You are on page 1of 14

Mfil 17

Panahon ng Pagbabagong Diwa

Kilusang Propaganda

-Ang Kilusáng Propagánda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong 1872–1892 ng mga Filipinong
ilustrado sa Europa.

-Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng diwang nasyonalista sa kamalayan ng mga Filipinong nakapag-
aral, na pinaigting ng mga pangyayaring pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Higit kaysa mga layuning politikal, nabuo ang kilusan
para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at pangkultura. 

Mga Hangarin ng “Kilusang Propaganda”

1. Pagpapantay ng Pilipino at Kastila sa harap ng batas

2. Gawaing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

3. Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya

4. Gawaing mga Pilipino ang mga kura paroko

5. Kalayaang pangkatauhan sa mga Pilipino, gaya ng kalayaan sa pamamahayag, sa pananalita , sa


pagtitipon at pagpupulong sa paghingi ng katarungan sa kaapihan.

Ang mga “Propagandista”

-Ang karamihan sa mga “Propagandista” ay nangag-aaral o nakatapos na sa pamantasa at mga anak


ng mga pamilyang maykaya at makabayan.

-Nagtataglay sila ng matatayog na talino, masidhing damdaming makabayan at dakilang katapangan


at lakas ng loob.

Tatlong pinakadakila at nakahihigit sa lahat ng mga propagandista

 Dr. Jose Rizal

 Marcelo H. del Pilar

 Graciano Lopez Jaena

Mga iba pang Propagandista

 Mariano Ponce

 Antonio Luna

 Juan Luna

 Felix Resurreccion Hidalgo

 Dr. Pedro A. Paterno

 Jose Ma. Panganiban


Mfil 17

 Jose Alejandrino

 Pedro Serrano Laktaw

 Isabelo de los Reyes

 Dr. Dominador Gomez

Mga tanyag na akda ni Dr. Jose P. Rizal

a. Noli Me Tangere ( Huwag Mo Akong Salangin)

Pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong taon sa Europa ay nagbalik si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas.


Ito’y pinaghandaan ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra, sa pamamagitan ng
isang salo-salo na dinaluhan ng ilan sa mga matataas ang antas sa lipunan. Kinabukasan ay dinalaw ni
Ibarra si Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan na nagsimula pa sa kanilang pagkabata. Bago
pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ang pagkamatay ng kanyang
amang si Don Rafael. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso na pumatay
sa kubrador kaya siya’y binilanggo hanggang nagkasakit at namatay sa kulungan. At dahil sukdulan ang
kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang bangkay ng kanyang ama at itinapon na lang ito sa
lawa.Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng
paaralan. Kamuntikan ng mapatay si Ibarra, kung hindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang ng
paglalagay ng unang bato ng paaralan. At muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso napigilan
lang ito ni Maria Clara. Sinamantala ni  Padre Damaso ang pagkakataon na sirain at utusan si Kapitan
Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. 

Walang kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong  sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang


kwartel ng sibil at siya’y ibinilanggo. Ginawa lahat upang hindi makalaya si Ibarra kabilang na dito ang
ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara na pinalitan. At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara
ay si Padre Damaso. Inanunsyo sa bahay ni Kapitan Tiyago ang pagpapakasal nina Maria Clara at
Linares habang lihim na kinausap ni Ibarra si Clara at nagpaalam bago siya tuluyang tumakas. 

Tuluyan ng tumakas si Ibarra at sumakay ng bangka ngunit naabutan sila kaya tumulon sa tubig si
Elias upang iligaw sila. Pinaputukan siya ng mga sibil sa akalaang siya ay si Ibarra hanggang mapatay nila
ito.  Nagmadre na lang si Maria Clara ng nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra. Bago nawalan ng hininga si
Elias ang huling habilin niya ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa
bayan.

b. El Filibusterismo

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero
ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang
mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na
pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si
Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio.
Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Mfil 17

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng
isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay
di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon,
sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y
namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo,
ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas
habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng
mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad
ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga
pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at
naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni
Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay
siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay
Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din
niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw
na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang
nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon
upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at
kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito
at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya
ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng
dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang
isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako
naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng


pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si
Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin
kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang
binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas
ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang
pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa
baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
Mfil 17

uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao
at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa
Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at
pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa
pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging


kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang
kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
c. Mi Ultimo Adios (ang Huli kong Paalam)

Paalam, sintang lupang tinubuan, Bayaang ang araw na lubhang maningas


bayang masagana sa init ng araw, pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw, maging panginuring sa langit umakyat,
at perlas ng dagat sa dakong Silangan. at ang aking daing ay mapakilangkap.

