You are on page 1of 4

NAME (STUDENT NUMBER) BJ 101 – FINALS

DIRECTOR:
ASSISTANT DIRECTOR:
TECHNICAL DIRECTOR:
FLOOR DIRECTOR:
AUDIO ENGINEER:
VTR: Therese Fernandez
CAMERMAN 1:
CAMERAMAN 2:
PA:

VISUAL AUDIO
[ROLL VTR – 1 OBB] OBB

[NAME – SHOT] HIMPILAN NG KATOTOHANAN, BOSES NG


MAMAMAYAN. AKO SI NAME AT KAYO AY
NAKATUTOK SA BANTAYOG BALITA.

(TURN TO CAM 1)

[NAME – SHOT] HINIHILING NI PRESIDENTE RODRIGO


DUTERTE ANG ISANG TAONG EXTENSION
NG MARTIAL LAW SA MINDANAO, KAYA
NAMAN NOONG ISANG ARAW AY
IPINALIWANAG NG MGA SECURITY
OFFICIALS NG BANSA ANG KANILANG
MGA RASON KUNG BAKIT NAIS NILANG
PALAWIGIN PA ANG BATAS MILITAR,
KABILANG ANG PSYCHOLOGICAL IMPACT.
NGUNIT ANG MGA TAGA-OPOSISYON,
HINDI KUMBINSIDO.

PARA SA MGA KARAGDAGANG DETALYE,


NARITO ANG REPORT.

[ROLL VO – 2 POLITICAL] NANINDIGAN ANG ARMED FORCES OF


THE PHILIPPINES O AFP SA NAGANAP NA
SECURITY BRIEFING SA SENADO NA
KAKAILANGANIN NILA NG ISA PANG
TAONG PAGPAPALAWIG NG MARTIAL LAW
SA MINDANAO.

AYON KAY NATIONAL SECURITY ADVISER

Page | 1

HERMOGENES ESPERON, ISA RAW SA
MGA DAHILAN NG EXTENSION NG
MARTIAL LAW ANG PSYCHOLOGICAL
IMPACT NITO SA MGA RESIDENTE AT SA
MGA SUNDALONG NAKIKIPAGLABAN SA
MINDANAO.

[SOT: ESPERON] “BY PSYCHOLOGICAL WE MEAN IT'S


REALLY TO THE LIKING OF THE
MAJORITY OF MINDANAOANS. SO
THERE'S NOT MUCH OBJECTION TO IT,
ESPECIALLY BY MINDANAO PEOPLE.”

HINDI NAMAN PABOR DITO ANG


OPOSISYON. AYON KAY SENATE
MINORITY LEADER FRANK DRILON,
PAGLABAG DAW SA SALIGANG BATAS
ANG ISANG TAONG EXTENSION, LALO’T
WALA NAMAN NANG AKTUWAL NA
REBELYON NA NANGYAYARI SA BANSA,
DI TULAD NG SUMIKLAB NA GULO SA
MARAWI NOONG MAYO.

[SOT: DRILON] “WE MAINTAIN THAT ARMED UPRISING IS


AN ESSENTIAL FACTOR TO JUSTIFY THE
DECLARATION OF MARTIAL LAW OR THE
EXTENSION THEREOF. AND FROM WHAT
WE HEAR, IT'S PSYCHOLOGICAL
ADVANTAGE, IT WILL GIVE THE SECURITY
OFFICERS MROE TEETH IN ENFORCING
THE LAW. THE THREAT OF CONTINUING
REBELLION, TO US, IS NOT SUFFICIENT
GROUNDS. A THREAT IS DIFFERENT
FROM AN ACTUAL ARMED UPRISING.”

ISA RING PUNTO NG PAG-AALINLANGAN


NG MGA SENADOR AY ANG PAGTUKOY SA
CPP-NPA BILANG MAIN THREAT SA
MINDANAO, GAYUNG WALA NAMAN ITO
SA ORIHINAL NA DAHILAN NOONG
IDEKLARA ANG MARTIAL LAW NOONG
HULYO.

