You are on page 1of 4

Taon 34 Blg.

49 Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (B) — Lila Marso 7, 2021

MGA KAUTUSANG umasa, at umibig (cf. Mt. 22:34-


40). Sa pagsunod natin sa

Mapagpalaya
mga utos na ito, pinagtitibay
pa natin ang ating ugnayan at
pagmamahal sa Diyos at sa
kapwa.
Ikalawa, layunin din ng mga
utos ng Diyos ang kabutihang
panglahat o common good. Sa
ikalawang pagbasa, sinasabi
ni San Pablo na para sa mga
H u dyo , s i H e s u k r i s t o ay
katitisuran o balakid at para
naman sa mga Hentil ay isang
kahangalan. Hindi ba’t ganito
rin ang pangungutya ng ilang
mga hindi tumatanggap sa aral
ng Panginoon? Kahali-halina sa
tainga ang kanilang mga slogan
na para bagang inaalok ka ng
mga mabilisang paglutas sa iyong
mga suliranin: “My body, my
Cl. Bryan Cabatingan SSP choice” / “My body, my rules”.
Subalit kung uusisaing maiigi,
makasarili ang mga ganitong
pag-iisip. Dapat pinagsisilbihan
ng anomang batas ang kabutihan
para sa lahat at hindi lamang
ng iilan.

S inanay kami mula pagkabata simbahan hindi lamang sa Panghuli, hindi tayo sumusunod
ng aking ina na tuwing pananamit at pagkilos sa loob sa mga utos ng Diyos para lamang
sisimba kami, dapat presentable ng tahanan ng Diyos kundi pati masabing tayo’y matuwid (blind
ang mga kasuotan na aming na rin sa aspetong moral. Subalit obedience). Sa ebanghelyo
gagamitin. Karaniwang may ano nga ba ang halaga/saysay/ makikita nating itinaboy ng
kamahalan o magagandang kabuluhan ng mga kautusang Panginoong Hesus ang mga
klase ng mga damit ang mga itinagubilin sa atin? nagtitinda ng mga hayop at mga
ito at may bukod na lugar sa Una, pinalalaya tayo ng mamamalit-salapi sa templo sabay
aming aparador. Hindi namin mga utos ng Diyos mula sa sabing: “Alisin ninyo rito ang mga
iyan! Huwag ninyong gawing
maaaring gamitin ang mga pagkaalipin sa kasalanan. Sa
palengke ang bahay ng aking
ito sa ibang mga lakad. Laan unang pagbasa, maririnig natin Ama.” Sigasig at pagsinta sa Ama
lamang ito para sa tahanan ng ang Sampung Utos ng Diyos ang naghari kay Hesus sa oras na
Diyos, ang simbahan. Liban sa na ibinigay kay Moises. Hindi yaon. Maging ganito rin nawa
mga panlabas na kaugalian, ibinigay ng Diyos ang Decalogue ang ating sigasig at layunin sa
ipinaaalala rin sa amin ang upang siilin ang kalayaan ng mga pagsunod sa mga utos ng Diyos at
tamang mga asal sa loob ng Israelita kundi upang bigyan sila ng Simbahan: Lubos na pagtitiwala
