You are on page 1of 1

Mga teoryang sa pagsusuri ng isang pelikula

Ang ikaapat na kwento ay tungkol sa masalimuot na pagmamahalan ni Ester at


Sara. Parehong babae, kapwa bisekwal , umiibig sa isa’t isa ngunit may sari-
sariling pamilya. Nagsimula ang storya sa katatapos pa lamang na kasalan nina
Ester at ng kanyang asawa na si Lucio. Isang Driver ng kargamento sa Egypt kaya
laging wala ngunit taun-taong umuuwi sa Pilipinas. Mabibilang ang naging
bakasyon nito sa bilang ng mga anak nila. Lima. Kapag nasa Egypt si Lucio, ang
kasambahay ni Ester na si Sara ang tumutulong sa kanya sa pag-aasikaso ng bahay
at ng kanyang mga anak.
Mula pa sa lola hanggang ina at mga kapatid, si Sara ay pamilya ng mga katulong.
Anong kinabukasan ang naghihintay sa isang di nakatapos ng high school at
walang ibang skills kundi magsilbi sa iba? Noong bata pa si Ester ay isang
mapagbirong lasenggong tiyo ang nagsabi, gusto mong malaman kung sinong
mamahalin mo habang buhay? Hintayin mong bilog ang buwan at tulog na ang
lahat, magdala ka ng salamin sa bubong at sa repleksyon ng buwan sa salamin ay
makikita mo kung sino siya. Sa kung anong ihip ng hangin ay naniwala si Ester at
ginawa niya ito. Doon sa bubong na iyon ninakaw ang puso niya. Matapos
magkwento ang tiyo niya, dala-dala ang isang maliit na salamin ay nagpunta siya
sa bubong ngunit walang nakitang repleksyon mula buwan hanggang sa lumipas
ang maraming taon.

You might also like