaw ng isang tao ay isang palatandaan na ang kanyang
katawan ay kulang na sa tubig. Lahat ng tao ay nawawalan ng tubig sa katawan sa
pamamagitan ng ating pag-ihi at sa tuwing tayo ay dudumi, sa tuwing tayo ay
papawisan ang ating katawan ay naglalabas ng tubig. Mahalaga ang tubig sa ating
katawan sapagkat kailangan ito sa tungkulin ng ating bato sa pangangasiwa sa
temperatura ng ating katawan kaya’t panatilihin natin ang tamang dami ng tubig sa
ating katawan. Ang mga taong may sapat na gulang na ay kinakailangang uminom ng
tubig na hindi bababa sa walong baso sa loob ng isang araw.

Para sa bilang 9-10(Pre-test)


Ang paglalakad sa araw-araw ay isang madali na ehersisyo bilang simula upang
maabot ang antas ng isang malakas na pangangatawan. Magsimula sa mabagal na
ehersisyo at unti-unting dagdagan ang oras at katindihan upang hindi mabigla ang
katawan. Ang pagkakaroon ng tatlumpung minuto na layunin sa paglalakad araw-araw
ay isang magandang layunin. Ang pageehersisyo ay nakapagdudulot ng maraming
pakinabang sa ating katawan katulad ng pagsupil sa ating timbang at
pinangangasiwaan nito ang ating pag-aalala. Ang pageehersisyo ay nakatutulong sa
ating katawan upang mapalakas ang ating sistema sa paglaban sa sakit at
nakadadagdag ito ng mga taon sa ating buhay.

______1. Ano ang mararamdaman mo bilang isang bata na nakatira sa isang lugar
na maraming basura.
A. Malulungkot at magnanais na magkaroon ng malinis na kapaligiran.
B. Wala lang, kasi sanay na ako sa lugar na maraming basura.
C. Magiging masaya dahil puwede akong magkapera sa mga basura.
D. Ipagmamalaki ko ito.

______2. Sa simpleng pamamaraan paano ka makakatulong sa pagpigil ng baha sa


inyong komunidad?
A. Hindi ako susunod sa mga tuntunin hinggil sa tamang pagtatapon ng
mga basura.
B. Wala akong gagawin kasi nakakapagod.
C. Hayaan ko na lamang ang iba kasi marami naman silang gagawa.
D. Hindi ako magtatapon ng basura kahit saan.

4
______3. Upang makatulong sa pagbawas ng basura, ano ang dapat mong gawin
sa mga plastik na bote na hindi na ginagamit sa inyong tahanan?
A. Irecycle
B. Pabayaan lang sa isang tabi
C. Itapon sa bakuran ng kapitbahay
D. Itapon sa kanal

______4. Paano mo maipapakita bilang isang bata ang pagkakaroon ng disiplina sa


pagtatapon ng basura?
A. Itatapon ko ang basura sa tamang lalagyan
B. Magtatapon ako kahit saan
C. Ilalagay ko ang nabubulok na basura sa lalagyan ng mga hindi
nabubulok
D. Itatapon ko ang aking basura sa daan kapag walang nakakakita

______5. Ano ang kadalasang sanhi ng pagbaha sa ating lugar?


A. Ang mga baradong kanal na puno ng basura
B. Kakulangan ng mga opisyal sa pagpapaalala sa tamang pagtapon ng
basura sa mga mamamayan
C. Tamang paghihiwalay ng mga basura
D. Kakulangan ng mga punong-kahoy

______6. Ngayong panahon ng pandemic paano mo maiiwasan ang COVID-19?


A. Manatili sa loob ng bahay, magbasa at makinig sa mga balita upang
hindi mabagot
B. Maglalaro sa labas ng bahay
C. Hindi ako makikinig sa aking mga magulang na huwag gumala
D. Yayayain ko ang aking mga kaibigan na pumasyal sa Gaisano.

______7. Ano-ano ang dapat gawin upang mapanatiling ligtas sa COVID-19


A. Ugaliing maghugas ng kamay at magsuot ng facemask sa tuwing
lalabas ng bahay
B. Makikipagtipon sa maraming tao
C. Pupunta sa mga handaan
D. Makikipagsalo sa pagkain ng ibang tao

______8. Bilang isang bata na mahilig sa laro at palaging napapawisan, ilang baso
ng tubig ang dapat mong inumin sa isang araw?
A. Anim hanggang walong baso ng tubig
B. Apat na baso ng tubig
C. Dalawang baso ng tubig
D. Tatlong baso ng tubig

5
______9. Ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ka ng isang malakas na
pangangatawan?
A. Manood ng T.V buong araw
B. Maglaro ng online games sa loob ng anim na oras sa araw-araw
C. Mag-ehersisyo araw-araw
D. Kumain ng mga sitserya at uminom ng mga softdrinks

______10. Upang magkaroon ng isang malakas na pangangatawan, ilang oras ang


dapat mong ilaan sa pag-eehersisyo?
A. Tatlumpong minuto araw-araw
B. Limang minuto
C. Tatlumpong Segundo araw-araw
D. Limang oras araw-araw

Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!