simbahan gaya ng katahimikan ng gabay kung paano mamuhay sa Diyos at sa Inang Simbahang
at pagkilos nang taimtim. nang matuwid. Para naman sa nag-uutos, sumasampalatayang
Marahil makaluma at ating mga Kristiyano, saligan ang ating kabutihan ang kanila
nakasasakal kung ituring ng ang mga utos na ito kung paano lamang hangad.
ilan ang mga panuntunan ng tayo nararapat sumampalataya,
PASIMULA rihan ikaw ay maibigin at butihin bayan. Anim na araw na ginawa
sa tanan. Itinuturo mo na ang ko ang langit, ang lupa, ang mga
Antipona sa Pagpasok lunas sa kasalanan ay nasa kusang dagat at ang lahat ng nasa mga
(Slm 25:15–16) pagpapakasakit, pagdalangin, ito; namahinga ako sa ikapitong
(Basahin kung walang pambungad na awit.) at pagmamalasakit. Tunghayan araw. Itinangi ko ito at itinalaga
Tangi kong inaasahan ang Diyos mo ang aming pag-amin sa para sa akin.
na kaligtasan. Paa ko’y pina-­ nagawang pagsuway upang sa “Igalang ninyo ang inyong
kawalan sa bitag na nakaumang pagpapatirapa ng aming budhi ama’t ina. Sa gayo’y mabubuhay
’pagkat ako’y kanyang mahal. sa iyong harap kami’y lagi mong kayo nang matagal sa lupaing
maibangon dahil sa iyong pag- ibinigay ko sa inyo.
Pagbati ibig na tapat sa pamamagitan ni
(Gawin dito ang tanda ng krus.) “Huwag kayong papatay.
Hesukristo kasama ng Espiritu “Huwag kayong manganga-lunya.
P – Sumainyo ang Panginoon. Santo magpasawalang hanggan. “Huwag kayong magnanakaw.
B – At sumaiyo rin. B – Amen. “Huwag kayong sasaksi sa di
katotohanan laban sa inyong
Paunang Salita PAgpapahayag kapwa.
(Maaaring basahin ito o isang katulad
na pahayag.)
ng salita ng diyos “Huwag ninyong pag-iimbutan
Unang Pagbasa (Ex 20:1–17) (Umupo) ang sambahayan ng inyong kapwa:
P – Sa unang pagbasa, maririnig
ang kanyang asawa, mga alila,
natin ang Sampung Utos ng
Ipinagkaloob ng Diyos ang Sampung mga baka, asno o ang anumang
Diyos. Sa ating pagtupad nito, Utos kay Moises upang makilala pag-aari niya.”
nakatatagpo rin natin ang Diyos. ng sambayanan na nagmumula — Ang Salita ng Diyos.
Sa ikalawang pagbasa, sinasabi ang tunay na pagsamba sa B – Salamat sa Diyos.
ni San Pablo na si Hesukristo ang dalisay na pananalig sa kanya
Salmong Tugunan (Slm 18)
kapangyarihan at karunungan ng at sa pagmamahal sa kapwa.
Diyos. Si Hesukristo ang kabuuan T – Panginoon, iyong taglay ang
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Sr. M. C. A. Parco, FSP
Salitang bumubuhay.
ng pagbubunyag ng Diyos ng
NOONG mga araw na iyon, sinabi 
  
