You are on page 1of 6

PALASPAS

"Kahit nasaang parte ka pa sa mundo, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para


mahanap kita." Ito ang mga salitang nasambit ni Taki Tachibana na isinalin sa Tagalog.
Ang mga salitang ito ay nasabi niya matapos niyang makatagpo si Mitsuha Miyamizu sa
bundok malapit sa bayan ng Itomori sa isa sa mga bahagi bago ang katapusan ng anime
na pelikula na pinamagatang Your Name (Kimi No Na Wa). Nang magtapos ang takipsilim
o "hating-liwanag" at nagbalik sila sa kani-kanilang mga katawan at panahon, ipinangako
ni Taki na gagawin niya ang lahat upang magkita muli silang dalawa ni Mitsuha.
Maliwanag sa mga salitang ito ang kanyang pagmamahal para kay Mitsuha. Kaya nga,
nang si Mitsuha ay madapa sa daang patungo sa tanggapan ng kanyang ama na alkalde
rin ng nasabing bayan, nakita niya sa kanyang kamay na nakasulat ang mga salitang "I
love you." Kung tutuusin, iyon ang dahilan kung bakit nagpunta si Taki sa bundok malapit
sa Itomori, ang bayang winasak ng isang comet, at ininom ang kuchikamizake ni Mitsuha
upang makabalik sa araw na iyon. Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil mahal na mahal
niya si Mitsuha. Iyon rin ang dahilan kung bakit ipinangako ni Taki na gagawin niya ang
lahat, kahit ang maglakbay sa iba't ibang bahagi ng daigdig, para makita niya muli si
Mitsuha nang matapos ang "hating-liwanag." Kakaantig ng puso. 

Mayroon tayong matutunan mula sa mga salitang ito ni Taki. Kung mahal mo talaga ang
isang tao, handa kang gawin ang lahat para sa kanya. Katunayan, isa itong napakaganda
at napakabisang aral pagdating sa pag-ibig. Handa kang gawin ang lahat para sa
ikabubuti ng iyong minamahal. Handa kang gawin ang lahat upang pasayahin siya.
Gagawin mo ang lahat para patunayan ang iyong pagmamahal para sa kanya. Sa
pamamagitan ng iyong mga salita at gawa, ang iyong pag-ibig para sa iyong sinisinta ay
iyong mapapatunayan. Kapag iyon ang ginawa mo, tunay ang iyong pag-ibig. 

Hindi lalayo si Hesus sa pagpapakita ng Kanyang pag-ibig para sa atin. Kung tutuusin,
wala nang makakapantay o makahihigit pa sa ginawa ng Panginoon alang-alang sa atin.
Ang gawang ito ng Panginoong Hesukristo ang binibigyang-pansin ng Simbahan pagsapit
ng sanlinggong ito na tinatawag nating Semana Santa o mga Mahal na Araw. Ang unang
araw ng sanlinggong ito na mas kilala natin sa tawag na mga Mahal na Araw ay ang
Linggo ng Palaspas. Sa araw na ito, ginugunita natin ang maringal na pagpasok ng
Panginoong Hesukristo sa banal na lungsod na kilala bilang Herusalem na nakasakay sa
isang asno. 

Batid ng Panginoong Hesus na maraming hirap, sakit, at pagdurusa ang nag-aabang sa


Kanya sa Herusalem. Batid Niya na may binabalak na masama ang Kanyang mga
kaaway. Batid ni Kristo na uusigin at papatayin Siya matapos ang maringal Niyang
pagpasok sa Herusalem. Batid Niya na kapag pumasok Siya sa lungsod ng Herusalem,
kailangan Niyang harapin ang Kanyang krus. Batid Niya na makakahanap Siya ng
kaginhawaan sa ibang lugar. 

Ipinasiya ni Kristo na pumasok sa Herusalem upang patunayan ang Kanyang pag-ibig


para sa atin. Kahit alam Niyang hindi Niya kailangan gawin ito, pinili pa rin Niya ito gawin
dahil sa Kanyang pagmamahal. Ipinasiya Niyang pumasok sa Herusalem para harapin
ang Kanyang krus dahil sa atin. Tayo ang dahilan kung bakit ipinasiya ni Hesus na gawin
ang lahat ng iyon. Sa pamamagitan nito, ang ating Mesiyas at Manunubos na si Hesus ay
naghayag ng Kanyang pag-ibig na dakila. Ang dakilang pag-ibig na ito ay ang dahilan ng
lahat ng ito. 

