You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Lagumang Pagsusulit 1
Ikalawang Kwarter (Una at Ikalawang Linggo)

Pangalan:________________________________________ Iskor:______

I. A. Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Napag - usapan nina James at ng kanyang ama na magkikita sa bukid bandang alas
kuwatro ng hapon. Pero di namalayan ni James na napaidlip siya at nang
maalimpungatan ay mag-aalas-kwatro na. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Itutuloy niya ang pagtulog.
B. Magmadaling bumangon at pumunta sa napagkasunduan nila ng kaniyang ama.
C. Huwag na lang pumunta at magdahilan na lamang sa ama.
D. Sasabihin sa nakababatang kapatid na siya na lamang ang pumunta sa bukid.

_____2. Niyayaya ni Jimmy si Jojo na pumuntang bayan, subalit may usapan sila ng
kaniyang pinsan na magkikita. Ano ang tamang gawin ni Jojo?
A. Hindi papansinin si Jimmy.
B. Kakalimutan ang usapan ng pinsan.
C. Sasama kay Jimmy at iindyanin ang pinsan.
D. Ipaliliwanag kay Jimmy na may usapan na sila ng kanyang pinsan kaya hindi
siya makakasama sa kanya.

_____3. Bago pumunta ng palengke, binilinan ni Aling Lina si Pina na diligan ang mga
halaman, sapagkat natutuyo na ang mga ito. Kung ikaw si Pina, ano ang iyong
gagawin?
A. Gagawin kaagad ang bilin ng ina.
B. Manonood muna ng telebisyon bago magdilig ng halaman
C. Magdahilan sa nanay na masakit ang katawan.
D. Maglaro na lang at huwag nang sundin ang bilin ng ina.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

_____4. Napag-usapan nina Blessing at Jayden na mag-aambag ng pera para sa nalalapit na


kaarawan ng pinsang si Shekina. Pagdating ng oras ng pag-aambag walang
maibigay si Blessing. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi na magpapakita kay Jayden.
B. Hihingi ng paumanhin kay Jayden sa kadahilanang wala siyang maiaambag.
C. Hihingi ng pera sa nanay, sasabihin na gagamitin sa proyekto para may
maiambag.
D. Magtatago muna hanggang matapos ang kaarawan ni Shekina.

_____5. Nanghiram si Jessica kay Lorna ng sampung piso upang ipambayad sa kanilang
proyekto. Nangako siyang babayaran sa hapon ding iyon. Pagdating ng hapon
walang maibigay na pambayad si Jessica. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi na lang siya papasok sa hapon.
B. Uutang siya sa ibang kaklase para may pambayad kay Lorna.
C. Hihingi ng paumanhin kay Lorna dahil wala pa siyang pambayad sa kaniyang
utang.
D. Mangungupit siya sa kanyang nanay para may pambayad sa utang.

_____6. Nasira mo ang hiniram mong lapis ng kaklase mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Isasauli ang sirang lapis.
B. Hihingi ng paumanhin sa kaklase at mangangakong papalitan na lang ang
nasirang lapis.
C. Huwag na lang isauli ang hiniram na lapis.
D. Kakalimutan na lang na may hiniram kang lapis sa kaklase
_____7. Masayang lumalangoy si AJ kasama ang mga kaibigan sa ilog pero nangako siya sa
kaniyang ama na tutulungan itong maghakot ng lupa na itatambak sa likod bahay.
Ano ang dapat niya gawin?
A. Ititigil na ang paglangoy at tutulungan ang ama sa paghahakot ng lupa.
B. Ipagpapatuloy ang paglalangoy kasama ang mga kaibigan.
C. Magdadahilan sa ama para makaiwas sa pagtulong sa kanya.
D. Kalilimutan ang pangakong binitawan sa kanyang ama.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

B. Sa tatlo hanggang limang pangungusap, magsalaysay ng inyong karanasang


nagpakikita ng pagiging responsible sa pamamagitan ng pagtupad ng pangako.(3
puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubric:
3- Nakasulat ng apat hanggang limang pangungusap, maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng
ideya, malinis at maayos ang pagkakasulat.
2- Nakasulat ng tatlong pangungusap, maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng ideya, malinis
at maayos ang pagkakasulat.
- Nakasulat ng apat hanggang limang pangungusap, ngunit hindi maliwanag ang
pagkakasunod-sunod ng ideya, hindi malinis at maayos ang pagkakasulat.
1- Nakasulat ng isang pangungusap lamang.
0- Walang naisulat

Susi sa Pagwawasto:

A.
1. B
2. D
3. A
4. B
5. C
6. B
7. A

B. Rubric:
3- Nakasulat ng apat hanggang limang pangungusap, maliwanag ang
pagkakasunod-sunod ng ideya, malinis at maayos ang pagkakasulat.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

2- Nakasulat ng tatlong pangungusap, maliwanag ang


pagkakasunod-sunod ng ideya, malinis at maayos ang
pagkakasulat.
- Nakasulat ng apat hanggang limang pangungusap, ngunit
hindi maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng ideya, hindi malinis at
maayos ang pagkakasulat.
1- Nakasulat ng isang pangungusap lamang.
0- Walang naisulat

You might also like