Inihahandog ko nang ganap na tuwa Bayaang ang aking maagang pagpanaw,


sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba; itangis ng isang lubos na nagmamahal;
naging dakila ma’y iaalay rin nga kung may umalala sa akin ng dasal,
kung dahil sa iyong ikatitimawa. ako’y iyo sanang idalangin naman.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban Idalangin mo rin ang di nagkapalad,


handog din sa iyo ang kanilang buhay, na nangamatay na’t yaong nangaghirap 
hirap ay di pansin at di gunamgunam sa daming pasakit, at ang lumalanghap 
ang pagkaparool o pagtagumpay. naming mga ina ng luhang masaklap.

Bibitaye’t madlang mabangis na sakit Idalangin sampo ng bawa’t ulila


o pakikibakang lubhang mapanganib, at nangapipiit na tigib ng dusa;
pawang titiisin kung ito ang nais  idalangin mo ring ikaw’y matubos na
ng bayang' tahanang pinakaiibig. sa pagkaaping laong binabata.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas  Kung nababalot na ang mga libingan


ang kulay ng langit na nanganganinag ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
ibinababalang araw ay sisikat, at wala ng tanod kundi pawang patay,
sa kabila niyong mapanglaw na ulap. huwang gambalain ang katahimikan.

Kung dugo ang iyong kinakailangan Pagpitaganan mo ang hiwagang lihim,


sa ikadidilag ng iyong pagsilang, at mapapakinggan ang tinig marahil,
dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang ng isang salteryo: Ito nga’y ako ring
nang gumigiti mong sinag ay kuminang. inaawitan ka ng aking paggiliw.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip, Kung ang libingan ko'y limot na ng madla
magpahanggang ngayong maganap ang bait, ay wala nang kurus at bato mang tanda
ang ikaw’y makitang hiyas na marikit sa nangagbubukid ay ipaubayang
ng dagat Silangan na nakaliligid. bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Noo mo’y maningning at sa mga mata  Ang mga abo ko’y bago pailanlang
mapait na luha bakas ma’y wala na, mauwi sa wala na pinanggalingan,
wala ka ng poot, wala ng balisa, ay makaulit munang parang kapupunan
Mfil 17

walang kadungua’t munti mang pangamba. ng iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa sandaling buhay maalab kong nais Sa gayo’y wala ng anoman sa akin,


ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit na limutin mo na’t aking lilibutin
ng kaluluwa kong gayak ng aalis, ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
ginhawa’y kamtan mo. Anong pagkarikit! at ako sa iyo’y magiging taginting.

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang, Bango, tinig, higing, awit na masaya
mamatay at upang mabigyan kang buhay, liwanag at kulay na lugod ng mata’t
malibing sa lupang puspos ng karikta’t uulit-ulitin sa tuwi-tuwina
sa silong ng iyong langit ay mahimlay. ang kataimtiman ng aking pag-asa.

Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin Sintang Pilipinas, lupa kong hinirang,
nipot na bulaklak sa aba kong libing, sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan
sa gitna ng mga damong masisinsin, huling paalam ko't sa iyo'y iiwan
hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin. ang lahat at madlang inirog sa buhay.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis, Ako’y yayao na sa bayang payapa,


mataos na taghoy ng may sintang dibdib, na walang alipi’t punong mapang-aba,
bayang tumaggap noo ko ng init, doo’y di nanatay ang paniniwala
na natatabunan ng lupang malamig. at ang naghahari'y Diyos na dakila.

Bayaan mong ako’y malasin ng buwan Paalam anak, magulang, kapatid,


sa liwanag niyang hilaw at malamlam; bahagi ng puso’t unang nakaniig,
bayaang ihatid sa aking liwayway ipagpasalamat ang aking pag-alis
ang banaag niyang dagling napaparam. sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin; Paalam na liyag, tanging kaulayaw,


bayaang sa huning masaya’y awitin; taga ibang lupang aking katuwaan;
ng darapong ibon sa kurus ng libing paaalam sa inyo, mga minamahal;
ang buhay payapang ikinaaaliw. mamatay ay ganap na katahimikan.

d. Sobre la Indolencia de los FIlipinos ( Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)

Ang Katamaran ng mga Pilipino


ni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na
nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y
isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na
upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang
sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa
pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang
tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan
Mfil 17

sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak
ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y
pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay
nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging
lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan.
Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa
kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain,
walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa
paggawang sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y
hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring
mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng
pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga
Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila
sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba
pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga
pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi
makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw
pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan
habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y
maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang
nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga
piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa
maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko,
kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy
katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si
Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,
pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang
taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang
paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.

Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay
ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon,
kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang
Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto.
Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y
pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang
inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan
ng mga maling timbangan at takalan.

Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga
Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang
ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.
Mfil 17

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga
kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa
kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa,
pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng
pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng
kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng
katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.

At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa
kaharian ng langit ang taong mayaman.”

Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran.

Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung
may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang
impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano
mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa


Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang


mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa
simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay
nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na
hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at
kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang
puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga
pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga
pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla
sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang
bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila
ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano
mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat
makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng
kanilang Bayan.

Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan.
Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na
makapagdudulot ng bungang ninanais.”
Mfil 17

e. A la Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino)

Itaas ang iyong  Ikaw na may tinig


Malinis na noo Na buhat sa langit,
Sa araw na ito, Kaagaw sa tamis
Kabataang Pilipino! Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Igilas mo na rin ang kumikinang mong Sa gabing tahimik
Mayamang sanghaya Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya! Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Makapangyarihang wani’y lumilipad, Ng buhay at gilas,
At binibigyang ka ng muning mataas, At ang alaalang makislap
Na maitutulad ng ganap na lakas, Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad, Ng buhay na walang masasabing wakes.
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
At ikaw, na siyang 
Ikaw ay bumaba Sa may iba’t ibang
Na taglay ang ilaw Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Ng sining at agham Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Sa paglalabanan, Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Bunying kabataan, Nakapaglilipat sa kayong alinman;
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal 
Ng matulain mong waning kinagisnan. Na ningas ng wani’y nais maputungan 
Kayong naglalama’y,
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad, At maipamansag ng tambuling tangan,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap, Saan man humanggan,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Ang lalong matamis Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap  Malwalhating araw,
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas  Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ng mga bulaklak. Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.

f. Me Piden Versos ( Hinihingan Nila Ako ng mga Tula)

Iyong hinihiling, lira ay tugtugin Katulad ko'y binhing binunot na tanim


bagaman sira na't laon nang naumid sa nilagakan kong Silangang lupain
ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
pati aking Musa ay nagtago narin. manirahan doo'y sayang walang maliw.

malungkot na nota ang nasnaw na himig ang bayan kong ito, na lubhang marikit
waring hinuhugot dusa at hinagpis sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit
at ang alingawngaw ay umaaliwiw ibong malalaya, nangagsisiawit
Mfil 17

sa sarili na ring puso at damdamin. mulang kabundukan, lagaslas ng tubig


kaya nga't sa gitna niring aking hapis ang halik ng dagat sa buhangin mandin
yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid. lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang
ang mga araw na matuling nagdaan masayang batiin ang sikat ng araw
nang ako sa akong Musa'y napamahal habang sa diwa ko'y waring naglalatang
lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan. silakbo ng isang kumukulong bulkan.

ngunit marami nang lumipas na araw laon nang makata, kaya't ako nama'y
sa aking damdamin alaala'y naiwan laging nagnanais na aking tawagan
katulad ng saya at kaligayahan sa diwa at tula, hanging nagduruyan:
kapag dumaan na'y may hiwagang taglay "Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,
na mga awiting animo'y lumulutang angking kabantugan ay ipaghiyawan
sa aking gunitang malabo, malamlam. mataas, mababa'y, hayaang magpisan".

a. Sa aking mga kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Ang salita nati’y huwad din sa iba
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian, Na may alfabeto at sariling letra,
At ang isang tao’y katulad, kabagay Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Mga kinikilalang Akda ni Marcelo H. del Pilar

a. Kaiingat Kayo

Ngayon ang panahong tigmak sa kakulangan ng katotohanang mapanghahawakan ng sinuman. Ngayon


ang panahong kay hirap mawawaan ang tunay at ang kasinungalingan. Ngayon ang panahong lukob ang
diwa’t isipan natin ng mga patalastas na tila kalugud-lugod, ngunit nagdudulot kaipala ng kimbot at
Mfil 17

pangamba sa ating kalamnan — sapagkat totoong nagbabadya ng kadiliman ang katahimikang labis at
halos mala-paraiso.