Ang mga Pagbasa para sa Linggong ito, ang Linggo ng Palaspas, ay tungkol sa lahat ng
mga hirap at pagdurusang dinanas ng Panginoong Hesus alang-alang sa atin. Ang
pagpapakasakit ng Panginoong Hesus ay tinalakay sa propesiya ni propeta Isaias sa
Unang Pagbasa. Sabi ni propeta Isaias na ang ipinangakong Tagapagligtas ay
makakatanggap ng maraming hirap at sakit sa kamay ng mga kaaway Niya. Ang
kababaang-loob ni Hesus ay tinalakay naman ni Apostol San Pablo sa Ikalawang
Pagbasa. Ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesus ay isinalaysay nang buo sa
Ebanghelyo. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi naganap ang isinalaysay sa
Ebanghelyo para sa Rito ng Pagbabasbas ng mga Palaspas sa simula ng Banal na Misa
para sa araw na ito, ang maringal na pagpasok ng Panginoong Hesus sa lungsod ng
Herusalem na nakasakay sa isang bisirong asno. Kung si Hesus ay hindi pumasok sa
Herusalem, hindi Niya mababata ang lahat ng hirap at pagdurusa sa kamay ng Kanyang
mga kaaway. 

Subalit, sa halip na layuan ang krus na naghihintay sa Kanya, pinili ni Hesus na harapin
ito. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpasok sa Herusalem, ipinakita ng Panginoon ang
Kanyang pagtanggap sa Kanyang sasapitin. Ipinasiya Niyang tanggapin at harapin ang
Kanyang krus. Isa lamang ang dahilan kung bakit Niya ipinasiyang gawin ito. Pag-ibig.
Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa atin, hinarap ni Kristo ang Kanyang krus. 

Pinili ng Panginoong Hesus na harapin at tanggapin ang Kanyang krus dahil sa Kanyang
pag-ibig para sa atin. Sa pamamagitan nito, pinatunayan Niyang tunay at wagas ang
Kanyang pag-ibig para sa atin. Ang lahat ng iyon ay ginawa Niya dahil sa Kanyang
dakilang pag-ibig.

Lunes

Sabi sa Ebanghelyo ni San Juan na batid ni Hesus ang nilalaman ng puso ng bawat tao
(2, 25). Isinulat ito ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo pagkatapos ng kanyang salaysay
tungkol sa paglilinis sa Templo. Walang makakalihim ng anumang bagay kay Kristo. Alam
ni Kristo ang lahat ng bagay tungkol sa bawat tao, lalung-lalo na ang mga itinatagong
lihim. Nalalaman Niya ang totoong nasa puso, isipan, at kalooban ng lahat ng tao. Walang
lihim na hindi Niya alam. Hindi kayang ilihim ng bawat tao mula sa Panginoon ang mga
tunay nilang layunin at hangarin. Alam ng ating Panginoon ang lahat ng iyon. Sabi nga,
"Ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak Mong nalalaman" (Salmo 139, 2). 

Ang kaganapang isinalaysay sa Ebanghelyo ay isa sa mga sandali kung saan ipinakita ng
Panginoong Hesukristo ang Kanyang kaalaman tungkol sa tunay na dala ng bawat tao sa
kanilang kaloob-looban. Ipinakita Niya na alam Niya ang tunay na layunin at binabalak ng
tao. Ito ang dahilan kung bakit Niya sinabihan si Hudas Iskariote at ang iba pang mga
alagad na hayaan nila si Maria na taga-Betania na nagbuhos ng mamahaling pabango sa
Kanyang mga paa (Juan 12, 7). Alam ni Hesus ang dahilan kung bakit bumili si Santa
Mariang taga-Betania ng mamahaling pabango para ibuhos sa Kanyang mga paa. 
Katunayan, sabi pa sa Ebanghelyo na si Hudas Iskariote ay isang magnanakaw pala
(Juan 12, 6). Tiyak na nalaman ng Panginoong Hesus ang lihim na ito ng alagad Niyang
ito. Marahil ay naitago ni Hudas Iskariote ang katotohanang ito mula sa iba pang mga
alagad at sa ibang tao, subalit hindi niya ito naitago mula sa Panginoong Hesus. Gaano
man kagaling magtago ng lihim sa iba ang isang tao, hindi niya ito kayang itago mula sa
Panginoon. 

