You are on page 1of 1

Gwendica Cybelle B.

Valdez

ADBOKASIYA PARA SA PAG-ASA


Hindi maikakaila na sa panahon ngayon, laganap ang mga suliraning ating
naharap. Isa sa pinaka naka apekto sa ating pamumuhay ay ang pag usbong nga
COVID-19 Pandemic na talaga naming nagpa bagal sa ating ekonomiya at iba pang
aspeto ng pamumuhay.
Bawat araw, nagkakaroon ng mga bagong kaso ng mga taong nagkakasakit
dahil sa virus. May mga lugar sa bansa na patuloy ang pag taas at may mga lugar din
na medyo nakakaahon na at unti-unti nang bumabalik sa normal. Ngunit, hindi parin
dapat tayo maging kumpyansa lalo pa at hindi pa tuluyang nawawala ang pandemya.
Kung kaya, bilang isang mag-aaral, ako ay magbabahagi nga aking adbokasiya at
partisipasyon upang makatulong sa mga hamong kinakaharap ng bansa.
Ang aking adbokasiya ay tungkol sa mas pakikiisa sa pagpapalaganap ng ating
gobyerno ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa pandemyang ating kinakaharap o ang
Covid-19. Ang adbokasiyang ito ay naglalayon ng mas higpit na seguridad na gagawin
sa mga taong nasasakupan dito sa Pilipinas. Ang adbokasiyang ito ay humihikayat sa
gobeyrno at ilang kumakatawan nito na mas maging mapanuri, mapagmatyag, at
maging makatotohanan sa pagbibigay ng pahayag ukol sa pagtaas at pagbaba ng kaso
ng Covid 19 dito sa ating bansa.
Ang aking adbokasiya rin ay makakatulong sa mamayan na mas maging
updated sila , sa mga mangyayari sa kapaligiran at magtuturo rin ng mga dapat at di
dapat gawin sa panahon ngayon ng nagbabadyang sakuna. Ang gobyerno ang
katuwang sa adbokasiyang ito dahil sila ang magbibigay ng tamang protocol at
alituntunin upang ang mga tao ay mas maging alerto sa mga dapat gawin upang di
madaling madapuan ng sakit na ito.
Dahil sa tulong nga Social Media, mas mapapadali ang information
dissemination sa patuloy na pagpapalaganap ng nakakatulong na impormasyon. Mga
impormasyong magbibigay pansin sa gobyerno at makakaabot sa mas nakararaming
tao. Kung lahat ay may pagmamalasakit sa bansa, siguradong mas mapapadali ang
pagka hilom at pag usbong ng bagong pag-asa.

You might also like