You are on page 1of 1

Sa kasalukuyang panahon, maraming sakit na ang hindi

maintindihan kung kaya’t hindi rin ito agarang nabibigyang lunas.


Minsan ang simpleng mga sakit ng ulo ay sintomas na pala ng isang
malubhang sakit. Isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino ay ang
saloobing “bahala na.” Ito ay ang pagbabalewala sa mga palatandaan
at sintomas ng iba’t ibang sakit na maaring maranasan ng isang tao.
Subalit sa mundo ng medisina, ang bawat karamdaman ay may
sayantipikong paliwanag upang matukoy ang sanhi at epekto ng
bawat karamdaman.

Isa sa mga malubhang karamdaman ngayon na tumataas ang


bilang ay ang diabetes. Pataas nang pataas ang bilang ng mga
Pilipinong nagkakaroon ng diabetes, ayon sa Philippine Society of
Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PSEDM). Ayon sa journals
ng American Medical Association, ang sugar diabetes at diabetes
mellitus ay isang kundisyon na kung saan ang katawan ay hindi
makagamit ng carbohydrates (sugars and starches) gayun din ang
protina at fat sa normal na paraan, sapagkat nagkukulang sa rami ang
hormone na insulin. Ang diabetes ay isa sa mga itinuturing na
pinakamabalasik na sakit dahil wala itong pinipiling edad at panahon;
hanggang ngayon ay wala pa ring gamot o lunas.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga herbal o mga


pinaniniwalaang alternatibong gamot na laban sa diabetes. Ayon sa
mga pag-aaral ang ilan sa mga alernatibong gamot tulad ng ampalaya
(Momordica charantia), aratiles (Muntingia calabura), serpentina
(Indian snakeroot), at insulin plant (Chamaecostus cuspidatus) ay
maaaring makapagpababa ng blood sugar.

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa prebensyon sa


pagkakaroon ng diabetes. Gayundin sa mga may diabetes, para
mabawasan ang kanilang paggamit ng insulin na maaring magdulot
ng iba’t-ibang komplikasyon sa katawan.

You might also like