Inihayag sa Unang Pagbasa ang kalooban ng Diyos. Ibang-iba ito sa nangyari sa


Ebanghelyo. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta
Isaias ang Kanyang kalooban. Sa Ebanghelyo, ibinunyag ni San Juan ang lihim ng isa sa
mga alagad ng Panginoong Hesus na si Hudas Iskariote. Maliwanag ang pagkakaiba ng
dalawang ito. Pinagsikapan ng isa na itago ang kanyang lihim habang inihayag naman ng
isa ang kanyang lihim na kalooban. Si Hudas Iskariote ay nagsikap na itago pa lalo ang
kanyang lihim nang sa gayon ay hindi siya mabisto ninuman. Inihayag naman ng
Panginoong Diyos sa Unang Pagbasa ang Kanyang kalooban. Ang Kanyang lihim na
kalooban ay Kanyang ibinunyag sa lahat sa pamamagitan ni propeta Isaias. Natupad ang
kalooban Niyang ito sa pamamagitan ni Kristo. 

Tayong lahat ay pinaalalahanan ngayong Lunes Santo. Wala tayong kayang ilihim mula
sa Panginoon. Gaano man tayo kagaling maglihim sa iba, hindi natin kayang maglihim sa
Diyos. Kilalang-kilala Niya tayo. Batid Niya ang tunay na laman ng ating mga puso, isipan,
at kalooban. 

Martes

Dalawang kaganapan sa salaysay ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo ang


inilarawan sa Ebanghelyo para sa Martes Santo. Katunayan, ang dalawang kaganapang
ito'y inilarawan mismo ni Kristo. Sa dalawang kaganapang ito na bahagi ng
napakahabang salaysay ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesus, tampok ang dalawa
sa Kanyang mga alagad. Ang dalawang kaganapang ito'y gawa ng dalawang alagad na
ito. Iyon ay walang iba kundi ang pagkakanulo ni Hudas Iskariote at ang tatlong ulit na
pagkakaila ni Apostol San Pedro. 

Kahit hindi pa naganap sa mga sandaling iyon ang dalawang bagay na ito, alam ng
Panginoon na talagang mangyayari ang dalawang ito. Kahit na sa mata ng ibang tao ay
walang katiyakan kung mangyayari ba ang dalawang ito, sigurado si Hesus na
mangyayari talaga ang dalawang bagay na ito. Alam rin Niya ang dalawang kaganapang
ito na magiging bahagi ng salaysay ng Kanyang Pasyon ay kagagawan ng dalawa sa
Kanyang mga alagad. Kahit wala pang konkretong ebidensiya sa mga sandaling iyon,
alam ni Hesus na mangyayari talaga iyon. 

Isa lamang ang ibig sabihin nito. Kilalang-kilala ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang
mga alagad. Kilala Niya ang Kanyang mga hinirang. Iyan ang totoo. Hindi natin
maipagkakaila ang katotohanang ito. Ang lahat ng lihim ng Kanyang mga lingkod ay
Kanyang kilala. Iyon ay dahil sa Kanyang pagka-Diyos. Walang lihim na hindi alam ng
Panginoon. Walang tayong maitatago sa Kanya. 
Sa Unang Pagbasa, inamin ng lingkod ng Diyos na si Israel ang kanyang mga kahinaan at
kabiguan (Isaias 49, 4). Hindi siya perpekto. Mayroong mga sandali o pagkakataon kung
saan siya'y pumapalpak o sumasablay. Mayroon ring mga pagkakataon kung saan siya'y
nagkakamali. Inamin naman ng lingkod ng Diyos na hindi siya perpekto. Alam ng Diyos na
mayroong mga kahinaan ang Kanyang lingkod na si Israel. Subalit, sa kabila nito, pinili pa
rin siya ng Panginoong Diyos upang maging Kanyang lingkod at bayan. 

