You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

6
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Quarter 2 - Week 7-Modyul 7:
Pagiging Matapat

Inihanda ni:

BETTY L. GALVEZ
Master Teacher I
EMILUZ C. GANIBAN
Teacher III

Aralin
Pagiging Matapat
1 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 1
I. Layunin:

1. Nasasabi na ang pagiging matapat ang magdudulot nang mabuting pagsasamahan.


EsP6P- IIa-c–30.

II. Gabay na Tanong

1. Paano maipakikita ang pagiging responsible sa kapwa gaya ng pagkamatapat?

III. Talakayan

A. Balik-Aral

Panuto: Lagyan ng TSEK ( / )ang patlang kung ang ipinapahayag sa bawat


pangungusap ay ang pagpapahalaga sa pangako at EKIS ( X) kung hindi.

1. Naglalaan siya ng oras at panahon para sa kanyang kaibigan.


2. Ipinangako ni Lisa sa kanyang kaibigan na hindi niya ipagsasabi ang kanilang
usapan kaya tinupad niya ito.
3. Tinatanggap at pinag-iisipan mong mabuti ang mga suhestiyon ng iyong
kaibigan.
4. Natatakot kang ipagtapat ang totoo mong damdamin sa iyong kaibigan.
5. Handa kang makinig at dumamay sa kaibigan sa panahon ng pangangailangan
.

B. Basahin natin ang kuwento:

Si Abat, ang Batang Matapat

Araw ng Sabado, maaga pa lang ay inihahanda na ni Abat ang mga paninda


niyang bulaklak na sampaguita. “Aalis na po ako inay,” paalam ni Abat sa kanyang ina.
“Oo anak mag-iingat ka,” tugon ng kanyang ina.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 2


Sa kanyang paglalakad ay may nakita siyang bag na nakausli sa gilid ng daan.
Pinulot niya ito at tumingin- tingin sa paligid. “Kanino kaya ito?” tanong niya sa sarili.

Binuksan niya ito at nakita niya ang bugkos ng mga pera. Naalala niya na malapit
na ang kaarawan ng kanyang ina at balak niya itong sorpresahin pero wala siyang
ekstrang perang pambili.

Nagdalawang isip si Abat kung ano ang gagawin niya sa napulot niyang bag.
Naalala niya ang aral na laging sinasabi ng kanyang ina, “anak lagi mong isabuhay ang
pagiging tapat sa inyong sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa lahat ng panahon,” paalala ng
kanyang ina.

Dali-dali niyang dinala ang bag sa barangay at ibinigay kay Kapitan. “Magandang
araw po Kap. May napulot po akong bag sa daan at hindi ko po alam kung sino ang may-
ari. Kaya dinala ko na lang po dito,” paliwanag ni Abat. “Aba napakatapat mo namang
bata!” ang natutuwang saad ni kapitan.

Ipinagpatuloy ni Abat ang pagtitinda ng Sampaguita. Iniisip niya na ang kikitain


niya sa pagtitinda ang pagkukunan niya ng pambili ng regalo sa kanyang ina. Walang
anu-ano ay may tumawag kay Abat.

“Abat! Abat!” ang hinihingal na tawag ni Kapitan. “Bakit po Kapitan?” ang


nagtatakang tanong ni Abat. Sa loob nito may munting kabang naramdaman.

“Nais kang makita at makausap ng taong nagmamay-ari ng napulot mong bag,”


ang pagbabalita ni Kapitan. Agad nagpunta sa barangay sina Abat at Kapitan.

“Naku, ikaw pala si Abat, ang batang matapat, maraming salamat iho,” ang
natutuwang saad ng may-ari ng bag. “Tanggapin mo ang iyong pabuya,” dagdag pa nito.

“Naku! Huwag na po, wala po akong hinihintay na kapalit sa aking katapatan,”


ang magalang na pagtanggi ni Abat.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 3


Pero iginiit pa rin ng may-ari ng bag ang pabuya kay Abat. “Tunay kang kapuri-
puri iho, sana marami pang mga bata ang tulad mo,” sabi pa nito kay Abat.

Nagpasalamat si Abat sa may-ari ng bag. Sa kanyang pag-uwi labis ang kaniyang


kasiyahan sapagkat may magagamit siyang pambili ng regalo para sa kaniyang Nanay.

At naalala niya ang palaging sinasabi ng kanyang ina na “ang pagiging matapat,
ay may biyayang katapat.”

Mga tanong:

1. Sino ang bata sa kwento?


2. Ano ang nakita ni Abat sa daan?
3. Bakit nagdalawang-isip si Abat na ibalik ang nakitang bag?
4. Ano ang mas nanaig kay Abat?
5. Kung ikaw si Abat, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?

C. Pag-aralan Natin
Ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob o
pagkamatapat ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao, bansa,
pangkat, o layunin. Kapag tayo ay tapat, pinalalakas natin ang ating pagkatao at dahil
dito nagkakaroon ng kapayapaan sa isipan at paggalang sa sarili.
Ang batang matapat ay kinalulugdan ng lahat at may biyayang matatanggap.

Katapatan sa Salita at Gawa


 Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang
magiging sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay at kinang
nito.
 Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapwa ay parang isang bisyo.
 Kapag paulit-ulit ito na ginagawa, nagiging ugali na ito ng isang tao.