A D
kanyang sarili sa tao.
    

ng Diyos: “Ako ang Panginoon,
Pagsisisi ang inyong Diyos na naglabas Pa ngi no on, i yong
P – Mga kapatid, aminin natin ang sa inyo sa Egipto at humango sa
inyo sa pagkaalipin.

ating mga kasalanan upang tayo’y A C♯7 Bm

         
3

maging marapat gumanap sa “Huwag kayong magkakaroon


banal na pagdiriwang. (Tumahimik) ng ibang diyos, maliban sa akin. 
tag lay ang Sa li tang
“Huwag kayong magkakaroon ng
B – Inaamin ko sa makapangyari-
diyus-diyusan o kaya’y larawan

hang Diyos at sa inyo, mga

o rebulto ng anumang nilalang E7 A

        
6

kapatid, na lubha akong nagka- na nasa himpapawid, nasa lupa 


sala (dadagok sa dibib) sa isip, o nasa tubig. Huwag kayong bu mu bu hay.
sa salita, sa gawa, at sa aking yuyukod o maglilingkod sa 1. Ang batas ng Panginoon ay
pagkukulang. Kaya isinasamo alinman sa mga diyus-diyusang batas na walang kulang,/ ito’y
ko sa Mahal na Birheng Maria, iyan sapagkat akong Panginoon utos na ang dulot sa tao ay bagong
sa lahat ng mga anghel at mga ay mapanibughuin. Parurusahan buhay;/ yaong kanyang mga batas
banal at sa inyo, mga kapatid, na ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ay mapagtitiwalaan,/ nagbibigay
ako’y ipanalangin sa Panginoong ang kanilang mga anak hanggang ng talino sa lahat ang kaisipan. (T)
ating Diyos. sa ikaapat na salinlahi. Ngunit
2. Ang tuntuning ibinigay ng Poon
P – Kaawaan tayo ng maka- ang lahat ng umiibig sa akin ay
ay wastong utos,/ liligaya ang
pang­yarihang Diyos, patawarin pagpapalain ko hanggang sa
sinuman kapag ito ang sinunod;/
tayo sa ating mga kasalanan at kanilang kaapu-apuhan.
ito’y wagas at matuwid pagkat
patnu­bayan tayo sa buhay na “Huwag ninyong babanggitin
mula ito sa Diyos,/ pang-unawa ng
walang hanggan. sa walang kabuluhan ang panga-
isipan yaong bungang idudulot. (T)
B – Amen. lang Panginoon sapagkat paruru-
sahan ko ang sinumang bumanggit 3. Yaong paggalang sa Poon ay
P – Panginoon, kaawaan mo kami. marapat at mabuti,/ isang banal
nito nang walang kabuluhan.
B – Panginoon, kaawaan mo kami. na tungkulin na iiral na parati;/
“Italaga ninyo sa akin ang Araw
P – Kristo, kaawaan mo kami. pati mga hatol niya’y matuwid
ng Pamamahinga. Anim na araw
B – Kristo, kaawaan mo kami. na kahatulan,/ kapag siya ang
kayong gagawa ng inyong gawain.
P – Panginoon, kaawaan mo kami. Ang ikapitong araw ay Araw humatol, ang pasya ay pantay-
B – Panginoon, kaawaan mo kami. ng Pamamahinga, at itatalaga pantay. (T)
(Walang Gloria sa panahon ng Kuwaresma.) ninyo sa akin. Sa ikapitong araw, 4. Ito’y higit pa sa ginto, na
walang gagawa isa man sa inyo; maraming nagnanais,/ higit pa
Pambungad na Panalangin
kayo, ang inyong mga anak, mga sa gintong lantay na ang hangad
P – Manalangin tayo. (Tumahimik) katulong, ang inyong mga hayop ay makamit;/ matamis pa kaysa
Ama naming makapangya- o sinumang naninirahan sa inyong pulot, sa pulot na sakdal tamis,/
kahit anong pulot ito na dalisay mga hapag. Sinabi niya sa mga yumao. Nang may ikatlong araw
at malinis. (T) nagbibili ng kalapati, “Alisin nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
Ikalawang Pagbasa (1 Cor 1:22–25) ninyo rito ang mga iyan! Huwag langit. Naluluklok sa kanan ng
ninyong gawing palengke ang Diyos Amang makapangyarihan
Ayon kay San Pablo, higit nating bahay ng aking Ama!” Naalaala sa lahat. Doon magmumulang
natututunan ang karunungan ng ng kanyang mga alagad na paririto at huhukom sa nanga-
Diyos sa pamamagitan ng krus ni sinasabi sa Kasulatan, “Ang bubuhay at nangamatay na tao.
Hesus. Isinugo ng Ama ang kanyang aking malasakit sa iyong bahay Sumasampalataya naman
Anak sa daigdig upang ipaunawa ay parang apoy na nag-aalab sa ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
sa atin ang pagmamalasakit at puso ko.” banal na Simbahang Katolika,
