You are on page 1of 1

Tula ko- Buhay ko

Ang buhay ko ay hindi perpekto

Minsa’y nagkakamali pero natututo

Minsan nang naranasan sumaya at mabigo

Pero mas pinili kong wag sumuko

Sa bawat araw may pagsubok na sumasalakay

At dahil matibay ako, hindi ako bumigay

Hindi ako nagpatalo sa tukso ng tadhana

Bagkus ginawa ko itong sandata para harapin ang problema

Ako yung taong palaging masaya

Laging may ngiti sa labi

At pinipilit maging masaya

Ngunit sa likod nito’y may sakit na dinadama

Ganito ang gawain ko sa araw araw

Dahil takot akong Makita ng iba na akoy mahina

Ang buhay ko ay sadyang malungkot

Sa dami dami ng napangdaanan kong pagsubok

Ngunit masasabi ko pa ring maganda ang buhay ko

Dahil kapiling ako ang buong pamilya ko

Kung matalo man ako ng problema

Sa pamilya pa lang, panalo na’ko sa buhay

You might also like