You are on page 1of 2

Wikang Filipino ba ang Iyong Sandata?

1. Introduksyon

Ang Wika, bagaman maikling salita subalit ang kahulugan at katangian ay

napakalawak at napakalalim. Ang kakayahahan nito’y makakapagpapaunlad ng isang tao
at bansa, ngunit may kakayahan din itong magwasak kung mali at hindi angkop ang
paggamit. Magagawa nitong pagbuklurin at pagsamahin ang isang bansa ay lahing nasa
gitna ng sigalot at kaguluhan. Ngunit gaano nga ba natin kakilala at kamahal ang ating
sariling wika? Hanggang saan nga ba natin ito kayang ipaglaban?
Ang Pilipinas ay napakapalad, sapagkat nabubuklod tayo ng ating wikang Filipino.
Bagaman iba’t iba ang bigkas at punto na inilalapat natin sa ating wika. Hindi
maitatangging nalangkapan natin ito ng kakaibang himig. Ang bawat bagsak ng tunog
nito ay may kahali-halinang hatid sa ating puso. Nagkaroon tayo ng kasarinlan at
kapayapaan dahil sa ating wika. Subalit sa paglaon ng panahon, katulad ng buhangin sa
dagat, natatangay tayo ng alon ng pagbabago. Nagpatianod tayo sa pag-unlad ng
teknolohiya at siyensya. Sumabay tayo sa mabilis at hindi mapigil na kolonyalismo.
Binigyan natin ng mataas na pagkilala ang mga wikang kanluranin at mabilis na
pagkadalubhasa dito.

II. Katwiran ng Kaibang Panig

III. Sariling Katwiran

Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-

komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata
natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at
simbulo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin
sa ating pamilya, kaibigan, o kung sino pa man na kakilala natin.
Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7,107 na mga pulo na
mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may iba’t-ibang
kultura, relihiyon at paniniwala sa bawat panig ng Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat
mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng wikang Filipino.

IV. Kongklusyon

Bilang isang Pilipino kailangan nating pahalagahan at mahalin ang ating wika dahil ito
ang tulay para tayo ay magkakaunawaan sa bawat isa. Sa tulong wikang Filipino tayong
mga Pilipino ay nagkakaintindihan kahit binubuo ng maraming linggwahe ang ating
bansa.

Dapat nating bigyan ng halaga ang wikang Filipino, lalo na sa paggamit nito sa iba't-
ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Hindi magiging mahirap ang
pag-angat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin natin ang wikang Filipino. Huwag
natin itong kakalimutan at bigyang importansya. Dahil, pinaghirapan itong makamit ng
ating mga ninuno na magkaroon tayo ng sariling wika. At higit sa lahat, atin pang
ipalaganap ang ating sariling wika.

You might also like