You are on page 1of 3

“Kabataang Pinoy sa Gitna ng Pandemya”

Dumating ka lang
akala mo hihinto na ang buhay ng nakararami,
Covid 19 ka lang,
Kabataang Pinoy kami.

Hindi mo masusukat ang abilidad ng mga Pilipino


kung hindi mo sila masusubaybayan sa oras ng paghihirap mismo.

Tama,
tama ka sayo'ng narinig,
Marami na ang huminto,
ngunit mas marami ang nagpatuloy sa kanilang mga yugto.

Maraming kabataan ang hindi nakasabay,


ngunit mas marami ang nagpatuloy kahit pa kulang sa gabay,
nakakapagtaka 'di ba?
pero wala eh, pilipino tayo.
Mananatili yung dugo ng pilipino
kahit pa nasa pandemya tayo.

kasi ako mismo,


bilang isa sa kabataan ng mga Pilipino,
saksi ako sa patuloy na pagiging produktibo
kahit pa nakakabahala ang virus sa bawat panig ng mundo.

maraming nawalan ng trabaho,


ngunit hindi ito ang katapusan ng mga kabataan
para ikulong nila ang mga sarili sa kani-kanilang tahanan,
nagsulputan ang kabi-kabilang online selling, live selling, streaming
ang galing 'di ba?
kahit nasa gitna ng pandemya,
kahit limitado lang ang pwedeng lumabas sa pamilya,
eto, eto yung kabataang pilipino,
nagiging produktibo
kahit pa nasa apat na sulok lang sila ng mga kwarto.

kahit hindi mo na isigaw,


naririnig ko sa puso at isip mo,
kung gaano ka ka-dedikado
para lang makaahon at makipagsabayan sa covid 19 na to.

bilang isa sa kabataang pilipino


marami akong natutunan habang nakikipagsabayan sa pandemyang 'to,
isa na rito yung maging madiskarte at mapamaraan,
mapamaraan sa pamamagitan ng pag-iisip,
pag-iisip kung paano masosolusyunan
ang kakapusan ng pinansyal, emosyonal, mental at espiritwal.

napag-nilayan, napag-isipan at napagtanto ko,


na hindi dito natatapos ang buhay ko,
dahil ultimo ang mundo,
tuloy pa rin sa pag ikot nito.

At dapat ako rin,


na kahit bilang isa sa kabataang pilipino,
dapat matutunan ko rin ang hindi pagsuko
sa anumang hamon ang kakaharapin ko,
kahit ano pang problema, unos at bagyo,
at kahit covid 19 pa ito.

You might also like