Kaiingat kapatid! Magpunyaging tagusin ng katuwiran ang piring na tumatakip sa mga mata. Huwag
bulagin ang sarili sa mga balatkayo, at sa halip, pagsikapang makita ang katotohanang umiiral.

Ito at ito lamang: walang karalitaang-madla na mapapalis sa loob ng isang libo, siyam-napu’t limang araw;
…di-maikakaila ang karukhaan ng angaw-angaw sa ating kapatid; …naroon pa rin ang yagit na may tsapa;
…lalong nag-iibayo ang agwat ng bagong ilustrado at bagong indiyo; …buong-kusang ipinipinid ng
mapagimbot na nakaririwasa ang kanilang budhi sa daing at panaghoy ng Katagalugan; …buong tiwasay
na nating tinanggap—tayong manhid at mapagparaya sa sariling pagnanasa—ang isang laksang pahatid sa
atin.

Mga kapatid kaiingat kayo! Huwag humimlay sa naglalakihan nating awto, sa ating tahanang malapalasyo,
sa nagsasawalang-kibo nating pamantasan na tila ba nakaluklok na tayo sa panibagong Eden. Kasalanang
di-mapapatawad ang matulog nang panatag sa mga kamang dekutson nang hindi man lamang isinasaisip
kahit saglit ang tablang amoy-estero, galisin at lipos sa libag na higaan ng kapatid na maralita.

Maikakaila ba ang pagdarahop ng nakararami? O tuluyan na ba tayong nalulong sa huwad nating daigdig
na kasaganaan at katiwasayan? Mag-isip kayo at huwag magsa-tanga! Napakadaling marahuyo, lalo na
tayong walang ibang talos kundi ang tangos ng ilong nating mestisuhin. Napakadaling paglalangan ang
sarili habang hitik sa de-sampung papel ang nagpuputok nating kartamoneda. Napakadaling patahimikin
ang budhi habang kusang binubulag ang sarili sa katotohanan na kamuhimuhi tayo sa malas ng angaw-
angaw na kalahi.

Tiyak na mamumuhi at mapopoot ka rin kung araw-araw mong mapapanood ang landian, ang talsikan ng
mga pinintahang daliri ng pulutong na anak-mayaman —samantalang kalapit-bahay lamang ang umpukan
ng mga dampang mahihiya sa bahay ng aso. Titiim din ang bagang kung masisilayan ang mga kansusuwit
na mestiso at mestisang walang pakundangan kung magparaya sa sarili na tila walang katapusang pista ang
buhay.

Kaiingat kayo kapatid! Malayo’t matagal pa ang pagsapit ng tunay na Eden sa kalupaan natin. Huwag
kalilimutan ang nakaraan sapagkat sa nakaraan nakasalalay ang pagkamulat sa katotohanan.

Kaiingat ka, Atenista! Kaiingat ka! Hanggang taglay pa ang sariling pag-iisip at pusong malambot, dinggin
ang namamaos na daing ng aping kalahi. Gumising at alisin ang lambong na kusang isinuklob sa mga
mata. Gumising bago tuluyang, bangungutin sa kahalumigmigan ng silid na de-air con. Bumangon at
magsimulang balikatin ang pananagutang matagal nang ipinapatong ng nakaraan!"

b. Dasalan at Tocsohan - Ito’y isang akdang nakakatawa dahil ipinapakita dito kung paano sobrang kaiba o
kabaliktaran ang ginagawa ng mga prayle noon sa kanilang mga sinasabi sa mga Pilipino. Kitang-kita dito
ang matinding kabalintunaan ng pagiging “banal” ng mga prayle noon sa Pilipinas.

Hal. Ang Tanda ng Cara-I-cruz (Parody ng “Sign of the Cross”)

Ang tanda nang cara-I-cruz nang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga bangkay
naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw.Siya naua.

c. Cadaquilaan nang Dios (sanaysay)

d. Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas


Mfil 17

e. Dupluhan…Dalit…Mga Bugtong -

Mga Akda ni Graciano Lopez-jaena

A. Fray Botod

Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez Jaena noong 1874 tungkol sa isang paring
Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba at upang busugin ang sarili sa
pagkain, salapi, at babae. Ang pangalan ng fraile ay hango sa salitang Hiligaynon na “botod” na
nangangahulugang bundat o malaki ang tiyan dahil sa sobrang pagkain.

