You are on page 1of 1

Kasaysayan at Panitikan, Magkakambal sa Pag-unlad

(Sanaysay na isinulat ni Verlyn B. Elfa ng Acctng 3A)

Maraming taon na ang nakararaan, bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop sa ating
bansa, ang ating mga ninuno ay mayroon nang mayamang panitikan. Ang ating panitikan ay pasalita
kung isalin ng mga naunang Pilipino. Ang mga panitikang ito ay nagbuhat sa mga aral ng mga
matatanda na kanilang ginamit sa pagtuturo sa mga bata. Nagpasalin-salin ito mula sa mga bibig ng mga
mamamayan. Ilan na lamang rito ay ang mga alamat na pinaniniwalaan nilang pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa kapaligiran, mga salawikain at kawikaan na nagsisilbing gabay ng mga matatanda sa
paglilinang ng mabuting asal ng kanilang mga anak na mayroong tugmaan, at ang iba’t iba pang uri ng
panitikan tulad ng mga epiko, kwentong bayan, awiting bayan, at karunungang bayan.

Nang dumating ang mga banyagang mananakop sa ating bayan, nagdulot ito ng impluwensya sa ating
panitikan. Mula sa pasalitang anyo ng panitikan, umusbong ang pasulat na panitikan sa tulong na rin ng
mga katuruan ng mga mananakop at ating mga kalapit na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, India,
Arabia, at Cambodia. Nang dumating sila sa Pilipinas, pumasok ding kasama nila ang iba’t iba pang uri
ng panitikan tulad ng mga anyong patula gaya ng berso, dasal, pasyon, awit at korido; mga anyong
tuluyan gaya ng sanaysay at mga talabuhay ng mga santo, at mga dulang panlansangan, pangtanghalan,
at pantahanan.

Sa paglipas ng panahon, mas lalong naging bukas ang isipan n gating mga ninuno kung kaya’t
ginamit nilang instrumento ang panitikan sa pagtuligsa sa mga kamaliang ipinamalas ng mga
mananakop. Nabuo ang grupo ng mga Propagandista, na sumusulat ng mga akda ng pagtuligsa sa mga
Kastila. Naitatag din ang UMPIL o Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Hanggang sa kasalukuyan,
patuloy pa ring namamayagpag ang mga manunulat sa pagtatanim ng kanilang mga ideya sa mga
mambabasa na nagpapaalab ng kanilang pagkanasyonalistiko. Masasabi nating tunay na habang
umuunlad ang kasaysayan, kasabay na umuunlad din ang panitikang Pilipino.

You might also like