You are on page 1of 1

Ramadhan

Isa sa mga karanasan ang hindi ko makakalimutan ay ang sapit ng buwan ng


Ramdhan, ito ay kung saan Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan,
sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng
pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng
'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng
pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah.

Dito ko naranasan ang pagiging pananampalataya ko kay Allah. Dito ako rumanas ng
hirap sa lahat ng mga naranasan ko sa buhay. Hindi lang naman mahirap pero naranasan ko
din mag enjoy sa Ramadhan dahil sa paglubog ng araw ako ay nasasabik na kumain dahil sa
sborang gutom ko, tulong-tulo ang mga laway ko sa mga pagkain na ipinaghanda ng nanay ko
gaya ng fruit salad, tinola, lechon manok, at siyempre sa sobrang uhaw ko, tubig talaga habol
ko. Tuwing sa pag sapit ng buwan ng Ramadhan ay nararamdaman ko ang saya bagamat ito
rin ay ang spesyal na buwan sa mga Muslim gaya rin sa mga katoliko ay spesyal din sa kanila
ang araw ng pasko. Pero ramdam ko rin ang lungkot sa huling araw ng pagtatapos ng pag
aayuno sa Ramadhan, nakakaiyak sa damdamin dahil maiisip ko ang mga naranasan ko sa pag
aayuno ay di ko talaga makakalimutan sa aking isip at puso.

You might also like