1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

BALIKAN (PAGBALIK-ARALAN MO)

Bago mo pag-aralan ang pag-uugnay ng sariling karanasan sa tekstong


napakinggan, balikan mo muna ang mga bahagi ng pahayagan.
Natatandaan mo pa ba ang mga bahagi ng pahayagan?
Sagutin mo nga ang pagsasanay sa ibaba.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng pananaw o


pakahulugan ng publisher o palimbagan tungkol sa isang mainit na isyu.
A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Opinion
D. Kolum

____ 2. Bahagi ng pahayagan na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng sumulat


A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Opinion
D. Kolum

6
_____3. Bahagi ng pahayagan na naglalaman ng hula para sa mga susunod na
araw sa iba’t ibang zodiac sign.
A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Horoscope
D. Kolum

_____4. Naglalaman ng mga balitang tungkol sa palakasan o mga laro.


A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Horoscope
D. Pang- isports

_____5. Naglalaman ng mga nakalarawang kuwento, katatawanan o serye.


A. Editoryal
B. Komiks strip
C. Horoscope
D. Pang- isports

_____6. Mga balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo.


A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Balitang panlocal at pandaigdig
D. Pang- isports

_____7. Ito ay liham na kalakip ang sariling damdamin ng sumulat na mambabasa.


A. Editoryal
B. Liham sa patnugot
C. Balitang panlocal at pandaigdig
D. Pang- isports

_____8. Sa bahaging ito ng pahayagan mababasa ang mga balita tungkol sa mga
artista, mga mang-aawit at iba pang alagad ng sining at mga kasalukuyang
alabras sa sine sa Metro Manila.
A. Pampelikula at mga palabas
B. Liham sa patnugot
C. Balitang panlocal at pandaigdig
D. Pang- isports

7
_____9. Sa bahaging ito makikita ang mga nakalarawang kuwento, katatawanan o
serye.
A. Pampelikula at mga palabas
B. Liham sa patnugot
C. Komiks strip
D. Pang- isports

_____10. Sa bahaging ito ay makikita ang mga de kahong pinasasagutan ng


mga salitang kasingkahulugan o katumbas ng nakatala sa bawat bilang,
pahalang o pababa.
A. Pampelikula at mga palabas
B. Liham sa patnugot
C. Komiks strip
D. Palaisipan

Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Tuklasin (Pag-aralan Mo)

Basahin ang mga pamagat ng teksto na makikita sa loob ng kahon.


Mga Tanong:
1. Ano ang mga nakasulat sa loob ng kahon?
2. Ano ang masasabi mo o maipapahayag mo?

Ang Talaarawan ni Arlene

Pangyayaring Hindi Ko Malilimutan

Ang Aking Bakasyon

Mga sagot:
1. Ang mga nakasulat ay: Ang talaarawan ni Arlene, Ang aking bakasyon at
pangyayaring hindi ko malilimutan.
2. Ang bawat pamagat ay nagpapahayag ng mga karanasan.
Tama ang sagot mo bata!

8
SURIIN (PAGTATALAKAY)

Makatutulong ito sa iyo na mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa pag-


uugnay ng iyong sariling karanasan sa mga mapapakinggang teksto.
Kahulugan:
KARANASAN = isang pangyayari na nasubukan o nagawa na.
TEKSTO = babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o
impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.
NAIUUGNAY= maiaangkop o maidadagdag
NAPAKINGGAN= narinig o naulinigan

Mungkahing Pagsasanay:
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahin na kuwento ng iyong kasama sa bahay.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa bawat bilang kaugnay ng iyong
sariling karanasan.

Karanasan sa Bagyong Ondoy


Malamig ang panahon at madilim ang paligid dulot ng malakas na ulan na
sinasamahan ng nagngangalit na hampas ng hangin. Sa isang silid mahimbing ang
pagkakatulog ni Ellen lingid sa kanyang kaalaman na nagkakamayaw na pala ang
kanyang mga kapitbahay sa pagsasalba ng kani-kanilang mga gamit upang mailigtas
sa tubig baha, napamulat siya dahil sa may malakas na katok at sigaw sa kanilang
pintuan at nang buksan ng kaniyang ina tumambad sa kanilang harapan ang isang
nakakagulat na pangyayari. Ang dating kalsada ay nagmistulang malaking ilog na may
malakas na agos, tangay nito ang mga basura na mula sa matataas na lugar.
Nagmistulang water falls ang likuran ng kanilang bahay dahil sa bagsak ng tubig na
nagmula sa mataas na lugar sa kanilang likod bahay. Ang kanilang bakuran ay napuno
ng tubig baha at unti-unting inaalsa ng tubig ang nakaistambay na motorsiklo sa
kanilang garahian kaya’t dali-daling iniakyat ng kanyang ama ang motorsiklo sa loob
ng kanilang bahay. Makikita sa mukha ni Ellen ang takot sapagkat ito pa ang kauna-
unahang bagyo ang nakapagdulot ng ganoong pinsala sa kanilang lugar kayat sa dami
ng bagyo na dumating sa kanilang probinsiya ang bagyong Ondoy ang hindi
malilimutan dahil sa pinsalang idinulot nito sa lugar.

