Professional Documents
Culture Documents
Bible Reading!!!!
Bible Reading!!!!
MGA-BILANG 12-13
by: Charles and Anne
Mga Bilang 12
Nag-usap sina Miriam at Aaron Laban kay Moises
1Sina Miriam at Aaron ay nagsalita ng laban kay Moises dahil sa babaing Cusita na
kanyang pinakasalan—sapagkat siya'y nag-asawa nga ng isang babaing taga-Cus.
2Ang sabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Yahweh? Hindi ba't
sa pamamagitan din natin?” Narinig ni Yahweh ang usapan nilang ito. 3Si Moises
naman ay isang taong mapagpakumbabá higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng
lupa.4Dahil dito, tinawag ni Yahweh sina Moises, Aaron at Miriam. Sinabi niya,
“Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan.” At nagpunta nga sila. 5Si Yahweh ay
bumabâ sa anyo ng haliging ulap at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan.
Tinawag niya sina Aaron at Miriam. Paglapit nila, 6sinabi niya, “Pakinggan ninyo ang
sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa
kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip.
Mga Bilang 12
7Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises sapagkat ipinagkatiwala ko sa kanya ang
aking buong sambahayang Israel. 8Kinakausap ko siya nang harap-harapan at
sinasabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng
talinhaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit hindi man lamang kayo
natakot na magsalita laban sa kanya?” 9Nagalit sa kanila si Yahweh, at siya'y
umalis.10Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay
nagkaroon ng maputing sakit sa balat na parang ketong. Nang makita ito ni Aaron,
11sinabi niya kay Moises, “Kapatid ko, huwag mo sana kaming parusahan dahil sa
aming kamangmangan at kasamaan.
Mga Bilang 12
12Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buháy na patay, parang
ipinanganak na nabubulok ang kalahati ng katawan.” 13Kaya, nakiusap si Moises
kay Yahweh, “O Diyos, pagalingin po sana ninyo si Miriam!”
14Ngunit ang sagot ni Yahweh, “Kung siya'y duraan ng kanyang ama, hindi ba siya
magtatago ng pitong araw dahil sa kahihiyan? Hayaan ninyo siya ng pitong araw sa
labas ng kampo.” 15Kaya si Miriam ay pitong araw na nasa labas ng kampo. Hindi
umalis ang bansang Israel hanggang hindi nakakapasok ng kampo si Miriam.
16Mula sa Hazerot, patuloy silang naglakbay. Pagdating sa ilang ng Paran ay
nagkampo sila.
Mga Bilang 13
Nagsugo ng Labindalawang Espiya sa Canaan