dakilang pag-ibig ng Diyos. Dahil dito’y tinanong siya sa kasamahan ng mga banal, sa
ng mga Judio, “Anong tanda kapatawaran ng mga kasalanan,
Pagbasa mula sa unang sulat sa pagkabuhay na muli ng
ni Apostol San Pablo sa mga ang maibibigay mo upang
patunayang may karapatan kang nangamatay na tao at sa buhay
taga-­Corinto na walang hanggan. Amen.
gawin ito?” Tumugon si Hesus,
MGA KAPATID: Ang mga Judio’y “Gibain ninyo ang templong ito Panalangin ng Bayan
humihingi ng kababalaghan at muli kong itatayo sa loob ng
bilang katunayan. Karunungan tatlong araw.” Sinabi ng mga P – Manalangin tayo sa dakilang
naman ang hinahanap ng Judio, “Apat-napu’t anim na taon Ama upang makapag-alay tayo sa
mga Griego. Ngunit ang na ginawa ang templong ito, at kanya ng dalisay na pagsamba. Sa
i p i n a n g a n g a ra l n a m i ’ y s i itatayo mo sa loob lamang ng bawat kahilingan, sabihin natin:
Kristong ipinako sa krus— tatlong araw?” T – Panginoon, dinggin mo ang
Ngunit ang templong iyong bayan.
isang katitisuran sa mga Judio at
tinutukoy ni Hesus ay ang
kahangalan para sa mga Hentil. L – Ituring nawa namin ang aming
kanyang katawan. Kaya’t nang
Subalit sa mga tinawag ng siya’y muling mabuhay, naalaala kapwa bilang bahagi ng Katawan
Diyos, maging Judio at Griego, ng kanyang mga alagad na ni Kristo. Mapagtanto nawa namin
si Kristo ang kapangyarihan at sinabi niya ito; at naniwala sila na ang karapatan at kapakanan ay
karunungan ng Diyos. Sapagkat sa Kasulatan at sa mga sinabi kailangang igalang at ipagtanggol.
ang inaakala nilang kahangalan ni Hesus. Manalangin tayo: (T)
ng Diyos ay karunungang higit Nang pista ng Paskuwa, nasa
kaysa lahat ng karunungan ng Jerusalem si Hesus. Marami L – Magtulungan nawa ang mga
tao, at ang inaakala namang ang sumampalataya sa kanya pinuno ng Simbahan at pama-
kahinaan ng Diyos ay lakas nang makita nila ang mga halaan tungo sa pagpapaunlad
na higit sa lahat ng kalakasan kababalaghang ginawa niya. ng buhay ng bawat mamamayan,
ng tao. Subalit hindi nagtiwala sa kanila lalo na ng mga maliliit sa lipunan.
si Hesus, sapagkat kilala niya Manalangin tayo: (T)
— Ang Salita ng Diyos. silang lahat. Hindi na kailangang L – Isapuso nawa namin ang
B – Salamat sa Diyos. may magsalita pa sa kanya Sampung Utos ng Diyos. Maging
Awit-Pambungad (Jn 3:16)(Tumayo) tungkol sa kaninuman, sapagkat tanda nawa ng aming pag-ibig
talastas niya ang kalooban ng at pananalig sa kanya ang
B – Pag-­ibig sa sanlibutan ng lahat ng tao. pagtupad namin sa mga ito.
D’yos ay gayun na lamang, Manalangin tayo: (T)
— Ang Mabuting Balita ng
kanyang Anak ibinigay, upang
Panginoon. L - Pahalagahan nawa namin ang
m a b u h ay k a i l a n m a n a n g
B – Pinupuri ka namin,Panginoong aming mga katawan bilang templo ng
nananalig na tunay.
Hesukristo. Espiritu Santo.Talikdan nawa namin
Mabuting Balita (Jn 2:13–25) ang mga gawaing mahalay, marahas,
Homiliya (Umupo)
P – Ang Mabuting Balita ng at nakapipinsala sa ating pagkatao at
Pagpapahayag ng sa aming kapwa. Manalangin tayo: (T)
Panginoon ayon kay San Juan Pananampalataya (Tumayo)
B – Papuri sa iyo, Panginoon. L – Sa ilang sandali ng katahimikan,
P- Sumasampalataya ako sa ating ipanalangin ang iba pang
MALAPIT na ang Paskuwa ng Diyos Amang makapangyarihan
mga Judio, kaya’t pumunta si mga pangangailangan ng ating
sa lahat, na may gawa ng langit pamayanan pati na rin ang
Hesus sa Jerusalem. Nakita niya at lupa.
sa templo ang mga nagbibili ng ating pansariling kahilingan
Sumasampalataya ako kay
mga baka, mga tupa, at mga (Tumahimik). Manalangin tayo: (T)
Hesukristo, iisang Anak ng
kalapati, at mga namamalit
ng salapi. Gumawa siya ng
Diyos, Panginoon nating lahat. P – Ama, gawin mong dalisay ang
isang panghagupit na lubid at Nagkatawang-tao siya lalang aming mga puso. Tulungan mo
ipinagtabuyang palabas ang ng Espiritu Santo, ipinanganak kaming mahalin ka at paglingkuran