1. Mamamasyal kayo ng iyong pamilya sa malayong lugar ngunit napakinggan


mo sa isang balita sa radyo na may darating na bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa mga magulang na ipagpaliban muna ang pamamasyal
dahil may bagyong darating.
B. Mananahimik lamang upang matuloy ang pamamasyal
C. Pipilitin ang mga magulang na ipagpatuloy ang pamamasyal kahit may
bagyong darating.
D. Ipagwawalang bahala ang balitang napakinggan

9
2. Halos araw-araw mong nakikita ang iyong kapit-bahay na naghuhulog ng
kanyang mga winalis na basura sa kanal. Ano ang maaari mong gawin?
A. Panoorin lamang siya
B. Tutularan siyang magtapon ng basura sa kanal
C. Papakiusapan siyang huwag magtapon ng basura sa kanal upang hindi
makabara sa daanan ng tubig
D. Sisigawan siya na huwag magtapon ng basura sa kanal

3. May dumating na bagyo at wala ang iyong mga magulang sa inyong


tahanan,tanging ikaw lamang ang nakatatandang kasama ng iyong mga
kapatid. Ano ang tama mong gawin?
A. Maghanda at panatilihin ang mga kapatid sa loob ng tahanan
B. Hayaan lang ang mga kapatid na maglaro sa labas ng bahay
C. Makisama sa mga kapatid na maglaro sa labas ng bahay
D. Umiyak sa takot

4. Kasagsagan ng bagyo at mayroon kang kapit-bahay na naanod ng baha ang


kanilang tahanan, Ano ang tulong na maaari mong maibigay sa kanila?
A. Mga pagkain,damit at matutuloyan
B. Hindi sila patutuloyin dahil maliit din ang inyong bahay
C. Pagtawanan sila
D. Ituro sila na tumuloy sa ibang bahay

5. Ano ang dapat mong gawin sa mga baradong kanal na nasa harapan ng
inyong bahay?
A. Tawagin ang kapit-bahay upang maglinis
B. Pabayaan na lamang hanggang mapuno
C. Ipalinis sa mga opisyal ng barangay
D. Kunin at linisin ang mga nakabarang basura sa kanal

6. Namamasyal kayo ng iyong mga kaibigan nang dumilim ang kalangitan at


lumakas ang ihip ng hangin. Ano ang maaari niyong gawin?
A. Matuwa sa lakas ng hangin
B. Hintayin na bumuhos ang malakas na ulan upang maglaro at
magpaulan.
C. Magmadaling umuwi sa bahay
D. Babalewalain ang masamang panahon

7. Nalaman mo na lubhang napinsala ng bagyong Ondoy ang iyong kaklase ano


ang maitutulong mo sa kanya?
A. Bibigyan siya ng mga damit at konting pera na iyong naipon
B. Hahayaan lamang siya dahil may iba namang magibigay sa kanya
C. Sasabihin sa ibang kaklase na sila na lamang ang magbigay ng tulong
D. Wag siyang papansinin dahil baka manghihingi siya ng tulong sa iyo

10
8. Sa panahon ng bagyo ano ang mainam na gawin upang manatiling ligtas.
A. Maglaro sa tubig baha
B. Manatili sa loob ng bahay at makinig sa balita
C. Magpaanod ng bangkang papel sa tubig baha
D. Maligo sa dagat

9. Nakita mong abala ang iyong ama sa pagliligpit ng mga alagang hayop dahil
sa malakas na bagyong darating sa inyong lugar. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Panoorin lamang siya
B. Tumulong sa pagliligpit ng mga alagang hayop
C. Utusan ang ibang kapatid na tulongan ang ama
D. Hindi papansinin ang ama dahil baka utusan ka.

10. Abalang-abala ang iyong ina sa pagliligpit ng inyong mga gamit na gagamitin
sa paglikas patungo sa evacuation center. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hindi papansinin ang ina at magpatuloy sa paglalaro
B. Sasabihin sa ina na hindi ka sasama sa paglikas dahil hindi ka
komportable sa evacuation center
C. Tutulongan ang ina sa pagliligpit at paghahanda
D. Tatawagin ang nakababatang kapatid upang tumulong sa gawaing
pagliligpit.

Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!


1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

11
PAG-AANALISA (ANALYSIS)
Ikalawang Araw

Gabay na mga tanong tungkol sa Aralin


1. Ano ang kahulugan ng karanasan?
2. Ano ang kahulugan ng teksto?
3. Ano ang kahulugan ng naiuugnay?
4. Ano ang kahulugan ng napakinggan?

Mga Sagot:
1. Ang kahulugan ng karanasan ay pangyayari na nasubukan o nagawa na.
2. Ang kahulugan ng teksto ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol
sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.
3. Ang kahulugan ng naiuugnay ay naiaangkop o naidadagdag.
4. Ang kahulugan ng napakinggan ay narinig o naulinigan.

ISAISIP MO

Mungkahing Pagsasanay:
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang isinasaad ng pangungusap sa bawat
bilang pagkatapos, iugnay ito sa iyong sariling karanasan sa pamamagitan
ng pagsalungguhit sa tamang letra ng iyong sagot.

