You are on page 1of 2

Ilang senador nakiusap sa

DepEd na itulak ang pilot test


ng face-to-face
classesqwqwqw
Todo-pakiusap ngayong Miyerkoles ang ilang senador sa Department of
Education na itulak kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot testing ng
face-to-face classes.
Ayon sa mga senador, puwede namang gawin ang pilot test sa 100
eskuwelahan sa mga lugar na wala namang COVID-19 cases basta
susundin ang health protocols.
Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, sa pamamagitan ng pilot test,
magkakaroon ng karanasan ang DepEd sa pagpapatupad ng face-to-
face classes sakaling payagan na ng gobyerno ang aktuwal na
pagbabalik nito.
"We need the experience now. We need the lesson drawn now because
we don’t have the luxury of time," sabi ni Pangilinan sa isang pagdinig.
"This is a good way for our scientists to study what can be done to
mitigate the effects of COVID," dagdag naman ni Sen. Sherwin
Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education.
"Karapat-dapat lamang na magbukas na ang mga eskuwelahan sa lalong
madaling panahon. Nauna pa sana sa mga mall, sa mga sinehan, sa mga
gaming arcade... Talaga naman na parang hindi natin pinapahalagahan
ang edukasyon ng ating mga anak," sabi ni Sen. Imee Marcos.
Noong Lunes, inanunsiyo ng Palasyo na inayawan ni Duterte ang
panukala ng DepEd na magsagawa ng dry run ng limited face-to-face
classes dahil hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Nauna na umano nitong nailatag ang ilang kondisyon kung matutuloy
ang pilot testing, kabilang ang pagsasagawa nito sa low-risk o mga lugar
na nasa modified general community quarantine lamang; ang
"commitment for shared responsibility" ng DepEd, lokal na
pamahalaan, mga magulang, at "providers of transportation"; at,
striktong pagsunod sa health protocols mula bahay, habang
bumibiyahe, at hanggang sa paaralan.
May 1,904 raw na pampublikong paaralan ang posibleng lalahok sa
pilot study. 
Kasalukuyang sarado ang mga paaralan at nag-aaral ang mga bata mula
sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng modules, online classes,
telebisyon at radyo.
Ayon sa Teachers' Dignity Coalition, may mga batang hindi natututo sa
ipinatutupad na distance learning dahil ang mga magulang nila ang
sumasagot sa kanilang mga aralin.
Sinabi rin ng mga eksperto na may masamang epekto ang halos isang
taon pagtigil ng klase ng mga mag-aaral.
Maliban kasi sa hindi nagagawa ng mga bata ang normal na
pakikisalamuha sa kapwa bata, kapos din ang kanilang natutunan.re
Ayon sa mga eksperto, iba-ibang pag-aaral na ng mga bansang
nagbukas uli ng klase ang nagsabing hindi eskuwelahan ang "spreader"
ng COVID-19.
Suportado naman ng Department of the Interior and Local Government
ang pakiusap ng mga senador.
Nangako si Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na
isasama ang hiling ng mga senador sa pulong ng DepEd nitong hapon ng
Miyerkoles.

You might also like