You are on page 1of 2

Siguro alam niyo na di ba kung paano ako naging Rotaractor last 2019, I was kind of inactive back then

since limited yung galaw ko around Manila. I am actually not expecting and planning to be one of the
executive officers, gusto ko lang magmember since kasama ko rin friends ko. Inaasar ko pa nga sila dati
na’rotaract pa more’ everytime na nasstress sila sa Gawain HAHA. But then bigla na lang akong nahalal
bilang secretary, I was hesitant kasi I intend to focus sa isang taong la kwinta char HAHA. So ayun, plano
kong iturn down yung position kasi wala talaga akong balak then ayon nawala yung taong yun, edi sabi
ko i-go ko na to kasi opportunity to and why not try new things since bigo ako. Edi ayon, nung una
nangangapa ako ng sobra kasi secretary agad ako tapos wala naman akong alam sa ganito, luckily I have
kuya roi, sya yung nagguide sakin sa mga ginagawa ko, especially I have a lot of corrections back then.
Kasi usually secretary must have all the club records, and responsible for the club communication so ang
ginagawa ko mostly ay mag note taking for the minutes, minsan mind taking lang kasi poor pa ko nun
wala ko bolpen HAHAHAH CHAR. Pero ayun nga, kilala naman ako ni kuya roi gumawa ng mga papers,
detailed ako magsulat ng minutes kaya minsan may pinapabura na sya. Minsan din hindi ko alam yung
mga dapat pang ilagay na information, but eventually natuto na rin ako. actually shy akong tao haha
joke, pero hindi kasi ako sanay na kumausap ng matataas na tao, so sila rica at kuya roi pa din yung
nagiging guide ko for that tho sila din madalas ang kumakausap sa sponsoring rc natin kasi rotarian na
din sila. But I think isa pa rin yan na dapat madevelop ng isang secretary, to learn how to talk. And alam
niyo, being a secretary is more than being a secretary lalo na pag secretary ka ni kuya roi HAHAHA
jokkee ha, de, kaibigan ko kasi yan si kuya roi, and I think importante din yun and advantage din namin
yun as officers na magkakakilala at magkakaibigan na rin kami so usually kung mapapansin nyo casual
lang kami makipag usap sainyong members kasi friends tayong lahat deba deba. So ayon, bilang
secretary and kaibigan ni kuya roi, ako yung madalas nyang kasama sa mga events, tulad ng RYLA,
magkasama naming binabash yung mga taong hindi sinama yung performance namin dalawa sa video.
But at the same time, comfortable na akong maglahad ng ideas and suggestions kay kuya roi, kaya
minsan kapag nasstress na sya sa mga Gawain, nagvvolunteer ako to take over or magooffer ng help
kahit nga sa acads tinutulungan ko sya kasi alam ko yung stress niya lalo na at both kaming nangangapa
sa posisyon.

Nung una wala atang araw na hindi kami magkausap nyan ni kuya Roi kasi maraming Gawain lalo na
nung naging PIO na ako, eto madalas gusto ko na lang umiyak HAHAHA. But now, tapos ko na yung
Gawain bago pa masabi ni kuya roi HAHAHA. So responsible ang pio to handle all the social media
accounts. Hindi ako maalam sa paggamit ng ibang social media accounts lalo na ng IG for some reason,
so I had Rica and Alexa to take over that since madalas din naman nilang gamitin yun due to inquiries
and ako pa din naman yung gumagawa ng pubmats. So another responsibility ng PIO is taking control
and posting ng ating fb page, hindi ito tulad ng ibang org na iba yung content moderator sa graphic artist
coz yes, ako din tagagawa ng captions and all. Responsible din ako sa pagpromote ng ating page and
pagbeautify ng ating page, tho minsan i seek help in constructing captions. So rule no. 1 sa pagiging PIO,
is know the BRANDING. So you see, rotaract’s pubmat is all about branding, the MDIO or Multi-District
Information Organization does not care about your style or design, pero sobrang selan nila when it
comes to branding. May mga specific measurement yan and colors, may one time gumawa ako ng
maramihang poster it was for congratulating the lister ng club. Tapos lahat yun mali yung branding,
gusto ko na lang talaga magmukmok nun kasi uulitin ko nanaman and back to zero nanaman di ba?
Maraming beses pa nangyari yun sakin, so I came up with a solution, gumawa ako ng png ng locked up
style ng branding, with correct and consistent measurement lakihan o liitan mo man. So solved na ako sa
isang problem ko, pero hindi sya dyan natatapos, I still have to consider the space outside that branding
kasi may measurement pa rin yun and consider the background color kasi prohibited yung distorted and
medyo hindi kitang logo. So sa susunod na PIO, you already have the advantage kasi I’ll be providing the
essentials na unlike ako noon, ako yung unang PIO ng club so sobrang kapa at tiyaga yung ginawa ko. so
when I say being a PIO is more than being a PIO, believe me kasi, hindi pa rin dyan nagtatapos ang
responsibility ng PIO. When I say PUBLIC IMAGE, responsible ka sa pagpapaganda ng club mo aside from
the records, so hindi lang sya posting, you also need to design posters para sa community projects, lay
out design ng shirt, goodies powerpoints for webinars, technicalities, and marami pang iba. Actually
medyo dumali yung trabaho ko as PIO dahil secretary ako, since sakin din dumadaan yung information
alam ko na din yung gagawin for PIO works. So lets say for example, kahit hindi ako yung nagorganize ng
isang event, I still have the informations and necessary documents, tulad ng script, letters, invitation,
flow of the program and etc. so kapag gumagawa na ako ng poster, invitation, powerpoint, or videos for
that event alam ko na yung gagawin ko. navvision ko na yung design and necessary sa event na yun.

Masyado na ata akong maraming sinasabi, but I hope na nagets nyo yung gist ng pagiging secretary and
public image director sa mga errors and experiences ko. gusto ko lang din sabihin na thank you rotaract
sa pagbigay sakin ng trabaho nung bigo ako so I don’t have to think abt that person all the time kasi mas
stress ako sa pubmat, and thank you for guiding me and having fun with me. Gusting gusto ko yung mga
times na, kahit trabaho yung ginagawa natin eh nagkakasiyahan pa din tayo, saya kasi ibully ni kuya roi
at richmon HAHAHAH joke. But anyways, overall experience ko is masaya lalo nap ag may gala char
HAHAHA. So there you go, for the next secretary and next PIO, sana magampanan nyo yung
responsibility, don’t worry much kasi I am one chat away kapag kailangan niyo ng guide. Hindi pa naman
ako mawawala, marami pa akong pambubulabog sainyo kaya GOODLUCK NA LANG AND SANA MAGKITA
NA TAYO.

You might also like