You are on page 1of 6
TUNGO SA MAKAPILIPINONG PANANALIKSIK* CARMEN E, SANTIAGO at VIRGILIO G. ENRIQUEZ Programa se AralingPlipino at Departamento ng Sikotohiya Unibersided ng Plipinas ‘Sa unang bahagi ng artikslong to, tnalakay ang mga belakid as landesing tango 4 mata-tufpiaong panenalitsk. Kablang dito ang paxpll ng peksang hind makabulu- than sa buhay ng mg Halahok, at paggamit ng mga Kanluraning metodo ng pagkuha ng ‘ator na_dt angkop +8 mgs Puspino. Tang mungkahi ang bingy tungo 8 pasluts n Sulirning kinakaharap. Sa ikafowang banal, inlahad ng may-akds ang ine pant ‘lang modelong bstayan su pagrus at papsukat sa mea metodong pampananaliksk sa Seham-punlipunan, bilang baksgi ng ees mungkahl. Ito ay binubuo ag dalawang isha: 1) ane ikala ng Mananaiksik ~ mga metodong angkop aa kulturang Pilipino; at 2) an Isiala ag Pagtotunguhan ng Mansell at Kalahok. Sa Halawang skal, iminumung- ‘hing pasbutin +a paltkipagpalageyangloob ang antas ng pagtutunguhan wpan mab ‘kaha ng datos na mapagkakatiwalsan Matagal nang kapansin-pansin na nalilihis ang landas ng mga Pilipinong ‘mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino, Matagal na ring tinatalakay kung bakit naliliis ang Iandasing ito at kung papaano ito maitu- tuwid. Madalas sabihing gumamit ng sariling wika, pahalagahan ang katutu- bong kultura at iwaksi ang mapagkumbabang pagtingala sa kanluraning kultura na nagsisilbing balakid sa pagtarok ng kaalaman tungkol sa katutu- bong kultura, Bukod dito, kailangang paunlarin ang mga paraan kung papa- ano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino, ‘Sa paghahangad na mabigyan ng kalutasan ang suliraning ito, susuriin sa artikulong ito ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit ng mga manana- liksik sa kasalukuyan, at ihahambing ang mea ito sa mga pamamaraan ng mga pangkaraniwang mamamayan dito sa Pilipinas. Ang huling nabanggit ay kaila- gang hanguin sa mga Pilipinong taga-nayon sa pamamagitan ng pakikisala- muha sa kanila at paninirahan sa kanilang piling. Nararapat lamang na sa nayon at pangkaraniwang tao samsamin ang impormasyon sapagkat ang mga taganayon ang pinakamalaking pulutong ng mga tao sa Pilipinas at siyang kumakatawan sa kapilipinuhan at kung gayon,ang siyang pinakamahalagang ‘mapagkukunan ng diwang Pilipino, Sani ng Paglhis ng Landas Bibigyang pansin dito ang mga panyayayaring nagpalihis ng landasin tungo sa kaalaman tungkol sa diwang Pilipino. Tatalakayin ang mga pang- yayaring ito sapagkat ito'y isa sa mga pagbabatayan ng mga _mungkahi ‘tungo sa pagtutuwid ng tunguhin ng sikolohiya para sa Pilipino. Ito'y bata- yan din sa pagbubuo ng isang modelo ng mga pamamaraan ng pananaliksik dito sa Pilipinas, (Tingnan ang Larawen 1). Ang tabaratane ito ay baay e8 papel na inihands nina Carmen Santiago at Vieeiio G. Kae aves para sh Xill Taunang Kumbenryon ng Psyeholotical Asocition ofthe Philippines, 1975, Ho ay Selathola'se Sikolohivang Pipovo: Mge Ulat Bala, 1 (4), 310,19 (Hanyo 1976). ie SANTIAGO AT ENRIQUEZ Larawan 1, — Landasin Mula sa Pagpili ng Paksa, ‘Tungo sa Pandaigdigang Sikolohiya (1A) at ‘Tungo sa Pagbabago ng Uzali (IB) IA 1B —_—— Katutubong Pananaliksik Pagligaw ng isip| [Panimulang Modelong Pampananaliksik] [Pagbabago ng Damdamin T T Sikolohiyang Pilipino Pag-iba ng Realidad (Salazar 1975 Enriquez. 