You are on page 1of 17

Tungkulin at

Responsibilidad
ng Mananaliksik

I N T R ODU K S Y O N
TULAD NG A N U M AN G GAWAIN, ANG
PANANALIKSIK AY ISANG MALAKI AT
MABIGAT NA RESPONSIBILIDAD.MAY MGA
KATANGIAN, PAGPAPAHALAGA AT
KONSIDERASYONG DAPAT MALAMAN AT
M A B I G Y A N G H A L A G A N G M A N A NA L I K S I K
Ang Mananaliksik sa Larangan ng
Pananaliksik

1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa


iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan,
upisina, institusyon,
tao, media, komunidad at maging sa Internet

2. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling


kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang
mga ito
3. Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa
pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga
gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik.
4. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng
panig ay sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga
konklusyon, interpretasyon, komento at
rekomendasyon
 Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y
napatunayan ng mga ebidensya
 Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay
napapatunayan sa motibo, awtoridad, at realidad
(pagiging totoo) ng datos.
 Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang
hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na
may makitang negatibong epekto sa ginagawang
pananaliksik;
 Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at
rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o
ibibigay kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang, at
nasusuri ang mga argumento at mga batayang
datos
5. Analitikalsa mga datos at interpretasyon ng iba
ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa.
6. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,
konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.

7. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-


aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo; sa pagkuha
ng mga datos nang walang itinatago/ iniiwasan/
ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa
kinunan; at sa pagtanggap sa limitasyon ng
pananaliksik.
8.Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos,
sa mga tao/institusyong pinakunan mo ng mga ito, at
sa pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman
at sa prosesong pagdadaanan
Etika at Responsibilidad ng
Mananaliksik
1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa
pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi
ka pinapayagan o
walang permiso.
2.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na
obserbasyon, lalo na kung negatibo ang mga
ito o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.

5. Huwag kang mandaya.


Isang “krimen” ang
pandaraya sa pananaliksik.
Plagiarism at ang Responsibilidad ng
Mananaliksik

 Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap-


tanggap sa
pananaliksik. Maaari din itong humantong sa mga
problemang lega. Iwasan
ito para huwag mapasok sa gulo at gusot
Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa
wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.
Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism:

1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.


2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may
kaunting pagbabago sa ayos ng
pangungusap at hindi kinilala ang awtor.
3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
Ang Panghihiram ng mga Salita

Mga Tuntunin sa Panghihiram


1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng
panumbas sa mga hiram na salita
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino
bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
HAL.
Hiram na Salita Filipino
Attitude Saloobin
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang
katutubong wika ng
bansa.
Halimbawa:
Hiram na Salita Katutubong Wika
Hegemony Gahum (Cebuano)
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita
mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang
banyaga at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Filipino
Centripetal Sentripetal
2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V,
Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon
sa mga sumusunod na kondisyon
a. Pantanging ngalan
Hal. Quirino
b. Salitang teknikal o siyentipiko
hal. Cortex
x-ray
c. Salitang may natatanging kahulugan
Hal. Senora-ale

d. Salitang may natatanging kahulugang


kultural
Cañao (Ifugao) – pagdiriwang
Senora (Espanyol) – ale
e. Salitang may irregular na ispeling o
gumagamit ng dalawang letra o higit pa na
hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi
katumbas ng tunog.
Halimbawa:
Bouquet
e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at
ginagamit
Halimbawa:
Taxi
3. Gamitin ang mga letrang F. J, V. Z para katawanin
ang mga tunog, /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay sa
Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa:
Fixer fikser
Subject sabjek
4 Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang
hiniram nang buo.
Halimbawa:
Cornice Xenophobia

Hinango ito sa 2001 revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa


Ispeling ng
Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino sa
pamumuno ni Dr. Rosario
E. Maminta.
Inihanda ni
Emma A. Sarah
Secondary Teacher

You might also like