You are on page 1of 3

DAGLI

Ipinasa kay: Ginang


Jucylou M. Tuan
Ipinasa ni : Francheska
Ingrid B. Calano
“ISANG PANAGINIP
LAMANG”
Dagli mula sa Pilipinas
Isinulat ni : Francheska Ingrid B. Calano

Habol ko ang sarili kong hininga habang nakasandal sa pader,


nanginginig ang aking mga binti tila ba’y hindi na ako
makalakad. Sobrang sakit ng aking buong katawan ngunit
hindi ko magawang humingi ng tulong sa kahit kanino man,
nalalasahan ko na rin ang dugo sa aking mga labi dahilan ng
pagkakalaglag ko sa mataas na hagdan. “Hindi ko na kaya,
pagod na pagod na ako” panlulumong sambit ko sa aking
sarili, mabuti’t nakatakas ako at nakahanap ng maaaring
taguan, Isang matangkad at hindi ko maipaliwanag ang
pagmumukha niya ngunit masasabi kong siya ay isang lalaki.
Nagtatangka siyang patayin ako at mayroon siyang dala-
dalang baril, nararamdaman ko ang takot ko. Naririnig ko ang
kanyang malalamim na boses sa bawat gilid ng ospital. Siya
ay galit na galit!

Nang maglaho ang kanyang boses, naisip kong ito na ang oras
para makalabas sa pagamutang ito, nanghihina man ang
aking buong katawan pinilit ko pa ring tumayo at kahit na iika-
ika ako’y tuloy pa rin ang pagmamasid ko sa harap, at sa likod.
Nang ako’y kakaliwa na’y napatigil ako sa aking kinatatayuan,
na para bang napako ako, nang marinig ko ang pagkasa ng
baril sa aking likuran. Nagtindigan ang aking balahibo.

Naabutan niya ako!

Papatayin niya ako!

Nanginginig akong humarap sa kanya, ako’y takot na takot na


at nawawalan na ng pag-asang lumaban pa. “Parang awa mo
na, huwag mo akong patayin, magkaroon ka naman ng awa
sa akin” lumuluhang sambit ko. Ngayo’y palapit na siya ng
palapit sa’kin.
Ngumisi siya sa’kin, kinilabutan ako, nanghihina na ako’t
pakiramdam ko’y mawawalan na ako ng malay “Wala ka
nang kawala! Ito na ang huling hininga mo, tadaan mo ito!”
pasigaw niyang sinabi sa’kin. Nagitla ako kasabay ng
pagsigaw ay ang pagkalabit niya sa gatilyo ng baril.

…............

“Gumising ka Georgette, lumaban ka!”, “Doc ano pong


nangyayari sakanya?!, “CLEAR!” naimulat ko ang aking mga
mata, napapaligiran lamang ako ng malilwanag na mga
ilaw, mayroong nakahawak sa aking kamay at mayroong
ding mga doktor sa bawa’t gilid. Nang gumaan na ang aking
pakiramdam, nabanggit sa’kin ng magulang ko na ako’y na-
koma ng mahigit dalawang taon na. Nagising ako sa
katotohanang ito pala lahat ay isang panaginip lamang bago
ako magkaroon ng panibagong buhay.

Nakakamangha talaga ang kuwento ng buhay ng sarili kong


inang si Georgette, Ako si Zariyah ang nag-iisang anak ni
nanay Georgette ngayo’y 45 taong gulang na at binalikan ko
lamang ang kinuwento ng aking Ina noong ako’y musmos pa
lamang na pumanaw rin sa mismong araw na ito.

You might also like