Ang bawat isa sa atin ay kilalang-kilala ng Diyos. Alam ng Diyos ang ating mga kahinaan.
Alam Niyang mayroong mga pagkakataon sa ating buhay kung saan tayo'y nagkakamali,
pumapalpak, o sumasablay. Subalit, sa kabila ng mga hindi magandang katangian natin
bilang tao, patuloy tayong binibigyan ng Diyos ng pagkakataong maglingkod sa Kanya at
maging Kanya. 

Miyerkules

Sabi sa Ebanghelyo ni San Juan na batid ni Hesus ang nilalaman ng puso ng bawat tao
(2, 25). Isinulat ito ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo pagkatapos ng kanyang salaysay
tungkol sa paglilinis sa Templo. Walang makakalihim ng anumang bagay kay Kristo. Alam
ni Kristo ang lahat ng bagay tungkol sa bawat tao, lalung-lalo na ang mga itinatagong
lihim. Nalalaman Niya ang totoong nasa puso, isipan, at kalooban ng lahat ng tao. Walang
lihim na hindi Niya alam. Hindi kayang ilihim ng bawat tao mula sa Panginoon ang mga
tunay nilang layunin at hangarin. Alam ng ating Panginoon ang lahat ng iyon. Sabi nga,
"Ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak Mong nalalaman" (Salmo 139, 2). 

Ang kaganapang isinalaysay sa Ebanghelyo ay isa sa mga sandali kung saan ipinakita ng
Panginoong Hesukristo ang Kanyang kaalaman tungkol sa tunay na dala ng bawat tao sa
kanilang kaloob-looban. Ipinakita Niya na alam Niya ang tunay na layunin at binabalak ng
tao. Ito ang dahilan kung bakit Niya sinabihan si Hudas Iskariote at ang iba pang mga
alagad na hayaan nila si Maria na taga-Betania na nagbuhos ng mamahaling pabango sa
Kanyang mga paa (Juan 12, 7). Alam ni Hesus ang dahilan kung bakit bumili si Santa
Mariang taga-Betania ng mamahaling pabango para ibuhos sa Kanyang mga paa. 

Katunayan, sabi pa sa Ebanghelyo na si Hudas Iskariote ay isang magnanakaw pala


(Juan 12, 6). Tiyak na nalaman ng Panginoong Hesus ang lihim na ito ng alagad Niyang
ito. Marahil ay naitago ni Hudas Iskariote ang katotohanang ito mula sa iba pang mga
alagad at sa ibang tao, subalit hindi niya ito naitago mula sa Panginoong Hesus. Gaano
man kagaling magtago ng lihim sa iba ang isang tao, hindi niya ito kayang itago mula sa
Panginoon. 

Inihayag sa Unang Pagbasa ang kalooban ng Diyos. Ibang-iba ito sa nangyari sa


Ebanghelyo. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta
Isaias ang Kanyang kalooban. Sa Ebanghelyo, ibinunyag ni San Juan ang lihim ng isa sa
mga alagad ng Panginoong Hesus na si Hudas Iskariote. Maliwanag ang pagkakaiba ng
dalawang ito. Pinagsikapan ng isa na itago ang kanyang lihim habang inihayag naman ng
isa ang kanyang lihim na kalooban. Si Hudas Iskariote ay nagsikap na itago pa lalo ang
kanyang lihim nang sa gayon ay hindi siya mabisto ninuman. Inihayag naman ng
Panginoong Diyos sa Unang Pagbasa ang Kanyang kalooban. Ang Kanyang lihim na
kalooban ay Kanyang ibinunyag sa lahat sa pamamagitan ni propeta Isaias. Natupad ang
kalooban Niyang ito sa pamamagitan ni Kristo. 

