You are on page 1of 2

Entry 1: Last Stop

Chester Derequito

Nahulog na yata ang damdamin ko sa pagbi-biyahe simula no’ng matutunan ko itong


gawin. Pinaka-paborito ko ang sa Baguio. Isang bus papunta sa Cubao, isa ulit papanik
sa lungsod. Sampung oras na biyahe kung bibilangin. Anong gagawin ko sa sampung
oras na ‘yon? Aalis ng madaling araw, inaasahan ko na makakarating ako ng mga
hapon na. Sa isang tipikal na biyahero, na halos isumpa ang maghapong
pagkakakulong sa bus, isipin pa lang ito mapapa-iling na. Napapakamot na lang din ako
sa hindi makati kapag naiisip ang ganitong biyahe—na sa apat na taong nagpapabalik-
balik sa lungsod, hindi pala madali. Pagsakay pa lang sa bus, kalbaryo na. Dumating rin
ako sa punto na gagawin ang lahat mapigilan lang ang dapat pigilan—inaliw ko na ang
sarili ko sa mga tanawin na puro puno lang naman sa labas, walang epekto;
nagpipindot na ako sa cellphone ko para maging manhid sa mga tawag, wala pa rin;
pinilit ko nang matulog para lang hindi maramdaman ang mga pagpaparamdam, wala
pa rin. As in lahat ng paraan mapigilan lang ang mga pwersa ng kalikasan na umagos,
ginawa ko na. Hanggang sa malamig at butil-butil na pawis na ang unti-unting namuo
sa noo ko. Kalbaryo talaga, lalo na kapag wala kang matanaw na gasolinahan. Salamat
na lang madalas nakakaidlip ako sa biyahe. Paggising ko, ayan na tumigil na kami, pero
naiwan pa rin ang lahat ng dinadala ko. Dumeretso agad ako sa pwedeng
pagdepositohan. Para naman akong nagpakawala ng mabigat na sama ng loob sa
bawat buntunghininga na itinatapon ko dahil sa mahabang biyahe. Napaka-aliwalas sa
pakiramdam. Nakakain din ako, nakainom, nakapagbanat rin ng braso at binti na hindi
ko nagawang iunat dahil sa katabi kong tila nasa sariling kama kung makahilik. Ang
sarap dito. 

Ang sarap sanang dito na lang muna ako. Kasi dito, hindi na ako mangangawit sa
pagkakaupo, hindi na ako mag-aalala na kukulangin ako sa pagkain pag nagutom ulit
ako, at higit sa lahat, hindi na ako maghahanap ng banyo kapag tinawag ulit ako. Ayaw
ko na sanang pumanik ulit ng bus, pero kagaya ng alam ng lahat, hindi naman talaga
ako dito pupunta. Tumigil lang ako rito, para sagutin ang tawag ng kalikasan, ang tawag
ng tiyan, at ng kung ano ano pang tawag na bumubulabog sa akin sa biyahe ko.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagmamadaling makarating agad sa Sison. Kasi
inihahanda ako nito para sa destinasyon ko. Para pagdating ko do’n, hindi na ako para
tumigil at humanap ng pagtatapunan ng iba pang buntunghininga na hindi ko nailabas
Sison—sa stopover. Alam kong hindi pa ito ang huling tigil ko. Kaya pagpanik ko ulit sa
bus, alam ko na kung paano umupo. Mahirapan man ako sa biyahe ko, at least, hindi
na stopover ang susunod kong hinto.
Entry 2: Window Shopping
Chester Derequito

Marami pa rin naman pala akong magagawa kahit walang laman ang pitaka. Manigas man
ang binti sa kakalakad, okay lang—nakatutok pa rin ako sa matagal ko nang pinag-iipunan.
Kahit maya’t maya ang balik ko dito, basta and’yan lang yan, okay lang. Kasi parang kahit
habang tumatagal, mas lalong lumalayo ang tingin ko pag nakikita ko ito. Isang beses, wala
s’ya sa pwesto. Dumalas na hindi naka- display sa puwesto niya. Mas lalong tumagal,
noong pumupunta ako sa Mall, hindi ko na makita. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Bago matapos ang taon, nakita ko ulit. Kaso kagaya noon, wala pa ring laman ang pitaka—
puro hangin lang. Pero ang alam ko. Masaya naman akong nakikita kita. Hintayin ko na
lang maka-ipon at magkaron na ng laman. ‘Yun lang, sana wag kang makuha ng iba.
Parehas naman kami ng pitaka, baka mas may ipon lang siya kaysa sa akin. ‘Wag lang
sana akong maunahan—kasi alam ko nag-iisang stock ka lang.

You might also like