1975 Pagbabago ng Pananaw Mendez 1975) ¢ Pagbabago ng Ugalt Pangdaigdigang Sikolohiya| (Makakanluranin) Napansin na karamihan sa mga paksa ng pananaliksik dito sa Pilipinas ay pinili ayon sa interes, layunin at paglutas ng suliranin ng mananaliksik. ‘Ang iba naman ay pagulit ng mga pananaliksik sa ibang kultura, At ang iba pa’y pinili ng mga kawanihang tumutustos sa pananaliksik, na ang karami- han ay may layuning baguhin ang dating kauealian at pamamaraan upang diumano'y ikaunlad ng bayan. Dahil dito, karamihan sa mea paksa ay hindi hango sa taong pinag-aaralan. Kaya kadalasan, ito ay walang kaugnayan 0 kabuluhan sa kanilang buhay at suliranin, Mangyari pa, ang pag-aaral ng mga paksang hindi makabuluhan sa kalahok ay hindi nakakatulong upang maba- wasan ang kamangmangan tungkol sa diwang Pilipino, Isa pang dahilan ng paglihis ng landasin ay ang paraan ng pagsamsam ng impormasyon. Karamihan sa mga umiiral at tanyag na pamamaraan ng pagkuha ng datos ay may oryentasyong kanluranin at hindi angkop sa pag- iisip, damdamin at kilos ng Pilipino. Isang halimbawa ay ang mga panukat na sikolohikal na ang karamihan ay nanggaling at binuo sa kulturang kan- Juran, Ginagamit itong panukat ng iba’t ibang katangian ng Pilipino pagka- tapos ng paimbabaw na paglalapat nito sa kalagayang lokal sa pamamagitan ng pagbabago ng nilalaman at pag-aayos ng mga puntos na nakuha ng mga ka~ Jahok tagatugon. Itinuturing nang sapat ang paraang ito sa mahabang panahon gayong nakikitang ang balangkas ng mga panukat na ito'y hindi angkop sa nilalaman at takbo ng pagiisip, damdamin at kilos ng Pilipino. Pagkatapos mapili ang paksa at mapag-aralan ito ayon sa mga paraan nna nagugat at lumago sa kanluran, binigyan naman ito ng kahulugan na ba- tay sa mea teoryang hango sa mga kulturang kanluranin (Lawless 1969). Dahil sa ganitong pangyayari, baluktot na realidad ang resulta ng mga pana- naliksik. Sa dinami-rami ng pananaliksik na ginawa tungkol sa Pilipino, ilan kaya ang tunay na naglalaman ng diwang pilipino? (Salazar 1975; Mendez 1975; Enriquez 1975). MAKAPILIPINONG PANANALIKSIK 187 ‘Mga Mungkahi para sa maka Pilipinong Pananaliksik Bilang tugon sa mga tinalakay na balakid sa landasing tungo sa maka- pilipinong pananaliksik, at batay sa mga pag-aaral ng iba’t ibang paraan ng Pagsamsam ng impormasyon sa mga taga-nayon, iminumungkahi ang sumu- sunod: 1, Thatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksi Kilalanin munang mabuti ang kalahok at hanguin sa kanila ang paksa, nang sa ganoon ay may kaugnayan ito sa kanilang pamumuhay. Kalimu- tan ang sariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa pagtugon sa panga- ngailangan at hangarin ng kalahok. 2. Pagearalan ang iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat ng anumang penomeno alinsunod sa ginagamit at tinatangeap ng karaniwang Pilipino, Huwag ‘umasa sa eksperto lamang. Mayaman ang tao sa kaalamang galing sa ka- ranasan. Bigyan ng halaga ang pamana ng lahi, katulad ng mga pama- maraang babanggitin dito. Huwag padadala sa mga sophisticated tech- niques. Ang mahalaga ay hindi ang pagka-sophisticated kundi ang ka- angkupan nito, 3. Iwasan ang bulag na pagpapahalaga sa resulta ng pananaliksik. Ang hu- say ng pananaliksik ay hindi nakasalalay sa pagtamo ng resultang uma- ayon sa mga haka-haka ng pag-aaral. Sa ngayon ay higit na mahalaga ang paglinang sa mga pamamaraang angkop sa layunin at kontekstong, Pilipino, 4, Pahalagahan ang sariling palagay at haka-haka. Hindi kritikal na kaila- gan ang sanggunian bago manaliksik. Ang mga paliwanag tungkol sa mga penomeno ay maaaring kunin sa kalahok na gumagamit ng konsep- to at haka-hakang makabuluhan sa Pilipino. Marami sa mga mananalik- sik ng pagkatao at lipunan ang hindi makapagbigay ng pala-palagay nang walang binabanggit na kilalang dalubhasa, samantalang sa kasalukuyan, sapagkat kulang pa sa mga dokumento at pagaaral, makikita ang di- wang Pilipino hindi sa salansan ng mga aklat kung