You are on page 1of 6

Paket ng Kurso 01

Kasaysayan ng Wika
 

Introduksyon

Ang mga aralin at gawain sa modyul na ito ay dinisenyo upang magkaroon ng kaalaman sa
kasaysayan ng wika na maaaring pinagmulan ng mga wikaing umiiral mula noon hanggang sa
pangkasalukuyang henerasyon. Sa pamamagitan ng paggamit sa modyul na ito ay muli nating
malalaman ang mga pinagmulan ng wikang Filipino na maaaring makadagdag sa ating dating kaalaman
o magpabukas sa ating isipan ng tamang kasaysayan ng pinagmulan ng wikang Filipino.

Layunin

Nalalaman at natututunan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng wika at mga teoryang


nagkaroon ng kaugnayan sa pagkakaroon ng wika

Kahulugan ng Wika:

Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar.
Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na
batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan
at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.

Mga Uri ng Wika:

1. Balbal – Ang pinakamababang antas at bumubuo nito ng mga salitang kanto.


2. Lingua franca o Panlalawigan – tumutukoy sa salitang ginagamit ng partukular na lalawigan
3. Pambansa – Ito ay ginagamit ng buong bansa
4. Pampanitikan – Ginagamit ito sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa
Mga Katangian ng Wika:

1. Ang wika ay masistemang balangkas


Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para
makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t
ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs

3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog


sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa
katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan

4. Ang wika ay komunikasyon


Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong
paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin,
at pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay pantao


Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang
gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura


Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian,
kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.

7. Ang wika ay ginagamit


Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi
ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi


May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay
may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko


Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at
iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.

10. Ang wika ay malikhain


Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.
Mga Teorya ng Wika:

Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

1. Teoryang Bow-wow – mga tunog na niliha nga mga hayop.


2. Teoryang Ding-dong – ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran
3. Teoryang Pooh-pooh – ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga
emosyon
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay – ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga ritwal.
5. Teoryang Sing-song – ang wika ay galing sa musika
6. Teoryang Biblikal – Genesis 11:1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga
salita
7. Teoryang Yoo He Yo – natuto ang taong magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta – nangahulugang itong paalam.
9. Teoryang Mama – unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother.
10. Teoryang Hey you! – teoryang mula sa linggwistang si Revesz.
11. Teoryang Coo coo – tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya nga mga
matatanda
12. Teoryang Babble Lucky – nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao.
13. Teoryang Hocus Pocus – nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyon ng mga ninuno.
14. Teoryang Eureka! – ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
URI NG WIKA – Ang Apat Na Uri At Mga Halimbawa

1. Balbal
Ito ay ang pinakamababang antas. Binubuo nito ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.

Halimbawa:

▪ tibo (tomboy)
▪ astig (cool)
▪ shat (uminom ng alak)
▪ gege (sige)
▪ juding (binabae)
▪ petmalu (malupet)
▪ kodak (kukuha ng litrato)
▪ mumshie (ina)
▪ praning (baliw, paranoid)
▪ brenda (brain damage)
▪ charot (biro lang)
▪ jowa (lover, partner, boyfriend/girlfriend)

2. Lingua franca | Panlalawigan


Ito naman ay tinutukoy sa salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita.

Halimbawa: (Lalawigan – Wika)

▪ Cebu – Cebuano
▪ Ilocos – Ilocano
▪ Iloilo – Hiligaynon
▪ Bicol – Bicolano
▪ Samar – Waray
▪ Pampanga – Kapampangan
▪ Pangasinan – Pangasinan
▪ Lanao del Norte and Lanao del Sur – Maranao
▪ Sulu – Tausug
▪ Maguindanao – Maguindanao

3. Pambansa
Ang wikang ginagamit ng buong bansa. Hanggang ngayon, marami pa ring nagdedebate kung ang wika
natin ay Filipino o Tagalog. Hanggang ngayon, ang Filipino ay tinuturing wikang pambansa.

Halimbawa: (Bansa – Wika)


▪ Czech Republic – Czech
▪ Russia – Russian
▪ Vietnam – Vietnamese
▪ China – Standard Mandarin | Putonghua
▪ Japan – Japanese
▪ Laos – Lao
▪ Germany – German, Frisian
▪ The Netherlands – Dutch, Papiamento, Yiddish, Frisian
▪ Norway – Norwegian, Bokmål, Nynorsk, North Saami
▪ Saudi Arabia – Arabic
▪ Kazakhstan – Kazakh, Russian
▪ Turkey – Turkish

4. Pampanitikan
Ang pinakamayaman na uri. Sa pangalan pa lang, malalaman natin na ang wikang pampanitikan ay
ginagamit sa tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto.

You might also like