You are on page 1of 1

“BUHAY AY IISA”

Ni : ISAGANI D. PAUNILLAN

Nang ikaw ay sa sinapupunan pa buhay mo’y nagsimula na,


Mga magulang mo’y laging nagmamasid,
Di mo lang napapansin dahil madilim ang iyong paligid,
Nang ikaw ay lumabas na sa mundo’y anong saya.

Buhay ‘wag sayangin,


Mga maling gawa’y putulin,
Ilang beses mang nadadapa, bumangon ka’t isigaw and bagong pag-asa,
Dahil ang buhay ay iisa.

Nang ikaw ay lumaki na,


Sa pag-aaral ay sagot ka,
Walang ibang hiling nila,
sa leksyon ay mag-aral ka.

Mga bisyo’y iwasan muna,


Mga problema’y ipaalam nila,
Sa kasintaha’y ‘wag ka muna,
Dahil kinabukasa’y inaalala

Sabin g mga matatanda,


Pito ang buhay ng mga pusa,
Ang buhay ng tao ay di tulad nila,
Dahil ang buhay ay iisa.

You might also like