Tayong lahat ay pinaalalahanan ngayong Lunes Santo. Wala tayong kayang ilihim mula
sa Panginoon. Gaano man tayo kagaling maglihim sa iba, hindi natin kayang maglihim sa
Diyos. Kilalang-kilala Niya tayo. Batid Niya ang tunay na laman ng ating mga puso, isipan,
at kalooban. 
Isa sa mga tawag sa Miyerkules Santo sa wikang Ingles ay Spy Wednesday. Sa araw na
ito, inaalala ng Simbahan ang pasiya ni Hudas Iskariote na ipagkanulo si Kristo.
Katunayan, ang Ebanghelyo para sa Miyerkules Santo ay tungkol sa pakikipagpulong ni
Hudas Iskariote sa mga kaaway ng Panginoong Hesukristo upang makipagsabwatan sa
kanila. Ang kanilang kasunduan ay ipagkakanulo ni Hudas si Kristo kapalit ng tatlumpung
prasong pilak. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag na Spy Wednesday ang araw na ito.
Isinalaysay sa Ebanghelyo ang dahilan kung bakit gayon ang tawag sa araw na ito. 

Madalas nating mapapanood sa maraming maaksyong pelikula o serye, noong araw man
o sa kasalukuyan, ang konsepto ng pag-eespiya. Ilang ulit na nating nakikita sa mga
nasabing pelikula at serye ang ginagawa ng mga espiya. Ang tungkulin o responsibilidad
ng mga espiya ay pasukin ang teritoryo o bakuran ng kalaban ng kanilang pangkat o
grupo upang makapulot sila ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kinikilos at
pinaplano ng kanilang kaaway. Kapag nakakuha na sila ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa kanilang kalaban, agad na ipinapaabot nila ito sa iba pang mga miyembro ng
kanilang samahan, lalo na ang kanilang pinuno. Nagiging undercover sila alang-alang sa
kanilang grupo. Sa pamamagitan ng pagiging undercover, tinutulungan nila ang iba pang
mga miyembro ng kanilang samahan. 

Katunayan, mayroon ding mga espiya sa Bibliya. Sa ika-13 kabanata ng aklat ng mga
Bilang, si Moises ay pumili at humirang ng labindalawang espiya upang libutin at saliksikin
ang lupain ng Canaan. Kalaunan, ginawa rin ito ng isa sa mga espiyang hinirang ni
Moises na si Josue. Humirang si Josue ng dalawang espiya upang manmanan ang Jerico
at maghanap ng butas sa nasabing bayan. Inatasan silang maghanap ng butas sa Jerico
upang mabuo ng isang stratehiya ang mga Israelita para sa pagsalakay at pagsakop sa
nasabing bayan. 

Hindi lalayo ang ginawa ni Hudas. Siya'y naging isang espiya. Iyon nga lamang, naging
espiya siya ng mga kaaway ni Hesus. Sabi nga sa Ebanghelyo na lagi siyang naghanap
ng pagkakataong ipagkanulo ang Panginoon matapos siyang makipagpulong at
makipagsabwatan sa Kanyang mga kaaway (Mateo 26, 16). Alam rin ng Panginoong
Hesukristo ang binabalak ni Hudas at ng Kanyang mga kaaway. Kahit nangyari ito nang
palihim, alam Niyag nangyari ito. Alam Niyang pinuntahan ni Hudas ang Kanyang mga
kaaway at nakipagsabwatan sa kanila.

Labis na nasaktan si Hesus nang malaman Niyang palihim na nakipagkita at


nakipagsabwatan si Hudas Iskariote, na isa pa naman sa Kanyang mga alagad, sa
Kanyang mga kaaway. Pero, alam rin ni Hesus na kailangan Niyang danasin ang mga
sinabi ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa. Si Hesus ay magtitiis ng maraming hirap at
sakit sa kamay ng Kanyang mga kaaway. Kahit alam Niyang kailangang mangyari ito,
masakit pa rin para sa Kanya na isa sa Kanyang mga pinagkakatiwalaan ay tutulong sa
Kanyang mga kaaway upang gawin ito. 

Si Hudas ay nagbigay ng kanyang "Oo." Iyon nga lamang, ibinigay niya ang kanyang "Oo"
sa mga kaaway ni Hesus. Ibinigay niya ang kanyang pahintulot na tulungan ang mga
kaaway ni Hesus sa pamamagitan ng pagiging isang espiya at pagtraydor sa Kanya. Ang
tanong para sa atin - kanino ba nating ibibigay nang buong puso ang ating "Oo"? 

You might also like