hindi sa salita at kilos ng masa, 5. Subukan ang isang panimulang modelo ng pananaliksik na dinedebelop batay sa pagsusuri ng pananaliksik sa nayon (Larawan 2). Ang mode- long ito’y binubuo ng dalawang iskala: ang iskala ng mananaliksik at ang iskala ng pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok. Sa Panimulang Modelo ng maks-Pilipinong Pananaliksik ‘Ang unang iskala ay ginagamit ng sinumang nagnanasang mag-aaral o magsiyasat ng anumang bagay na nauukol sa gawain ng tao, na may kaug- nayan sa kanyang reaksyon sa mga bagay, at sa kanyang kapwa, maging kilos, pagiisip o damdamin, Ang mga pamamaraang nakasaad sa iskala ay bahagi ng tradisyon at pag-uugaling Pilipino, Ito'y pamana ng lahi; sama- katwid, ito'y kapilipinuhan, hindi nababago at hindi pambihira. Ang isang pangkaraniwang Pilipino ay nakakaalam ng mga paraang nasa is kala; lamang ay mayroong dalubhasa sa paggamit ng mga ito, at mayroon din namang hindi, Gayunpaman, kinakailangang linangin ang mga parang ito. Kailangang maitala, masubukan at mailagay sa isang sistema upang maging 158 SANTIAGO AT ENRIQUEZ siyentipiko, at maituro ng pormal sa isang pamantasan. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng katampatang pagpapahalaga ang mga pamamaraang ito. Ang ikalawang iskala ay batay sa makapilipinong pananaw na ang relas- yon ng mananaliksik at kalahok ay pantay at nagdaraan sa iba’t ibang antas. ‘Ang kalahok ay hindi “guinea pig”, Siya'y isang taong pinakikitunguhan ayon sa layunin ng mananaliksik at tugon sa kanya ng kalahok. Sa pamama- gitan ng mga pamamaraang nasa unang iskala, gaya ng pakikiramdam at ‘pagtatanong-tanong, malalaman ng mananaliksik at kalahok kung saan tumutuloy ang kanilang pagtutunguhan at kung ano ang kaugnayan at epek- to nito sa pananaliksik. Kapansin-pansin ang pagdiba ng antas at uri ng impormasyong ibinibigay nila sa isa’t isa. Kung gayon, mayroong imporma- syong hindi makukuha kung ang pagtutunguhan ay nasa antas ng pakiki- tungo lamang, at mayroon namang hindi kinakailangang umabot sa paki- heiisa upang maipahayag, Larawan 2. — Panimulang Modelong Batayan sa Pagsuri at Pagsukat sa mga Metodong Pampananaliksik sa Agham-Panlipunan A, Iskala ng Mananaliksik Mga metodong ginagamit ng isang mananaliksik sa sikolohiya sa pagtatarok ng diwa ng kalahok. Ito’y mga metodong subok na ang kakayahang lumikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino, at angkop sa pag-wugali at pang-araw- araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Iniayos ito ayon sa antas ng pagkama- salimuot ng mga paraan (mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamasalimu- ot). Pagmamasid/Pakikiramdam/Pagtatanong-tanong/Pagsubok/Padalaw-dalaw/ Pagmamatyag/Pagsusubaybay Pakikialam/Pakikilahok/Pakikisangkot B, Iskala ng Pagtutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok ‘Mga metodong iminumungkahi naming dapat gamitin ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral ng diwang Pilipino si pamamagitan ng kalahok. Ito’y iniantas ayon sa paglalapit ng kalooban ng mananaliksik at Kalahok. Ang an- ‘as ng pagtutunguhan ay siya ring antas ng impormasyong makukuha. Sa mga sikolohista, iminumungkahing ang pagtutunguhan ay paratingin sa pakikipag- alagayang-loob sapagkat sa ganitong paraan lamang matatarok ang tunay na kalooban ng kalahok. Pakikitungo Pakikisalamuha Pakikilahok (Lynch 1964; Bulatao 1963; Hollnsteiner 1963; Pakikibagay Jocano 1966; Lumbera 1963; Santiago Field Pakihisama Notes 1976) Pakikipagpalagayang-loob Pakikisangkot Pakikiisa MAKAPILIPINONG PANANALIKSIK, 159 Para sa mga sikolohista, iminumungkahing ipaabot sa pakikipagpalaga- yang-loob