You are on page 1of 2

Very Inspiring Series # 1: Regalo

Characters: Ate (China), Bunso (Mila), Nanay (Nida)

Plot: May sibling rivalry yung magkapatid dahil naiinggit ang bunso sa nakukuha ng panganay na
pagpriprioritize ng nanay...

Eksena 1: Papasok sa eskwela

Nanay: O maghanda na kayo...malalate na kayo sa school.

Ate: Oy Mila nasan na yung ipit ko, ginamit mo nanaman?

Bunso: Di ko ginamit ha! Lagi mo nalang hinahanap sakin yung mga gamit na nawawala sayo..

Nanay: O tama na yang pagtatalo niyo.. Eto na yung baon niyo, o.. China, anak, eto yung baon mo
dinagdagan ko ng konting extra kasi alam kong marami kang kailangan sa eskwelahan..

Ate: Ay wow mami... salamat po ha (nagiinosenteng mukha habang si bunso, nagmimimic ng pangasar)

Kinagabihan:

Nagpapatugtog ng malakas si Bunso:

Ate: Maaaaaa.... si Mila, ayaw hinaan yung patugtog niya, di ako makapagaral...

Nanay: O Mila, maging considerate ka naman sa ate mo, mahirap pag college na, pagbigyan mo na ate
mo... (bunso frowns)

Eksena 2: Papasok ulit

Ate: Ma, salamat sa extra baon...

Bunso: ako ma, pwedeng makahingi ng extra? Meron po sana akong gustong bilhin sa skul..

Nanay: Naku anak, next time nalang ha? Mejo gipit kasi talaga tayo ngaun eh....

Kinagabihan:

Bunso: Ma o, tingnan mo ang taas ng nakuha ko sa seatwork namin kanina... (happy and proud)

Ate: Ma, nakapasa naman po ako sa exam namin kanina... (mejo malungkot)

Nanay: (Mas binigyang pansin ang ate, kita ang pag-aaalala) Yaan mo na yun anak, ang mahalaga,
nakapasa ka...
(dahil parang hindi napansin ang achievement ng bunso, sumama ang loob nito)

Mas kinagabihan pa:

Bunso Monologue: Siguro hindi ako mahal ng nanay ko... lagi nalang si ate.. si ate ang mahalaga, si ate
ang dapat unahin... lahat nalang si ate... (Hihiga, at magtatalakbong ng kumot, pero matapos ang ilang
sandali, ay babangon at magdadasal)

Bunso Monologue: Di ako dapat magalit kay ate... Saka kahit ganon sila sakin, alam ko namang di mo ko
ipagpapalit Lord db? (magdadasal ng taimtim)

Eksena 3: Araw ng kaarawan ni Bunso, papasok

Nanay: O good morning mga anak... happy birthday bunso.. Sana ay masaya ka, sana di tayo nahihirapan
sa sitwasyon natin ngaun.. Sa susunod ka nalang magpaparty ha?

Bunso: (visibly hurt but shruggs it off. Ok lang po yun ma... salamat... Love you.

Ate: (silent)

Kinagabihan:

Bunso: Mami i'm home... pinauna ako ni ate mukhang may pupuntahan pa yata siya e... (nakitang
walang nakahanda, nalungkot)

Nanay: ay o sige, nagtext nga siya maya2x pa daw siya uuwi kasi may gagawin pa sila ng mga kaklase
niya... sabay2x na tayo kumain mamaya anak? Pahinga ka muna sa kwarto mo...

Bunso (makakatulog sa sobrang habag sa sarii).

Mas kinagabihan pa:

Magigising ang bunso at makikita ang bagong damit at cake sa kanyang tabi...makikita niya ang isang
sulat na galing sa kanyang kapatid.

Ate Monologue: Mila happy birthday! Pasensiya ka na kung di ka nasamahan ni ate kanina ha? Gusto
kasi kitang isorpresa ngaung bday mo. Eto rin yung rason kung bakit ako binibigyan ni mama ng extrang
baon lagi.. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Kaya magpatuloy lang tayo kahit na
mahirap ang buhay natin. Mahal na mahal ka namin. :)

Bunso: (naiiyak) salamat po, Lord sa biyaya ng isang mabuting pamilya. Mahal na mahal ko po kayo ate...
:)

You might also like