You are on page 1of 9

CANAR, Jenielyn L.

BEEd 2 - Class 2
I.Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag- unawa sa konsepto ng bansa.
B.Pamantayan sa Pagganap Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto.Isulat ang Code ng Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol sa kahalagahan
bawat kasanayan ng mga katangiang pisikal sa pag- unlad ng bansa.
AP4AAB-lj-13

Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang mga bata


ay;
a. Malaman ang mga epekto ng bawat kalamidad sa
mga tao.
b. Magkaroon ng sapat na kaisipan sa pag gawa ng
mga dapat at hindi dapat gawin tuwing may kalamidad.
c. Makatulong sa bawat taong nangangailangan ng
tulong.
Makaiwas sa epekto ng kalamidad at maging
handa sa bawat banta ng kalamidad.

II.NILALAMAN Mga mungkahi upang makaiwas sa masamang epekto


ng kalamidad
KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Litrato/larawan, pentelpen at real objects
Learning Resource
B.Iba pang Kagamitang Panturo http://www.ficec.jp/living/tagalog/15.html
III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at pagsisimula sa


bagong aralin

Hello mga bata! Naalala nyo pa ba yung huli nating


pinag-aralan sa asignaturang ito? - Opo titser!

Sige nga kung naalala nyo pa yung huling topic natin,


ano ito? -Titser ito po yung kung paano po nagkakaroon ng
kalamidad sa bansa natin.

Magaling!Dahil naalala nyo pa ang ating napag-


aralan noong nakaraan, tayo ay dadako na ngayon sa
panibagong aralin.

Ano ang nararamdaman nyo kapag nalalaman ninyo


na mayroong bagyo? -Natatakot po titser.

Ganon na nga. Kaya ngayon pag-aaralan natin kung


anu-ano ang mga kalamidad .
B.Paghahabi sa layunin ng aralin

Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, igugrupo


ko muna kayo sa apat upang mas maunawaan nyo ng
mabuti ang ating tatalakayin. -Sige po titser!

Ang bawat grupo ay maglabas ng malinis na papel o


kwaderno at lapis . Magsulat ng isa o dalawang
kalamidad na alam ninyo at pagkatapos ay
babanggitin ninyo isa-isa bawat grupo ang inyong
mga sagot. -Okay po titser!

C.Pag-uugnay sa layunin ng aralin

Ngayong tapos na kayong nagsulat ng inyong mga


sagot sa intong kwaderno o papel, mauuna ang unang
grupo na magbanggit ng kanilang mga sinulat na
sagot. -Ang sagot po namin ay ang pagguho po ng lupa at
baha.

Magaling! Susunod naman ang ikalawang grupo. -Kami po ang sagot po namin ay bagyo at baha.

Magaling! Susunod na ang ikatlong grupo. -Titser yung bagyo po tapos po lindol.

Magaling! At ang huling grupo? -Ganon din po sa ibang sagot tiser, bagyo po at lindol.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Mayroon ako ritong maliit na kahon at ito ay


naglalaman ng mga larawan ng mga kalamidad na
ating tatalakayin ngayong araw. Handa na ba kayong
matuto at makinig mga bata? -Opo titser, handa na po kami!

Ang unang larawan ay

Ano ito mga bata? -Baha po titser!

Tama! May ideya ba kayo mga bata kung bakit


nagkakaroon ng baha? -Minsan po titser dahil po barado po ang mga daluyin
ng tubig.

-Malakas po yung ulan titser.

Tama mga bata. Ang baha ay labis na pag apaw ng


tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang
lupa. Sanhi nito ang mga baradong daluyan ng tubig
kung kaya’t hindi nakakadaloy ng maayos ang tubig
kaya nagkakaroon ng baha.

Dumako naman tayo sa ikalawang larawan.

Ano ito mga bata? -Gumuhong gusali po titser!

Ano sa tingin nyo ang dahilan kung bakit gumuho


yung gusali sa picture? -Dahil po sa malakas na lindol titser!

Tama. Ang lindol ang malakas na pag galaw ng lupa


na kung saan maraming bahay o gusali nag
natutumba at marami ring tao ang namamatay.

Ang ikatlong larawan

Ano ito mga bata? -Mga sira-sirang bahay po titser!

