You are on page 1of 1

Ang pag-aaral na ito ay higit na makatutulong sa akademikong pagganap ng mga mababanggit

na taong nasa hanay ng edukasyon.


1. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga Guro ng Kolehiyong Antas na gumagamit ng
teknolohiya sa pagreporma ng mga kasanayang dapat malinang sa pagtuturo. Sila ay
mahihikayat na maging higit na masigasig sa paghahanap ng mga makabagong estilo ng
pagtuturo alinsunod sa plataporma ng Kagawaran ng Edukasyon na pagpapatuloy ng
taong panuruan sa kabila ng nararanasang pandemya;

2. Malaking tulong din ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral nang sila ay maging mulat at
bihasa sa paggamit ng teknolohiya tungo sa pagkamit ng dekalidad na edukasyon sa
kabila ng krisis ng pandemya sa bansa;

3. Magiging salalayan ang pag-aaral na ito ng panibago pang mga pag-aaral hinggil sa
epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto upang higit na mapagtibay
ang kabisaan nito;

4. Magiging batayan din ito ng pagpaplanong pampagtuturo ng mga administrador at


pinuno ng paaralan nang sagayon ay makapaglaan sila ng pondo sa lalo pang pagsasanay
ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya at kauri nito.

You might also like