IV. Mga Halimbawa

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 4


Mga Dahilan sa Pagsasabi ng Totoo

1. Ito ay paraan upang malaman ng lahat ang tunay na pangyayari.


2. Nagsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang hindi masisi o
maparusahan.
3. Magtitiwala sayo ang iyong kapwa.
4. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao na matuto ng aral sa mga
pangyayari.
5. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan.
6. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapan ng kalooban.

V.Mga Pagsasanay

Gawain 1:
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpakikita ng pagiging matapat at
MALI kung hindi.
_______1. Sinabi ni Jayden sa kaniyang nanay na siya ang nakabasag sa baso.
_______ 2. Nakapulot ng payong si Denise at nakasulat ang pangalan ng kaniyang
kaibigan dito, agad niya itong ibinalik .
_______3. Kumuha si Cynthia ng pera sa pitaka ng kanyang nanay na hindi
nagpapaalam.
_______4. Agad na ibinulsa ni Jinky ang sobrang sukli na iniabot ni Aling Marta sa
kanya.
_______5. Nagpaalam si Shekinah sa kaniyang Nanay na pupunta sa bahay ng kanyang
kaklase upang gumawa ng proyekto subalit sa tabing dagat siya nagpunta .

Gawain 2:
Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik na angkop na iyong gagawin sa
bawat sitwasyon.

1. May napulot kang payong habang naglalakad. Ano ang iyong gagawin?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 5


A. Itatago para may magamit sa tag-ulan.
B. Ibibigay sa guro upang maibalik sa may-ari.
C. Hindi papansinin at dadaanan lang ang payong.
D. Sisirain at iiwan sa daan upang may makakita nito.

2. Nakita mo ang iyong kapatid na nangungupit sa pitaka ng inyong nanay. Ano ang
iyong gagawin?

A. Hahayaan na lamang siya.

B. Magpapalibre sa kapatid.

C. Sasabihin sa nanay ang totoo para mapagsabihan ang kapatid.

D. Tatakutin at aawayin ang kapatid.

3. Kinuha mo ang ginawang proyekto ng iyong kaklase. ipinasa mo ito na


nakapangalan sa iyo, Nagustuhan ito ng inyong guro at ikaw ang pinuri. Ano ang
iyong dapat gagawin?
A. Aangkinin ang karangalan.
B. Aaminin sa guro na hindi mo ginawa ang proyektong iyong ipinasa.
C. Tatakutin ang kaklase upang hindi magreklamo.
D. Paninindigan na saiyo ang proyekto.
4. Sa dami ng taong bumubili hindi namalayan ng tindera na sobra ang ibinigay
niyang sukli saiyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Agad na ibubulsa ang sukli.
B. Hindi papansinin ang pagkakamali ng tindera.
C. Ibabalik sa tindera ang sobrang sukli.
D. Ibibili agad ng pagkain ang sobrang sukli.
5. Nabasag mo ang plorera sa inyong silid-aralan. Nakita ito ng inyong guro kaya
tinanong niya kung sino sa inyo ang nakabasag nito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi magsasalita dahil wala namang nakakita.
B. Aaminin sa guro ang nagawang kasalanan at hihingi ng paumanhin.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 6


C. Ituturo ang ibang kaklase para siya ang mapagalitan.
D. Liliban muna sa klase upang hindi marinig ang sasabihin ng guro.

Gawain 3:
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang SANG-AYON kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng katapatan at DI SANG-AYON kung hind.

_______ 1. Inamin ni Berto ang kanyang pagkakamali kahit alam niyang pagtatawanan
siya ng kaniyang mga kaklase.

_______ 2. Inangkin ni Marie ang papuri para sa tulang mahusay na ginawa ng kaniyang
kaibigan.

_______ 3. Ibinigay ni Lorna ang napulot niyang cellphone sa kanilang guro para
maisauli sa may-ari .

_______4. Naghintay muna ng pabuya si Susan bago niya isinauli ang napulot niyang
pitaka.

_______ 5. Dapat nating ibalik sa may-ari ang mga hiniram na gamit.

Gawain 4:
Punan ng tamang sagot ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

pinagkakatiwalaan kinalulugdan katapatan


pagsisinungaling bisyo

1. Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapwa ay parang isang


_____________.
2. Ang _______________ ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang
tao, bansa, pangkat, o layunin.
3. Ang batang matapat ay ________________ ng lahat at may biyayang
matatanggap.
4. Kapag paulit-ulit na ginagawa ang _________________, nagiging ugali na ito ng
isang tao.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 7


5. Ang taong matapat ay ________________ ng kapwa.

VI. Sanggunian

Government of the Philippines.Department of Education. 2016.Ugaling Pilipino


sa Makabagong Panahon 6.Manila
MELCS pp 86

VII. Batayang Sagot

Balik -aral Gawain 1: Gawain 2: Gawain 3


1. / 1. TAMA 1. B 1. SANG-AYON
2. / 2. TAMA 2. C 2. DI SANG-AYON
3. / 3. MALI 3. B 3. SANG-AYON
4. X 4. MALI 4. C 4. DI SANG-AYON
5. / 5. MALI 5. B 5. SANG-AYON
Gawain 4
1. bisyo
2. katapatan
3.kinalulugdan
4. pagsisinungaling
5. pinagkakatiwalaan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 8


Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 9

You might also like