1. Bilang bahagi sa pagdiriwang sa buwan ng pagbabasa sa inyong paaralan ay


pinagawa kayo ng slogan na inyong gagamitin sa parade ngunit hindi ka
marunong gumawa ano ang iyong gagawin?
A. Aangkinin ang ginawa ng kaklase
B. Hindi pupunta sa pagdiriwang
C. Magpapatulong sa paggawa ng slogan sa mga kaklase
D. Hindi gagawa

2. Nagkaroon ng paligsahan sa pagandahan ng book mascot sa pagdiriwang sa


buwan ng pagbabasa sa inyong paaralan at para sa iyong tingin ang iyong book
mascot ang pinakamaganda, ngunit hindi ikaw ang naitanghal sa may
pinakamagandang book mascot. Ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit sa naging resulta ng paligsahan
B. Hindi na uli makikilahok sa mga paligsahan sa paaralan
C. Tatanggapin ng maluwag sa kalooban na hindi ikaw ang nanalo
D. Aawayin ang kaklase na nanalo

12
3. Masaya kayong naglalaro ng iyong mga kaklase sa playground at sa di
sinasadyang pangyayari ay natamaan mo ng bola sa likod ang isa sa kanila.
Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring hindi ikaw ang nakatama dahil wala naman ibang
nakakita
B. Tatakbo palayo sa mga kaklase
C. Ituro ang ibang kaklase
D. Aaminin na ikaw ang nakatama at humingi ng paumanhin

4. Masaya kayong naliligo sa dagat kasama ang iyong buong pamilya at inatasan
ka ng iyong ina na bantayan muna ang iyong nakababatang kapatid dahil
maghahanda siya ng inyong tanghalian. Ano ang dapat mong gawin?
A. Babantayang mabuti ang kapatid
B. Magpapatuloy sa pagligo dahil hindi naman pupunta sa malalim ang
kapatid
C. Hindi papansinin ang sinabi ng ina
D. Tatawagin ang nakababatang kapatid upang magbantay

5. Narinig mo sa isang balita sa radio na ipinagbabawal ang paggala-gala ng mga


menor de edad sa lansangan bilang pag iwas sa COVID-19. Ano ang
mararamdaman mo?
A. Madidismaya
B. Wala lang
C. Magagalit
D. Malulungkot ngunit naiintindihan ang dahilan

6. Narinig mo sa isang balita na itinanghal ang Palawan na isa sa mga malinis na


lugar sa buong mundo. Ano ang mararamdaman mo?
A. Matutuwa at ipagmamalaki ito
B. Ikakahiya ito
C. Maiinis
D. Wala lang

7. Naliligo kayo ng mga kaibigan mo sa ilog at nakita mo na isa sa kanila ay


nagtapon ng mga silopin sa ilog. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan lamang siya
B. Sabihan siya na itapon sa ilog ang lahat ng inyong mga basura
C. Sisigawan siya
D. Pagsasabihan siya na huwag itapon sa ilog ang mga basura

13
8. Ano ang dapat gawin kapag ikaw ay sumasakay sa isang Bangka.
A. Maglilikot
B. Sasayaw-sayaw
C. Umupo ng maayos upang hindi tumaob ang Bangka
D. Aagawin ang sagwan sa nagsasagwan kahit hindi ka marunong

9. Ano ang dapat gawin upang mapanatili ang kalinisan ng ating ilog?
A. Makiisa sa mga programang pangkalinisan ng ating barangay
B. Hindi susunod sa mga babala na nakapaskil sa tabing ilog
C. Itatapon ang mga basura sa ilog dahil maaanod naman ito
D. Gumamit ng mga lason sa paghuhuli ng mga isda

10. Ano ang mararamdaman mo kapag mayroong lugar sa inyong barangay ang
dinarayo ng mga tao?
A. Matutuwa at ipagmamalaki ito
B. Maiinis
C. Wala lang
D. Ikahihiya ito

Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

14
ABSTRAKSYON (ABSTRACTION)
Ikatlong Araw

Pagbubuod ng Aralin

1. Ang kahulugan ng karanasan ay pangyayari na nasubukan o nagawa na.


2. Ang kahulugan ng teksto ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol
sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.
3. Ang kahulugan ng naiuugnay ay naiaangkop o naidadagdag.
4. Ang kahulugan ng napakinggan ay narinig o naulinigan

PAGYAMANIN-PAGSANAYAN MO

Mungkahing Pagsasanay:

Handa ka na bang magsanay?

Panuto: Makinig ng mabuti sa tekstong babasahin ng kasama mo sa bahay at


pagkatapos iugnay ang iyong sariling karanasan sa tekstong napakinggan. Bilugan
ang letra ng iyong sagot.

Hindi lingid sa kaalaman marami na ang pagkain sa fast food ay mataas sa fats,
sodium, MSG, at asukal ngunit mababa ito sa sustansiya ng fiber, prutas at gulay. Ilan
sa mga epekto ng pagkain sa fast food ay ang pagkakaroon ng napakataas na calories
na nagiging sanhi ng pagka-obesity, pangalawa, Insulin at type 2 diabetes. Pangatlo,
fats at cardiac events. Ngunit nakapagtataka sapagkat ito ay naibebenta parin at patok
sa panlasa ng nakararami. Ang mga advertisement nito ay maganda ang
pagkakagawa at mga sikat na artista ang nagpopromote sa mga radio at telebisyon.
Ang pagkain ng gulay at prutas ay makatutulong upang mabalanse ang mga fats sa
katawan at binabawasan nito ang mga masamang epekto nito sa blood vessels.