mga mangangalakal, pati mga ni Santa Mariang Birhen. nang buong katapatan. Hinihiling
baka at tupa. Isinabog niya Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, namin ito sa ngalan ni Kristong
ang salapi ng mga namamalit ipinako sa krus, namatay, inilibing. aming Panginoon.
at pinagtataob ang kanilang Nanaog sa kinaroroonan ng mga B – Amen.
Pagdiriwang
ng huling hapunan
Paghahain ng Alay (Tumayo)
P – Manalangin kayo...
B – Tanggapin nawa ng Pangi­
noon itong paghahain sa iyong
mga kamay sa kapurihan
niya at karangalan sa ating
kapaki­nabangan at sa buong
Sambayanan niyang banal.
Panalangin ukol sa mga Alay
P – Ama naming Lumikha, ka-
lugdan mo ang aming paghahain
upang ang mga kasalanan naming
ihinihingi ng kapatawaran sa iyo ay
matutuhan din naming ipatawad
sa kapwa tao sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
B – Amen.
Prepasyo (Kuwaresma I)
P – Sumainyo ang Panginoon.
B – At sumaiyo rin. Pagbubunyi (Tumayo) saluhan namin ang bigay
P – Itaas sa Diyos ang inyong mong pagkain. Ang ginaganap
B – Sa krus mo at pagkabuhay
puso at diwa. kami’y natubos mong tunay, namin ngayon sa pagdiriwang
B – Itinaas na namin sa Pangi­noon. Poong Hesus naming mahal, ay lubos nawang mangyari sa
P – Pasalamatan natin ang iligtas mo kaming tanan ngayon gawain namin araw-araw sa
Panginoong ating Diyos. at magpakailanman. pamamagitan ni Hesukristo
B – Marapat na siya ay pasala­matan. kasama ng Espiritu Santo
Pakikinabang magpasawalang hanggan.
P – Ama naming makapang­ B - Amen.
yarihan, tunay ngang marapat Ama Namin
na ikaw ay aming pasalamatan B - Ama namin...
sa pamamagitan ni Hesukristo P – Hinihiling naming... Pagtatapos
na aming Panginoon. B – Sapagkat iyo ang kaharian at P - Sumainyo ang Panginoon.
Binibigyan mo kami ng ang kapangyarihan at ang kapu­­ B - At sumaiyo rin.
bagong pagkakataon upang rihan magpakailanman! Amen.
Pagbabasbas
ganapin ang paghahanda Pagbati ng Kapayapaan
ngayon para sa pagdiriwang P – Yumuko kayo’t hingin ang
ng muling pagkabuhay. Kaisa Paanyaya sa Pakikinabang
(Lumuhod) biyaya ng Diyos. (Tumahimik)
ng iyong Anak na minamahal
aming inilalaan ang panahon, P – Ito ang Kordero ng Diyos. Ito Ama naming mapagpala,
talino’t yaman para ganapin ang ang nag-aalis ng kasalanan ng basbasan mo ng tibay ng
iyong kalooban na ang kapwa sanlibutan. Mapalad ang mga kalooban ang iyong sambayanan
tao ay lubos na damayan. Sa inaanyayahan sa kanyang piging. upang mamalaging tapat sa
pagdiriwang namin sa aming B – Panginoon, hindi ako karapat- pagsunod sa iyo at maligayang
pagsilang bilang mga kaanib ng dapat na magpatulóy sa iyo magkamit ng pagmamahal mo
iyong sambayanan, kami’y iyong ngunit sa isang salita mo lamang sa pamamagitan ni Hesukristo
pinagkakamit ng katayuang kasama ng Espiritu Santo mag-
ay gagaling na ako.
ganap sa pagtatangkilik. pasawalang hanggan.
Antipona sa Komunyon (Slm 84:3–4) B – Amen.
Kaya kaisa ng mga anghel na
nagsisiawit ng papuri sa iyo nang Mga mayang nagpupugad sa P – Pagpalain kayo ng maka-
walang humpay sa kalangitan, templo mo’y nagagalak. Pangi-­ pangyarihang Diyos, Ama at
kami’y nagbubunyi sa iyong noon, silang lahat sa piling mo ba­ Anak (†) at Espiritu Santo.
kadakilaan: wat oras ay talagang mapapalad. B – Amen.
B – Santo, Santo, Santo Panginoong Pangwakas
Diyos ng mga hukbo! Napupuno Panalangin Pagkapakinabang
(Tumayo)
ang langit at lupa ng kadakilaan P - Tapos na ang Banal na Misa.
mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala P – Manalangin tayo. (Tumahimik) Humayo kayong taglay ang
ang naparirito sa ngalan ng Ama naming mapagmahal, kapayapaan upang ang Panginoon
Panginoon! Osana sa Kaitaasan! sa pakikinabang namin sa iyong ay mahalin at paglingkuran.
(Lumuhod) banal na piging, pinagsalu- B - Salamat sa Diyos.

You might also like