Isa itong katawa-tawang paglalarawan ng tao na isinagawa sa pamamagitan ng diyalogo ng isang Filipino
at ng liberal na kaibigang Espanyol. Pinagusapan nilá ang masamâng ugali ng fraile sa iba’t ibang
sitwasyon, gaya ng pagsusugal, pagdaraos ng misa at pista, pamumulitika, pagsisinungaling at
pagyayabang, grabeng katakawan sa pagkain, mahabàng pagtulog sa tanghali, at pagpaparusa. Ilan sa mga
ipinakitang ugali ay ang pagkakaroon nitó ng relasyong inmoral sa mga batàng babae, pananakot at
pagpaparusa sa mga estudyante, pagpapabaya sa kaniyang responsabilidad bilang pari para makapagsugal,
at malupit na pagpaparusa sa isang manggagawang Indio na hindi nakapagtrabaho sa kaniya nang tatlong
araw dahil sa asawang maysakit.

B. La Hija Del Praile at Everything is Hambug

C. Sa Mga Pilipino

D. Talumpating Paggunita kay Kolumbus

E. En Honor Del Presidente Morayta Dela Asuncion Hispano Pilipino

F. En Honor De los Artistas Lluna Y Ressurreccion

G. Amor A Espana o Alas Jovenas De Malolos

H. El Bandolerismo en Pilipinas

I. Honor En Pilipinas

Ilan sa akda ni Antonio luna

A. Impresiones - Noong 1891, nailimbag sa madrid ang aklat na ito .Katatagpuan ang aklat na ito ng mga
matatalas na obserbasyon at paggagagad sa lipunang Espanol na nasaksihan ni luna habang nasa Espana
kasama ang mga Propagandista.

B. Noche Buena

C. Se Divierten

D. La Tertulia Filipina

E. Por Madrid

F. La Casa des Huespedes

Mga akda ni Mariano Ponce

A. Mga alamat ng Bulakan

B. Pagpugot kay Longino


Mfil 17

- Ito ay isang dula na ang tema ay hinaing ng inang bayan

C. Sobre Filipinas

D. Ang mga Pilipino sa Indo-Tsina

Ilan sa Akda ni Pedro Serrano Laktaw

A. Diccionario-Hispano Tagala

B. Sobre la lengua tagala

C. Estudios Gramaticales

Mga Akda ni Jose Maria Panganiban

A. Ang Lupang Tinubuan

B. Sa Aking Bahay

C. Su Palan de Estudio

D. El Pensamiento

Mga Akda ni Dr. Pedro Paterno

A. Ninay

B. A mi Madre

C. Sampaguita y Poesias Varias

Ilan sa Akda ni Pascual Poblete

A. Lucreria Triciptino

B. Ang kagila-gilalas na buhay ni Juan Soldado

C. Ang Manunulat sa Wikang taglog

D. Kaunaunahang nagsalin ng Noli me Tangere ni Dr. Jose Rizal

Isabelito Delos Reyes

- Isang mamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng mga manggagawa.

-Itinatag ang “ Iglesia Filipina Independencia

-Nagtamo ng gantimpala sa Madrid sa kanyang akdang “El Folklore Filipino”


Mfil 17

Ilan sa Akda ni Fernando Canon

A. Flor Ideal (kamithi-mithing Bulaklak)

B. Cundiman (sanaysay)

C. Kuriapi

D. Kawit

Mga Akda nj Andres Bonifacio

A. Katungkulang gagawin ng mga anak ng bayan

B. Huling Paalam

C. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

D. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

E. Katapusang Hibik ng Pilipinas

Mga Akda ni Emilio Jacinto

A. Kartilya ng Katipunan

B. Liwanag at Dilim

C. A Mi Madre ( Sa Aking Ina)

D. A la Patria ( Sa Bayaang Tinubuan)

Mga akda ni Apolinario Mabini

A. El Verdado Decalogo( Ang Tunay na Sampung Utos)

B. El Desarollo y Caida de la Republika Filipina (Ang Pataas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino)

C. Sa Bayang Pilipino

D. Pahayag

Mga Akda ni Jose V. Palma

A. Mula sa Aking Hardin(De mi Jardin)

B. Filipinas

C. Iluciones

D. Nagsatitik ng Lupang Hinirang


Mfil 17

You might also like