1. Sa pagpili ng mga pagkaing bibilhin ano ang dapat isaalang-alang?


A. Ang mabuting maidudulot ng pagkain sa ating katawan
B. Ang magandang lalagyan ng pagkain
C. Ang itsura ng pagkain
D. Ang mga pagkaing inendorso ng mga sikat na artista

2. Kapag pipili ng mga pagkakainan ano ang dapat piliin?


A. Mga kainan na sikat katulad ng Jollibee
B. Mga kainan na mayroong mga gulay at malinis ang palibot
C. Mga kainan na mura ang presyo kahit hindi malinis ang palibot
D. Kumain lamang sa mga kainan na inendorso ng mga sikat na tao

15
3. Upang maiwasan ang pagiging obese. Ano ang dapat gawin?
A. Mag ehersisyo at kumain ng mga masusustansiyang pagkain katulad ng
mga prutas at gulay
B. Mga pagkain lamang sa fast food ang palaging kainin
C. Matulog sa buong maghapon
D. Maglaro ng online games

4. Narinig mo na mataas sa calories ang mga pagkain sa fast food na naging


sanhi ng pagiging obese. Ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling
malusog ang iyong kalusugan?
A. Hindi paniniwalaan ang narinig dahil masasarap ang mga pagkain sa
fast food
B. Dadalangan na lamang ang pagkain sa mga fast food
C. Iiwasan ang pagkain sa mga fast food
D. Palaging magpupumilit na kumain sa mga fast food

5. Ang pagkain sa fast food ay mayaman sa fats. Ano ang dapat gawin upang
mabalanse ang fats sa ating katawan?
A. Uminom ng maraming tubig
B. Kumain ng karne
C. Kumain ng mga prutas at gulay
D. Uminom ng gatas

6. Sa paghahanda ng mga pagkain sa inyong tahanan ano ang dapat ihanda sa


hapag kainan?
A. Mga instant noodles
B. Mga de lata na mga ulam dahil madaling maihanda
C. Mga gulay, isda, karne at prutas
D. Mga pritong ulam

7. Kapag napansin mong sobra sa iyong edad at katawan ang iyong timbang
ano ang mas mainam mong gawin?
A. Pabayaan lamang
B. Magbawas ng timbang at palaging mag-ehersisyo
C. Palaging maglaro ng online games
D. Matulog buong maghapon

8. Ang junk food ay nakakasama sa ating katawan. Alin sa mga sumusunod ang
hindi junk food?
A. Coca-cola, Martys, Oishi
B. Peewee, Nutristar, Fish Craker
C. Mansanas, Gatas, Kamote
D. Sunkist, C2, Pepsi

16
9. Alin sa mga pagpipilian ang mainam kainin sa panahon ng recess?
A. Junk foods
B. Ice candy
C. Mga Candy
D. Banana que

10. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong kalusugan?


A. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog, mag-ehersisyo at kumain ng
mga masusustansiyang pagkain
B. Kumain ng marami at magkulong sa kuwarto
C. Manood ng telebisyon nang mahabang oras
D. Magpuyat at gumising ng tanghali

Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!


1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

17
APLIKASYON (APPLICATION)
Ikaapat na Araw

ISAGAWA-SUBUKAN MO

Mungkahing Pagsasanay:
Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwentong babasahin ng kasama mo sa inyong
bahay at pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin at bilugan
ang titik ng iyong sagot.

1. Ano ang maitutulong mo sa inyong pamayanan upang mapanatili ang


kalinisan?
A. magtapon ng basura kahit saan
B. Paghaluin ang mga nabubulok at hindi nabubulok na mga basura
C. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan
D. Hindi sumunod sa mga tuntunin ng pamayanan hinggil sa kalinisan

2. Ano ang daipat gawin bago umalis ng bahay?


A. Magpaalam sa mga magulang
B. Aalis nang hindi nagpapaalam
C. Magpapaalam sa nakababatang kapatid na aalis ka
D. Hintaying makatulog ang mga magulang bago umalis

3. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan nang may narinig ka na isang putok ng
baril at nakita mong bumulagta ang isang tao. Ano ang dapat mong gawin?
A. Lalapitan ang bumulagtang tao
B. Tatawagin ang mga kaibigan upang makiusyoso sa nangyari
C. Umiwas sa pangyayari at dali-daling uuwi sa bahay
D. Umiwas at ipagbigay alam sa mga opisyales ng barangay ang
pangyayari

4. Nakita mong sinisira ng ibang bata ang taniman ng mga gulay ng inyong
kapit-bahay. Paano mo sila pipigilan?
A. Sisigawan silang lahat
B. Babatohin sila
C. Sasali sa mga ginagawa nila
D. Kakausapin ng maayos na itigil ang ginagawa nilang paninira

18
5. Ano ang maitutulong mo sa inyong pamayanan upang mapanatili ang
kaayusan.
A. Sumunod sa mga tuntunin ng pamayanan paminsan minsan
B. Mangunguna sa mga kagulohan sa inyong pamayanan
C. Gumawa ng grupo ng mga kabataan at awayin ang mga hindi kasapi ng
grupo
D. Maging mabuting anak at palaging sumunod sa mga tuntunin sa
pamayanan

6. Paano ka makakatulong sa mga hayop na nakatira sa ilog?


A. Makiisa sa mga programa ng pamayanan sa pagpanatili ng kalinisan ng
ilog
B. Hikayatin ang ibang bata na magtapon ng basura sa tamang basurahan
C. Makiisa sa pagmamatyag sa pagpapanatili ng kalinisan ng ilog
D. Lahat ng nabanggit

7. Ano ang mararamdaman mo kung ang isang malinaw at malinis na ilog sa


inyong lugar ay mabago at maging isang malabo at maruming ilog sa
pagdaan ng maraming taon?
A. Malulungkot
B. Manghihinayang
C. Maiinis
D. Lahat ng nabanggit

