Nilay-Karunungan: Kapag tayo ay natatakot, tayo ay pumupunta sa ating Diyos, na ang salita ay sobrang dakila na walang sinuman ang magagawang kalabanin ito BALIK-ARAL: • Sino ang dumating sa hapunang pinangunahan ni Kapitan Tiyago na mula sa Europa? • Bakit namutla o natakot si Padre Damaso noong nakita niya ang binata? Ipaliwanag. • Sino ang lumapit sa binata noong walang kumakausap dito? Kabanata 3: Ang Hapunan KABANATA 3: ANG HAPUNAN • Pagpunta ng mga pangunahing panauhin sa hapag-kainan • Pagsiko ni Padre Damaso sa isang kadete dahil siya ay nainis sa pagdating ni Ibarra • Pagtatalo ni Padre Damaso at Padre Sibyla kung sino ang dapat paupuin sa kabisera ng mesa KABANATA 3: ANG HAPUNAN • Pag-alok ni Padre Sibyla kay Tenyente Guevarra na maupo sa kabisera, ngunit tinanggihan niya ito • Pagkapanalo ni Padre Sibyla sa pag-upo sa kabisera • Pagpasok ng umuusok na tinola na pangunahing putahe sa hapunan KABANATA 3: ANG HAPUNAN • Pagkapunta kay Padre Damaso ng leeg at pakpak na bahagi ng tinola, na lalo niyang ikinagalit • Pagkapunta kay Ibarra ng mga espesyal na bahagi • Pagsalaysay ni Ibarra sa kanyang buhay sa Europa sa loob ng pitong taon • Ayon kay Ibarra, ang lahat ng lugar na pinuntahan niya ay may iisang antas lamang ng pulitika, relihiyon at kabuhayan KABANATA 3: ANG HAPUNAN • Pagsariwa ni Ibarra sa mga memorya ng pagsasalo- salo ng kanyang pamilya at ni Padre Damaso • Pagpapaalam ni Ibarra na lilisan na siya sapagkat siya ay maraming gawain na tatapusin • Pagsabat na si Kapitan Tiyago na ang wika ay padating na si Maria Clara, pero sabi ni Ibarra na dadalaw muli siya kinabukasan bago pumunta sa San Diego Matalinghagang Pahayag: Ang Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan ay mababa pa kaysa legong kusinero ng simbahan - Sinasaad dito ang mababang pagtingin ng mga prayle at ng simbahan sa mga pinuno ng pamahalaan noong panahon ng Espanyol Mga Kanser sa Lipunan na katatagpuan sa kabanata: • Maling paggamit ng kapangyarihang tinatamasa • Pagka-inggit • Pagiging mapagmataas Mga Katanungan: • Bakit nag-alangan ang dalawang prayle sa pag-upo sa kabisera ng hapag-kainan? Ano ba ang ibig- sabihin sa pag-upo ng kabisera sa lipunan noon? • Masasabi mo bang dalubhasa sa pagsasalita sa maraming wika si Ibarra? Bakit? • Masasabi mo bang hindi naglaho ang pagmamahal ni Ibarra sa Inang Bayan sa kabilang ng kanyang matagal na pamamalagi sa Europa? Patunayan.