Tumpak! Ano naman sa tingin nyo ang dahilan kung


bakit nagkanda sira-sira yung mga bahay sa ikatlong
larawan? -Dahil po sa malalakas na ulan at hangin titser tapos po
sa baha.

Kapag may malalakas na hangin at ulan mga bata ano


sa tingin ninyo ang kalamidad na ito? -Bagyo po titser!

Tama! Ang bagyo ay isang sinstema ng klema na


may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang
sentro ng mababang lugar.

Dumako naman tayo sa huling larawan.

Ano ito mga bata? -Gumuhong lupa po titser!

Tama. Ang tawag dito ay landslide. Ang landslide ay


ang pagbaba ng lupa o bato at ibang mga bagay na
nagmula sa mataas na lugar dahil sa gravity.

Ngayon, natapos na tayo sa kalamidad. Dumako


naman tayo sa kung paano tayo makakaiwas epekto
ng mga kalamidad.
Paano nga ba tayo makakaiwas sa kapamidad o
paano nga ba tayo makakaiwas sa epekto ng mga
kalamidad? -Titser para po hindi na magkaroon ng baha, matuto po
dapat tayong magtapon ng mga basura natin sa tamang
basurahan para po hindi maging barado ang mga
daluyan ng tubig.

-Kapag po may bagyo titser tapos po nasa mababang


lugar po nakatira dapat po umalis na po doon kaagad
baka po magkaroon ng landslide.

-Kapag po may nabalitang bagyo titser lumikas na po


agad tapos po magdala na po ng mga mahahalagang
gamit.

Tama mga bata! Mga mahuhusay! Gaya nga ng mga


nasabi nyo, kapag alam natin may paparating na
kalamidad ay dapat tayong maging handa uoang
makaiwas tayo rito. Kailangan din nating kumuha ng
isang bag na pwedeng lalagyan ng mahahalagang
gamit katulod nalang ng mga halimbawa ko rito.

Ano ito mga bata? -Alcohol po titser!

Tama!

Ito? Ano naman ito? -Flashlight po titser!

Tama!

Ano naman ito? -Mga gamot po titser!

Para saan ang gamot mga bata? -Kapag po mayroong tao na may sakit titser!

Tama. Ang gamot ay iniinom ng mga may sakit pero


bakit nga ba kailangan mayroon tayong dalang gamot
kapag lumilikas tayo? Dahil kapag may nagkasakit
tayo sa oras ng kalamidad ay may magagamit tayo.

Dumako naman tayo sa susunod na larawan.

Ano ito sa tingin ninyo mga bata? -Yung nilalagay po titser sa maliliit na sugat po.

Korek. Ang tawag dyan ay band aid. Kailangan din


natin magdala ng band aid kapag lilikas tayo tuwing
may kalamidad para kapag may nasugatan saatin ay
mayroon tayong magmit at para makaiwas na rin sa
kung ano mang posibleng inpeksyon.

Ngayon mga bata, ano naman ang nakikita ninyo sa


larawan? -Mga noodless po titser tapos mga sardinas at cornbeef.

Tama. Isa ito sa pinakamahalagang kailangan natin


kapag lumilikas tayo lalo na kapag bagyo upang may
pansamantala tayong makain.

Ang huling larawan ay

First aid kit. Isa rin ito sa pinakamahalagang


kailangan natin sa oras ngpaglikas tuwing may
kalamidad dahil may mga sitwasyong hindi na tayo
nakakapunta ng hospital magpagamot dahil na rin sa
kalamidad kung kaya’t nararapat lang na meron
tayong first aid kit. Ang gamot, alcohol at band aid
ay kasama na rin dito sa ating first aid kit.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #2

Ngayon, igugrupo ko kayo ulit sa dalawa at bibigyan


ko ang bawat grupo ng kani-kanilang gawain. -Okay po titser.

Ibibigay ko sa unang grupo ang larawang ito.

Sa isang malinis na papel, isusulat ninyo kung ano


ang pangalan ng nasa larawan at kung ano ang gamit
nito. -Sige po titser!
At sa ikalawang grupo naman ay ang larawang ito.

Gaya ng sinabi ko sa unang grupo, sa isang malinis


na papel isusulat ninyo kung ano ang pangalan ng
nasa larawan at kung ano ang gamit nito. -Sige po titser!