8. Paano mo maiiwasan ang paglala ng polusyon sa tubig?


A. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga basura sa tubig
B. Pagbabawal ng pagtapon ng mga basura sa tubig
C. Pagtatanggal ng mga patay na hayop sa tubig
D. Lahat ng nabanggit

9. Sa pagpasok mo sa paaralan may mga basurang nagkalat sa iyong


daraanan. Ano ang maaari mong gawin?
A. Lampasan lamang ang mga nagkalat na basura
B. Tawagin ang ibang kamag-aral upang pumulot sa basura
C. Pulutin ang mga basura at ilagay sa tamang basurahan
D. Hintayin na utusan ng guro na pulutin ang mga basura

10. Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga isda na nasa kuwento ano ang
mararamdaman mo?
A. Malulungkot
B. Matatakot
C. Manghihinayang
D. Lahat ng nabanggit

19
Ganito ba ang iyong sagot? Binabati kita, Magaling!
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

TAYAHIN-PAGTATAYA (ASSESSMENT)
Ikalimang Araw

Pagsusulit (Pasulat o Pasalita)


Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwentong babasahin ng iyong kasama sa bahay.
Pagkatapos, sumulat ng sariling karanasan kaugnay ng kuwentong napakinggan.
(10 puntos)

Ang Magsasakang si Mang Mando


(Abegail P. Lacre)

Hindi pa tumitilaok ang tandang ay masigla nang bumangon si Mang Mando sa


kanyang tinutulugan. Hinanap niya ang posporo at nang makita ito, agad niyang
tinungo ang kusina. Nagpalingas ng kalan upang makapagpainit ng tubig at makainom
ng kape. Habang naghihintay na uminit ang tubig, inihanda naman niya ang iba pang
dadalhin sa kanyang pag-alis patungo sa bukid. Madilim pa ang paligid nang lisanin
ni Mang Mando ang kanilang tahanan,medyo malayo-layo rin kasi ang kanyang bukirin
na tutunguhin.

Maliwanag na ang paligid nang marating ni Mang Mando ang kanyang bukirin
at sa gitna nito ay nakatayo ang kanyang munting kubo na sagana ng iba’t ibang uri
ng mga gulay at prutas ang paligid. Pagkababa ni Mang Mando sa kaniyang kalabaw
ay masigla siyang sinalubong ng kanyang mga alagang manok at asong si Mante. Si
Mante ang nagsisilbing bantay ng kaniyang mga alagang hayop sa bukid habang wala
siya kaya’t mahal na mahal niya ito at palaging binubusog.

Pagkatapos mapakain ang mga alagang hayop,tinungo na ni Mang Mando ang


kanyang napakalawak na taniman, inani niya ang kanyang mga gulay at prutas na
puwede ng anihin. Isinakay ni Mang Mando sa karosa ang mga inaning gulay at prutas
upang dalhin sa pamilihan upang ipagbili. Magtatanghali na nang dumating siya sa
pamilihan kaya’t nangamba siya na baka hindi niya magawang maipagbili ang lahat
ng kanyang mga inani. Ngunit sadyang pinagpapala si Mang Mando, madali niyang
naibenta ang lahat ng kanyang dala na mga gulay at prutas. Tuwang-tuwa siya sa
nangyari kaya’t taos puso siyang humangad sa langit at nagpasalamat sa Diyos sa
mga biyaya na ipinagkakaloob sa kanya.

Masiglang umuwi si Mang Mando sa kanilang tahanan, sapagkat naibenta niya


ang lahat ng kanyang inani. Napawi ang lahat ng hirap na kanyang naramdaman, mula
sa mga namamanhid na mga binti at mga balikat na nangangalay sa pag-aalaga sa

20
kanyang mga tanim hanggang sa makakapal niyang palad dahil sa araw-araw niya na
paggawa sa mga gawain sa bukirin. Dahil sa sipag at tiyaga ni Mang Mando ay
natutugunan niya ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya at
madalas ay nakakapag-impok pa siya. Ang buhay magsasaka ay hindi dapat ikahiya,
basta’t magsipag at magtiyaga tiyak na ikaw ay giginhawa. Katulad ni Mang Mando,
kahit siya’y isang hamak na magsasaka lamang at mayroong simpleng pamumuhay
ay nagagawa niyang maitawid ang pamilya sa hirap ng buhay.

_____________________________________________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGSULAT NG KUWENTO NG KARANASAN
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
10 8 6 4 2
_______________________________________________________________________________
NILALAMAN
____________________________
• Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• Lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• Wastong gamit ng wika/salita
• Baybay,bantas,estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
• Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
• Pagkakaugnay ng mga salita

10- Pinakamahusay
8- Mahusay
6- Katanggap-tanggap
4- Mapaghuhusay pa
2- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

21
Pagsasagawa ng Panghuling Pagsubok
(Post-Test)

Pangalan: ____________________________________ Iskor: _________________


Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahin ng sinumang kasama sa bahay at
Pagkatapos, iugnay ang sariling karanasan sa tekstong napakinggan sa pamamagitan
ng pagpili at pagsulat sa patlang ng letra ng iyong sagot.