ang pagtutunguhan, sapagkat ang impormasyong nilalayon ng isang sikolohista ay yaong bukal sa kalooban ng kalahok. Sa pag-aaral ng iba't ibang pamamaraan ng ginagamit ng isang Pilipinong mananaliksik, naki- ta na sa antas ng pakikipagpalagayang-loob lamang makakamit ang malalim at taos-pusong sagot ng kalahok. Isa pa, ang pagbubukas ng kalooban ng isang kalahok ay umaase rin ng katumbas na kilos at damdamin mula sa mananaliksik. Kapag ang kapalit at kapantay na tugon ay hindi nakamit ng isang kalahok, kadalasan ay binabawi niya ang tiwalang ipinakita at ibina- balik ang pagtutunguhan sa higit na mababaw na antas, gaya ng pakikitungo © pakikisama, Ang nagyayari tuloy ay nawawala ang impormasyong sikolo- hikal na inumpisahan nang isiwalat. At kung hindi maibabalik ang pagtutu- nguhan sa pakikipagpalagayang-loob, mawawalan ng saysay ang pananalik- sik Kahulugan ng mga Salita (Inayos ayon sa antas ng pagtutunguhan at paglalapit ng loob). Pakikitungo/Pakikisalamuha — ang pagsunod sa atas ng mabuting asal ayon sa kaugalian sa pakikipagkapwa. Ang pakikisalamuha ay tumutukoy sa pakikitungo sa maraming tao at higit na malapit sa pakikiisa kaysa sa pakikitungo Pakikibogay — ang pag-ayon ng mga kilos, loobin at salita ng isang tao sa kanyang kapwa. Ito'y hindi kailangang taos sa kalooban, Maaaring ang layunin nito ay: 1) atas ng mabuting asal; 2) atas ng pagnanais makina- bang; o 3) atas ng hangaring ilapit ang loob sa iba. Pakikisama — ang paglahok at pagsama sa gawain ng ibang tao dahil sa paki- Kipagkaibigan o dahil sa maaaring ipakinabang sa hinaharap 0 siyang hi- nihingi ng pagkakataon, ( Lynch 1964; Jocano 1966), Pakikipagpalagayang-loob — mga kilos, loobin at salita ng isang tao na nag- papahiwatig na panatag ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa, Hindi na nahihiya sa isa’t isa at halos ganap at walang pasubali ang pagtitiwala. Pakihiisa ~ mga kilos, loobin at salita ng isang tong nagpapahiwatig ng ga- nap at Iubos na pagmamahal, pagkakaunawa at pagtanggap sa minimit- hi bilang sariling mithiin din, SANGGUNIAN Bulatao, Jaime C. 1963° Personal preference of Filipino students. Philippine Sociological Review 11 (3-4), 168-178. Enriquez, Virgilio G. 1975" Mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kultura at kasaysayan General Education Journal 29 (First semester, 1975-76), 61-88. Hollnsteiner, Mary R. 1963 Social control and Filipino personality. Philippine Sociological Review 11 (3-4), 184-188. Jocano, F. Landa 1966 Rethinking smooth interpersonal relations. Papel na binasa sa Ta- aa SANTIAGO AT ENRIQUEZ unang Kumbensyon ng Philippine Sociological Society. Lawless, Robert 1969° An evaluation of Philippine culture-personality research. Mono- graph Serye Big. 3 para sa Asian center, Lunsod Quezon, Limba- gan ng Unibersidad ng Pilipinas. Lumbera, Bienvenido 1963 ’ Literary notes on Filipino personality. Philippine Sociological Review 11 (3-4), 163-167. Lynch, Frank 1964 Social acceptance. Four-Readings on Philippine Values, Isinaayos ni Frank Lynch. Lunsod Quezon: Limbagan ng Unibersidad ng Ateneo de Manila, Mendez, Paz Policarpio 1975’ Ang Sikolohiyang Pilipino at ang edukasyon. Nasa Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. Antonio, Reyes, Pe at Almonte (Patnugot). Lunsod Quezon: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 1976, 124-134, Salazar, Zeus A. 1975 Tang batayan para sa isang Sikolohiyang Pilipino. Nasa Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. Antonio, Reyes, Pe at Almonte (pat.). Lunsod Quezon: Pamban- sang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 1976, 33-48.

You might also like