You are on page 1of 22

“LINGWAHING FILIPINO, SA KASALUKOYANG

PANAHON”

Isang Sulating Pananalisik

Na Iniharap Kay

Bb. Christy Jean Ruiz

Guro sa Pananaliksik ng

Palompon Nation Highschool

Bilang Pagpatupad

Sa isa sa mga Pangangailangan ng Agrikultorang

“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino XI”

Ipinasa ni

MIKE FRANCIS PASANA

MARSO/06/2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng assignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik na ito napinamagatang “ LINGWAHING FILIPINO, SA KASALUKOYANG

PANAHON” ay iniharap ni

MIKE FRANCIS PASANA

Tinangap at pinagtibay sa katuparang ng mga kinakalangan para sa asignaturang komunikasyon

at pananaliksik sa wika ay kulturang Filipino.

CHRISTY JEAN I. RUIZ


Tagapayo
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng paksang “Lingwahing Filipino, Sa Kasalukoyang Panahon” ay

taos pusong ipininaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong,

nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:

 Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportanhan

sa aming mga pangangailangan.

 Kay Bb Christy Jean Ruiz, ang aming matyagang guro na sumusuporta at

nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming

asignatura.

 Sa aming mga respondentes na taga Mazawalo na nagbigay sa amin ng

impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito.

 sa aming kapwa mag-aaral na taga PNHS nagbahagi ng kanilang ideya at

kaalaman tungkol sa aming pananaliksik.

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa

mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.


PAGHAHANDOG

Lubos ang pagpapasalamat sa aking mga kaibigan at sa mga sumuporta at naging

bahagi ng pananaliksik na ito. Kaya ito ay aming inihahandog sa mga taong naging

aming inspirasyon sa paggawa nito.

Sa aming mga magulang

Guro

mga kaibigan

mga kamag-aaral

kaeskwela

sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito

at higit sa lahat sa

Poong Maykapal.
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat.....................................................................................................................................i

Paghahandog...................................................................................................................................ii

Kabanata 1

Introduksyon....................................................................................................................1

Paglalahad ng Suliranin.................................................................................................2

Kahalagahan ng Pananaliksik.......................................................................................3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral...............................................................................3

Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino......................................................................4

Kabanata 2

Lokal na Literatura...........................................................................................................5

Dayuhang Literatura........................................................................................................6

Kabanata 3

Disenyo ng Pananaliksik

Paraan ng Pananaliksik....................................................................................................8

Mga Pokus ng Pag-aaral................................................................................................8

Mga Instrumentong Pananaliksik..................................................................................9

Tritment ng mga Datos..................................................................................................9

Kabanata 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos...........................................................11


Kabanata 5

Lagom..............................................................................................................................13

Konklusyon.....................................................................................................................14

Rekomendasyon.............................................................................................................14

Larawan ng Grupo.........................................................................................................15

Kurikulum Bitey.............................................................................................................16
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

INTRODUKSYON

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng

mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang

bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang

ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o

nagkakaintindihan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at

nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang

pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo

ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng

mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang

mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng

bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at

ekonomiya.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pa-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral

sa STEM sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. At sila ay tinanong

ng mga sumusunod na katanungan:

1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?

2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang

Filipino?

3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?

4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan?

7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?

8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika?

9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?

10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?

11.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan?

12.Sang ayun ka bang tanggalin ang wilang filipino sa kurikulom ng STEM?

13.Ang pagpapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon?

14.Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga

salita?

15.Sang ayon kaba sa paggamit ng mix-mix na lenguwahe sa paaralan?


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat

ito ang ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan

ng bawat mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya

ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang

kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita

na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-

aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman

ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang

balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon

at kung paano ito nagbago.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong

sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng

paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang,

ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito. Inawa ito

upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng STEM sa Palompon National

Highschool
DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod

na salita ay binigyang kahulugan:

 Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan.

 Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit

ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog

gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong

ginagamit sa kasalukuyang panahon.

 Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang

area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at

ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,

at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

 Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa

isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang

kanto o salitang kalye.


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng

paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga

sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang

sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang

panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-

aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o

komunidad.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino:

Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon

noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo

ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay

multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang

mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi

gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan

ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang

bansa.
DAYUHANG LITERATURA

Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device

(LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their

brains basic rules which are similar across all languages.

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang Filipino

ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na

naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok

at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa

wika.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika

raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at

isanasaayos sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na

istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado

ng lipunan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.

Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,

naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang

kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga

sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa

nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman


kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabikung gayon na

sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal,

at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang

kasaysayan ng ating wikang Filipino?


KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-

aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik

napamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Pag-unlad ng Wikang

Filipino sa makabagong panahon., sa unang antas ng STEM sa taong panuruan 2020-2021

PALOMPON NATIONAL HIGHSCHOOL

PARAAAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos

upang malaman ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon.

Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang mga mananaliksik sa iba·tibang

hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din

ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.


MGA POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga pipiliing mga respondentee sa pag-aaral na ito ay ang mga nasa unang antas ng

STEM sa taong panuruan 2020-2021 sa PNHS, lungsod ng PALOMPON

Sa kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha na kung saan ang mga

mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Sila ay magpapamahagi ng animnapung na sarbey

kwenstyuner at ang unang limampung respondente na unang makakatapos ang siyang

automatikong magiging respondente.

MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang maipakita ang mga datos na

kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa

unang baitang ng STEM

TRITMENT NG MGA DATOS

ang pagtaly at pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng mgamananaliksik

upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.


Name:
Course: Date:

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling sagot.


1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?
Oo Hindi
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang
Filipino?
Oo Hindi
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino?
Oo Hindi
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
Oo Hindi
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?
Oo Hindi
6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
Oo Hindi
7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?
Oo Hindi
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno?
Oo Hindi
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?
Oo Hindi
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?
Oo Hindi
11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan?
Oo Hindi
12. Sang ayon ka bang tanggalin ang wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo?
Oo Hindi
13. Ang pagpapapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon?
Oo Hindi
14. Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga
salita?
Oo Hindi
15. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng Mix-mix na lengguwahe sa paaralan?
Oo Hindi
KABANATA 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-

aaral sa unang baitang ng Stem tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa

Kasalukoyang panahon at ang kahalagahan nito sa pa- unlad ng ekonomiya.

1. Ano ang mga factor na nakakaapekto sa pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino?

Table 1

Mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wika Filipino

Mga Factor Respondente Percentage %

Teknolohiya 35 70
Paglipas ng
10 20
panahon
Pagsakop ng
5 10
ibang bansa

Ipinapakita ng table 1 na Teknolohiya ang pangunahing factor na nakaapekto sa

pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino para sa respondente sa unang antas ng

STEM na may 35 respondente o 70% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng Paglipas ng

panahon na may 10 respondente o 20% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay

pagsakop ng ibang bansa na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente.


2 Saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino?

Table 2

Mga aspeto kung saan naging epektibo ang pag-unlad ng wikang Filipino

Aspeto Respondente Percentage %


Ekonomiya 23 46

Pag-aaral 22 45

Lipunan 5 10

Ipinapakita ng table 2 na Ekonomiya ang pangunahing aspeto kung saan mas

naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan

ng 23 respondente o 46% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng Pag-aaral na may 22

respondente o 45% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay lipunan na may 5

respondente o 10% nang kabuuan ng respondente.


3 Bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino?

Table 3

Mga Dahilan kung bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino

Dahilan Respondente Percentage %


Mas malinaw na
22 44
Komunikasyon
Magamit sa pag-
17 34
aaral
Mapaunlad ang
11 22
ekonomiya

Ayon sa table 3 ang Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan

kung bakit kailangan ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-

ayunan ng 22 respondente o 44% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng dahilan na

magagamit sa pag-aaral na may 17 respondente o 34% nang kabuuan ng respondente. At ang

pangatlo ay upang mapaunlad a na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente.


KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral at ang konklusyon at

rekomendasyon para sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay

maibibigay.

LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong

panahon para sa mga STEM ng Palompon national high school ay naganap.

Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang

resulta ay ang mga sumusunod:

a. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang

pinakaunang factor sa pagbabago ng wika. Ito ay sinangayunan ng 70

posyento.

b. At para sa kanila sa Ekonomiya mas naging epektibo ang pag-unlad o

pagbabago ng wikang Filipino na nakakuha ng 46 porsyento.

c. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit

kailangan umunlad ang wikang Filipino ayon ito sa 44 porsyento ng

kabuuang respondente.
KONKLUSYON

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit

kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino.

2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika.

3. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang

pinakaunang factor sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon

kasabay din ng pag-unlad ng wika.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng

mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya,

mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang

makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon

sa loob ng ating ekonomiya.

2. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga

salitang gaya balbal upang mas maging pormal ito.

3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating

sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang

magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng

sinami ni Gat Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa

sa hayop at malansang isda.

You might also like