Pakikinig
Para sa bilang 1-2 (Post-test)
Ang paglalakad sa araw-araw ay isang madali na ehersisyo bilang simula
upang maabot ang antas ng isang malakas na pangangatawan. Magsimula sa
mabagal na ehersisyo at unti-unting dagdagan ang oras at katindihan upang hindi
mabigla ang katawan. Ang pagkakaroon ng tatlumpung minuto na layunin sa
paglalakad araw-araw ay isang magandang layunin. Ang pageehersisyo ay
nakapagdudulot ng maraming pakinabang sa ating katawan katulad ng pagsupil sa
ating timbang at pinangangasiwaan nito ang ating pag-aalala. Ang pageehersisyo ay
nakatutulong sa ating katawan upang mapalakas ang ating sistema sa paglaban sa
sakit at nakadadagdag ito ng mga taon sa ating buhay.

Para sa bilang 3 (Post -test)


Ang anumang nilalang ay hindi mabubuhay kung walang tubig kaya sinasabi
na ang tubig ay buhay. Ang pagkauhaw ng isang tao ay isang palatandaan na ang
kanyang katawan ay kulang na sa tubig. Lahat ng tao ay nawawalan ng tubig sa
katawan sa pamamagitan ng ating pag-ihi at sa tuwing tayo ay dudumi, sa tuwing tayo
ay papawisan ang ating katawan ay naglalabas ng tubig. Mahalaga ang tubig sa ating
katawan sapagkat kailangan ito sa tungkulin ng ating bato sa pangangasiwa sa
temperatura ng ating katawan kaya’t panatilihin natin ang tamang dami ng tubig sa
ating katawan. Ang mga taong may sapat na gulang na ay kinakailangang uminom ng
tubig na hindi bababa sa walong baso sa loob ng isang araw.

Para sa bilang 4-5 (Post-test)


Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ay maraming
ipinagbabawal. Kabilang sa ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga pagtitipon at
pagkukumpol-kumpol ng mga tao. Ipinagbabawal ang pakikipag-dikit sa bawat isa at
kailangang pagtuonan ng pansin ang social distancing sa lahat ng oras. Kapag
lumabas ng bahay ang lahat ay kinakailangang magsuot ng facemask, kasama rin sa
ipinagbabawal ang anumang mga okasyon na maaring makapagdudulot ng pagtitipon
ng mga tao katulad ng mga pagdiriwang ng kaarawan at maging ang pagsisimba. Ang
lahat ng ito ay ipinagbawal upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

22
Para sa bilang 6-10 (Post-test)
Isa sa pangunahing problema na kinakaharap ng ating lipunan ay ang walang
pakundangan na pagtapon ng mga basura kahit saan. Ang kawalan ng disiplina ng
bawat isa ang isa sa mga dahilan ng ganitong Gawain gayundin ang kawalan ng
pagmamalasakit sa ating kapwa. Ang pagtatapon ng mga basura saan mang sulok ng
ating lugar ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa ating kalusugan gayundin sa
ating kapaligiran. Ang pagbaha sa ating lansangan ay isa sa mga bunga ng ating
maling pagtatapon ng mga basura.

Ang pagtapon ng basura ay dapat iwasan upang mapanatili ang ganda at


kalinisan ng ating kapaligiran. Ang paglalagay ng basura sa tamang basurahan ang
makalulutas sa ating problema sa kapaligiran. Ugaliing magbawas ng mga basura na
nakasisira sa ating kapaligiran at gamitin ang ating kakayahan sa paggawa ng mga
bagong bagay mula sa mga basura na puwede pang magamit upang maiwasan ang
pagtatapon ng mga basura na puwede pang magamit.

______1. Upang magkaroon ng isang malakas na pangangatawan, ilang oras ang


dapat mong ilaan sa pag-eehersisyo?
A. Tatlumpong minuto araw-araw
B. Limang minuto
C.Tatlumpong Segundo araw-araw
D. Limang oras araw-araw

______2. Ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ka ng isang malakas na
pangangatawan?
A. Manood ng T.V buong araw
B. Maglaro ng online games sa loob ng anim na oras sa araw-araw
C. Mag-ehersisyo araw-araw
D. Kumain ng mga sitserya at uminom ng mga softdrinks

______3. Bilang isang bata na mahilig sa laro at palaging napapawisan, ilang baso
ng tubig ang dapat mong inumin sa isang araw?
A. Anim hanggang walong baso ng tubig
B. Apat na baso ng tubig
C. Dalawang baso ng tubig
D. Tatlong baso ng tubig

______4. Ano-ano ang dapat gawin upang mapanatiling ligtas sa COVID-19


A. Ugaliing maghugas ng kamay at magsuot ng facemask sa tuwing
lalabas ng bahay
B. Makikipagtipon sa maraming tao
C. Pupunta sa mga handaan
D. Makikipagsalo sa pagkain ng ibang tao

23
______5. Ngayong panahon ng pandemic paano mo maiiwasan ang COVID-19?
A. Manatili sa loob ng bahay, magbasa at makinig sa mga balita
upang hindi mabagot
B. Maglalaro sa labas ng bahay
C. Hindi ako makikinig sa aking mga magulang na huwag gumala
D. Yayayain ko ang aking mga kaibigan na pumasyal sa Gaisano.