Nakuha nyo ba mga bata? Naintindihan at alam nyo


na ba ang inyong gagawin? -Opo titser!

Handa na ba kayong gumawa ng inyong gawain mga


bata? -Opo titser, handa na po kami!

F.Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

Ngayon mayroon ako ritong nakahandang tsart na


kung saan makikita ninyo ulit iyong mga larawan ng
kalamidad na ating natalakay kanina.

Piliin ang sagot ng hanay A sa hanay B. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.

A.

____1.) a.) landslide

____2.) b.) baha

____3.) c.) lindol

G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na


buhay

Mga bata, naranasan nyo na bang mabaha, makakita


ng gumuhong lupa o makaranas ng malakas na
bagyo? -Opo titser!

-Ako po titser nakita ko po yung balita sa tv na may


gumuhong lupa.

-Ako naman po titser yung malakas po na bagyo


nakakatakot po kasi po ang lakas po ng hangin.

Sa ating napag-aralan, ano sa tingin ninyo ang


mabisang gawin upang tayo ay makaiwas sa
masamang epekto ng kalamidad? -Maging maingat po titser sa lahat ng gagawin natin
kase po lahat po ng ginagawa natin ay may maidudulot
sa atin kaso hindi po natin alam kung mabuti o masama
po ang dulot nito sa atin.

Napakahusay! Kailangang isipin muna natin ang


ating mga gagawin at alamin kung ano nga ba ang
magiging epekto nito saatin kapag ginawa natin ito.
Katulad na lamang ang pagtatapon ng basura sa kung
saan-saan. Dahil dito nagiging barado ang mga
daluyan ng tubig tuwing may malakas na ulan kung
kaya’y nagkakaroon ng baha.

Ano naman ngayon ang ating dapat gawin upang


maging handa sa bawat banta ng kalamidad? -Manood po ng balita titser!

-Makinig po ng balita sa radyo titser!

Tama! Ano naman ang ating dapat gawin o dalhin


upang maging handa tayo sa paglikas tuwing may
kalamidad? -Magdala po ng mahahalagang gamit titser!

Katulad ng anong gamit? Magbigay ng ilang


halimbawa. -Gamot po!

-Mga pagkain titser!

-Alcohol po tapos po flashlight!

-First aid kit po titser!

Napakahuhusay! Dapat lagi tayong handa may


kalamidad man o wala at dapat mayroon na tayong
mga mahahalagang gamit tulad ng mga pagkain at
first aid kit na nakahanda sa ating bag upang tayo ay
handa na kapag may paparating na kalamidad.

Ano naman ang pinakamahalaga at pinakamabisang


paraan na paghahanda may kalamidad man o wala? -Pagdadasal!

Tama! Ito ang huwag nating kakalimutan araw-araw,


may kalamidad man o wala. Lagi nating ipanalangin
na ilayo tayo sa kung ano mang sakuna o kalamidad
at huwag tayong pababayaan araw-araw.

H.Paglalahat ng aralin

Tungkol saan na ulit yung napag-aralan natin


ngayong araw mga bata? -Bagyo po titser!
Add your text here

-Baha po tapos po sa pagguho ng lupa titser!

-Lindol po titser!

-Mga kalamidad po titser!

-Mga kailangan pong dalhin at gawin titser kapag po


may kalamidad.

-Mga paraan po titser para makaiwas sa epekto ng


kalamidad.

Mahuhusay! Ipapaalala ko ulit sainyo mga bata na


kailangan nating maging handa palagi sa mga sakuna
o kalamidad at huwag na huwag natin kakalimutang
magdasal palagi.

I.Pagtataya ng aralin

A. Tukuyin kung ano ang nasa larawan. Hanapin ang


tamang sagot sa kahon at ilagay sa patlang.

Flashlight Baha Landslide

Lindol First aid kit Bagyo

Canned goods

____1.)

____2.)

____3.)

____4.)
____5.)

____6.)

____7.)

B. Magbigay ng tatlong paraan upang makaiwas sa epekto


ng kalamidad.

1.)
2.)
3.)

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at


remediation

Gumawa ng dalawang saknong na tula tungkol sa


mga kalamidad.

You might also like