You are on page 1of 1

PAGDALISAY SA INUMING TUBIG GAMIT ANG NATURAL NA KATAS

Shweta Chauhan
Post Graduate ng Kolehiyo
Madhya Pradesh

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Pagdalisay sa Inuming Tubig Gamit ang


Natural na Katas. Isinagawa ito upang mapaunlad ang kalidad ng inuming tubig sa munisipalidad
ng Thatipur, Gwalior, sa pamamagitan ng paggamit sa katas ng Moringa oteifera,
Arachishypogae (Mani), Vigna unguiculata (Paayap), Vigna mungo (monggo) at Zea Mays
(Mais). Sa panahon ng pag-aaral na ito, sinuri ang nagamot at hindi nagamot na sampol ng tubig
kung meron ba itong mabibigat na metal at mikrobyo.

Matapos suriin ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos, natuklasan nila na
merong pagbaba sa bilang ng mikrobyo hanggan 92%. Ang paglagay ng natural na katas sa
sampol ng tubig ay nakatulong upang ang mga mabibigat na metal sa tubig ay magkumpol-
kumpol at tumigas kagaya ng lead, copper at nickel. Natuklasan din na ang katas ng dahon at
buto ay mas epektibong gamitin upang makuha ang organiko at kemikal na komposisyon na nasa
tubig.

Nagtapos ang pananaliksik na ito sa mga sumunod na kongklusyon. Ang


pinagsamang katas ng buto at dahon ay maaaring gamiting pampadalisay ng tubig. Ang tubig ay
maaaring inumin at gamitin ng mga tao sa munisipalidad ng Thatipur,Gwalior. Ang
pamamaraang ito na pagpapadalisay ng tubig ay maaring gamitin ng mga papaunlad na bansa
kung saan ang mga tao ay umiinom nang kontaminadong tubig.

Itinagubilin ng mga mananaliksik na gumamit ng iba pang klase ng organikong


materyal na nakatutulong sa pagdalisay ng tubig, upang mas mapalawak pa ang kaalaman sa
aspetong ito. Kumuha rin nang ibat-ibang sampol ng tubig upang ito ay suriin.

You might also like