______6. Ano ang kadalasang sanhi ng pagbaha sa ating lugar?


A. Ang mga baradong kanal na puno ng basura
B. Kakulangan ng mga opisyal sa pagpapaalala sa tamang pagtapon
ng basura sa mga mamamayan
C. Tamang paghihiwalay ng mga basura
D. Kakulangan ng mga punong-kahoy

_____7. Naglalaman ng mga balitang tungkol sa palakasan o mga laro.


A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Horoscope
D. Pang- isports

_____8. Naglalaman ng hula para sa mga susunod na araw sa iba’t ibang zodiac
sign.
A. Editoryal
B. Ulo ng mga balita
C. Horoscope
D. Kolum

______9. Sa simpleng pamamaraan paano ka makakatulong sa pagpigil ng baha sa


inyong komunidad?
A. Hindi ako susunod sa mga tuntunin hinggil sa tamang pagtatapon
ng mga basura.
B. Wala akong gagawin kasi nakakapagod.
C. Hayaan ko na lamang ang iba kasi marami naman silang gagawa.
D. Hindi ako magtatapon ng basura kahit saan.

______10. Ano ang mararamdaman mo bilang isang bata na nakatira sa isang lugar
na maraming basura.
A. Malulungkot at magnanais na magkaroon ng malinis na kapaligiran.
B. Wala lang, kasi sanay na ako sa lugar na maraming basura.
C. Magiging masaya dahil puwede akong magkapera sa mga basura.
D. Ipagmamalaki ko ito.

24
Mga Sagot
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Karagdagang Gawain-Kasunduan

Panuto: Makinig ng mabuti sa tekstong babasahin. Pagkatapos ay iugnay ang iyong


karanasan sa pamamagitan ng mga gabay na tanong na nasa ibaba.

Ang pinagmulan ng Tanhawaan


(Abegail P. Lacre)

Noong unang panahon, may isang lugar sa Barangay ng San Jose na wala
pang pangalan. Ang San Jose ay kabilang sa mga barangay sa lungsod ng Mainit sa
probinsiya ng Surigao del Norte. Ang lugar na walang pangalan ay isang madilim at
masukal na kagubatan. Makakakita ka dito ng malalaki at matatayog na mga punong
kahoy. Pinamumugaran ito ng iba’t ibang uri ng mga ibon at tahanan rin ito ng iba
pang uri ng mga hayop. Sadyang napakataba ng lupa nito at may tumutubo na mga
iba’t ibang prutas mula sa mga buto na dala ng mga ibon na nakatira dito. Sa gitna ng
lugar ay makikita mo ang isang malinaw at malamig na batis na nagmumula sa isang
bukal. Isang araw, may isang mangangaso na nagawi sa lugar. Napahanga siya sa
ganda ng paligid. Napag-isipan niyang dalhin ang kanyang pamilya sa lugar upang
dito na manirahan at ito nga ang nangyari. Nagtayo ng kubo ang pamilya ng
mangangaso sa lugar. Unti-unti nilang nilinis ang paligid ng magubat na lugar.
Binungkal nila ang lupain sa lugar upang pagtaniman ng kanilang ikabubuhay.
Dumaan ang ilang taon, tuluyang nalinis ng pamilya ng mangangaso ang buong
paligid. Sa pagdaan pa ng maraming taon, dumami pa ang mga tao na nakatira sa
lugar at tinawag nila itong “Tanhawaan” mula sa salitang surigaonon na ang ibig
sabihin ay “dinamohan” bilang paglalarawan sa nadamohan at nalinis na lugar.
Hanggang sa kasalukuyan, napakalaki ang pagbabagong naganap sa lugar. Nawala
na ang mga matatayog at malalaking punong-kahoy, unti-unti naring natutuyo ang
dating napakalinaw at napakalamig na batis. Ang mga hayop ay naging mailap dahil
sa karahasan ng mga tao na tumira sa lugar. Kasabay ng pagdami ng mga nanirahan
sa lugar ay siya ring paglaho ng dating sagana at malaparaiso na lugar.

1. Sa inyong lugar, ano ang napapansin mong mga pagkakaiba sa kapaligiran


noon at ngayon? Maglista ng tatlo
2. Ano ang sanhi ng ganitong pagbabago?
3. Ano ang maaaring gawin upang masolusyunan o maiwasan ang paglalâ nito?

25
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
(Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral)
__________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

10 8 6 4 2
NILALAMAN
• Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• Lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• Wastong gamit ng wika/salita
• Baybay,bantas,estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
• Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
• Pagkakaugnay ng mga salita

10- Pinakamahusay
8- Mahusay
6- Katanggap-tanggap
4- Mapaghuhusay pa
2- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

26
SANGGUNIAN (REFERRENCES):

• file:///D:/Offline%20Version%20of%20LR%20Portal%20090217/lrmds.deped.
gov.ph/lrmds.deped.gov.ph/download/Ang%20Bahagi%20ng%20Pahayagan0
01.PDF

• https://www.change.org/p/filipino-people-pagtapon-ng-basura-ay-iwasan-
upang-pagbaha-ay-malutasan

• https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/05/14/2013805/editoryal-masamang-halimbawa

• https://www.glowonline.org/internation_tracts/mga-hakbang-sa-kalusugan/
• https://www.pressreader.com/philippines/balita/20180708/281578061420476
• https://foodfreedomactions.blogspot.com/2014/03/ang-masamang-epekto-ng-
fast-food-junk.html

27
MGA SANGGUNIAN:

• https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangngalan
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Karanasan
• https://brainly.ph/question/2600962
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Panghalip
• Hiyas sa Wika
• Alab Filipino 5
• Curriculum Guide sa Filipino
• MELC
• MISOSA

28
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte


Peñaranda St., Surigao City
Surigao del Norte, Philippines 8400
Tel. No: (086) 826-8216
Email Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph

29

You might also like