[STANDUPPER] BUKAS AY MAGKAKAROON NG JOINT

Page | 2

SESSION ANG KAMARA AT SENADO
UPANG PAGDEBATEHAN ANG BASEHAN
NG EXTENSION NG MARTIAL LAW SA
MINDANAO. INAASAHANG MAIPAPASA
ITO DAHIL HAWAK NI PRESIDENTE
DUTERTE ANG MAYORYA NG KONGRESO.

NAME, NAG-UULAT PARA SA BANTAYOG


BALITA.

[NAME – SHOT] NAKAAMBA ANG PAGTAAS NG PRESYO


NG MGA BILIHIN SA MGA SUSUNOD NA
ARAW HABANG PALAPIT NANG PALAPIT
ANG ARAW NG PASKO.

[ROLL VTR] MAGLALARO SA FIVE HANGGANG ELEVEN


PESOS ANG ITATAAS NG PRESYO NG
HAM HABANG TEN TO FOURTEEN NAMAN
SA KESO DE BOLA. BAHAGYANG TATAAS
RIN ANG PRESYO NG FRUIT COCKTAILS
AT SPAGHETTI.

AYON SA PRESIDENTE NG PHILIPPINE


AMALGAMATED SUPERMARKETS
ASSOCIATION O PAGASA NA SI STEVEN
CUA, KAHIT MAGIGING MAS MAHAL ANG
MGA PRODUKTONG PANG-NOCHE BUENA,
MGA TATLONG ARAW PA BAGO ANG
PASKO DADAGSA ANG MGA MAMIMILI.

(PAUSE FOR SOT)

[ROLL VTR] “HINDI PA, HULI ANG PAGKAIN E.


ALTHOUGH CANNED GOODS ANG
BINIBILI NG IBA, THEY THINK IT'S
FRESHER KAPAG LAST MINUTE. TSAKA
ALSO, PRIORITY FOR FOOD IS LAST.
WHEN YOU CELEBRATE, FOOD IS FIRST,
PERO THE PRIORITY TO SPEND IS LAST.”

[NAME - SHOT] SIYAM NA ARAW BAGO ANG PASKO,


DAMANG-DAMA NA ANG CHRISTMAS
SPIRIT SA LUNGOD NG PASIG.

Page | 3

[ROLL VTR] MAPAPANUOD ANG ISANG MASAYA AT
MAKULAY NA ANIMATED CHRISTMAS
DISPLAY SA MAY MARKET AVENUE.
SIGURADONG MA-EENJOY NG MGA BATA
ANG 20-MINUTE SHOW NA MAY TEMANG
“INSIDE OUT: RIO’S IMAGINATION WORLD,”
HANGO SA KILALANG DISNEY-PIXAR
MOVIE PERO SYEMPRE AY BINIGYAN NG
PINOY TWIST.

SA MAY CITY HALL NAMAN AY


MATATAGPUAN ANG ISANG HIGANTENG
PAROL AT MAGARANG CHRISTMAS
LIGHTS DISPLAY, HABANG SA TAPAT NITO
AY MAY MUNTING PERYA KUNG SAAN
MAY IBA’T-IBANG RIDES, GAME BOOTHS,
AT PAGKAIN.

ANG PINAKA UNANG CHRISTMAS STREET


LIGHT MUSICAL TUNNEL NAMAN SA
BANSA, MATATAGPUAN SA ORTIGAS
EAST.

KAYA KUNG NAGHAHANAP NG


MAPAPASYALAN NGAYONG
KAPASKUHAN, DUMAYO NA IBA’T-IBANG
ATRAKSYON SA PASIG NA NAGHIHINTAY
SA MGA PAMILYANG PILIPINO.

(TURN TO CAM 1)

[NAME - SHOT] AT YAN ANG AMING MGA NAKALAP NA


BALITA PARA SA ARAW NA ITO.

MULI, AKO PO SI NAME. HIMPILAN NG


KATOTOHANAN, BOSES NG MAMAMAYAN,
NAG-UULAT PARA SA BANTAYOG BALITA.
MAGANDANG UMAGA.

[ROLL VTR] CBB

Page | 4

You might also like