You are on page 1of 2

Isang magandang hapon po sa ating lahat.

Good afternoon po Sir Macalinao, Ma’am Macalinao, mga Ma’am at


Sir.
Kumusta na po ba ang lahat? Sana po ay palagi pa rin po tayong okay at masaya sa kabila ng mga
pinagdadaanan natin.

Ang tema po ng ebanghelyo nung nakaraang linggo ay “Si Hesus ang tunay na Daan?”
Bago po ang lahat, may tanong po ako :
“HANDA PO BA TAYONG IWANAN ANG KASALUKUYAN NATING PAMUMUHAYPARA MAKASUNOD SA TAWAG
NG ATING PANGINOON?
Isang tanong na napakahirap sagutin. Siguro po, hindi tayo basta basta makakasagot ng OO or HINDI.
Tunay pong HINDI MADALING SUMUNOD SA TAWAG NG PANGINOON.
Hindi po madali ang iwanan ang lahat lahat, ang ating pamilya, trabaho at lahat ng mahalaga sa atin.
Minsan po, hindi pa tayo sigurado sa kapalit nito. Makakayanan po ba natin ito? Ano nga po ba ang makukuha
natin kung tayo ay susunod sa tawag n gating Panginoong Jesus?

Yayaman po ba tayo? Magiging sikat? Hindi po.


Sabi nga po ni Jesus, ANG SINO MANG GUSTONG SUMUNOD SA AKIN AY HANDANG TALIKDAN ANG KANYANG
SARILI. PASANIN ANG KANYANG KRUS ARAW-ARAW AT SUMUNOD SA AKIN.

Hindi porket sumunod kay Jesus, automatic maganda na ang buhay ditto sa lupa. Ang mga pagsubok ay parte
ng ating buhay na dapat nating pagdaanan habang tayo ay nabubuhay. Tandaan po natin na hindi dahil
maganda ang takbo ng ating buhay ditto sa lupa, o marami tayong pagsubok na pinagdaraan, wala na tayong
karapatang maging masaya. Kahit minsan po ay may problema tayo, basta sumusunod tayo sa Panginoon,
MAGIGING MASAYA PA RIN TAYO.
Sa bawat paghihirap, sa bawat pagsubok, na kakaharapin natin, lagi po nating tatandaan : WALANG
SUMUSUNOD KAY KRISTO NA UMUUWING TALUNAN. WALANG NAGBUBUHAT NG KRUS NA NAPUPUNTA SA
WALA.
Lahat ng sumusunod kay Jesus, nagiging masaya at matagumpay. Maaaring may mga panahong lumuluha
tayo, mga panahong nasasaktan tayo, nadadapa, kinukutya o napapahiya dahil sa ibang tayo subalit HINDING
HINDI MAWAWALA SA ATIN ANG MAGING MASAYA.

Tandaan po natin na ANGPAGKAKAIBA NG NGITI AT SAYA.


Ang NGITI ay nakikita sa mga labi pero ang SAYA ay nakikita sa kinang ng ating mga mata.
Maraming dahilan para ngumiti: marahil maraming pera, dahil sikat ka, dahil mataas ang posisyon mo sa
trabaho, may kotse at kung ano ano pa.
Ang ngiti ay madaling Makita sa ating mga labi pero ang tanong , sa kabila ng ngiti sa iyong mga labi, meron
bang saya sa iyong mga mata?
Bakit sa kabila ng mga ngiti sa ating labi ay tila ba nakikita ang lungkot sa ating mga mata?
Kaya nga po sabi ng kanta:
“Mayroong lungkot sa iyong mga mata at kay bigat ng iyong dinadala. Kahit di mo man sabihin, paghihirap
mo’y nadarama pa rin.”
Ano pong sabi ni Lord:
“Narito ang mga palad ko. Handang dumamay kung kailangan mo. Asahan mo si Kristo ay laging andyan, laging
tapat sa’yo.
Lagi po nating tandaan “Maaring mahirapan tayo, maaaring masaktan tayo tulad ng mga alagad ni Kristo. Pero
meron po tayong God, na laging andyan, para hilumin lahat.

Kaya tanungin po natin ulit ang ating mga sarili:


Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?
Baka naman kumakatok na si Jesus sa puso mo, papasukan mo naman sya. Kasi, hinding hindi ka magiging
masaya kung hindi si Jesus ang iyong kasama. Kung kasama mo na si Jesus, talikdan mo na ang dati mong
pamumuhay, iwanan mo na ang iyong mga kasalanan. Gusto ni Lord, happy ka.
Pahuli po, tandaan po natin na “hindi tayo tinawag ni Hesus dahil tayo ay karapat dapat, di tayo tinawag ni
Hesus dahil kailangan nya tayo. Tinatawag tayo ni Hesus dahil KAILANGAN NATIN SYA.

You might also like