You are on page 1of 5

SDO CALOOCAN: SA GUHIT NG PAG-ASA SA BAGONG NORMAL

PROMOTIONAL VIDEO
SCRIPT

VIDEO AUDIO

FADE IN PAKIKIISA…

PAGTUTULUNGAN…

PAGDADAMAYAN…

WALANG IWANAN …

LUBOS PUSONG PINAGHANDAAN NG SDO-

CALOOCAN ANG PAGHARAP AT PAGSALUBONG SA

BAGONG NORMAL.

LAYUNIN NG DIBISYON SA MALAWAKANG

PAGHAHANDA NA WALANG MAIIWANG MAG-AARAL

SA CALOOCAN SA PAMAMAGITAN NG PAGHAHATID

NG EDUKASYON SA TAHANAN.

AT UPANG MATUGUNAN ANG PRODUKTIBONG

LAYUNIN NA ITO, NAGKAISA ANG SDO CALOOCAN

SA PANGUNGUNA NG MAPAGMAHAL AT
NAPAKASIPAG NA SCHOOLS DIVISION

SUPERINTENDENT, DR. NERISSA L. LOSARIA,

KATUWANG ANG MGA ASSISTANT SCHOOLS

DIVISION SUPERINTENDENT NA SINA DR.

FLORDELIZA D. PEREYRA AT DR. DIOSDADO S.

MEDINA.

PRIYORIDAD NG DIBISYON NA MAKAPAGHANDA NG

MODYUL NA MAKAKATUGON SA

PANGANGAILANGAN NG MGA BATANG CALOOCAN

NA MAABOT AT MAKAKAMIT ANG MINIMITHIING

PANGARAP SA BUHAY.

UPANG MAGING MAAYOS AT MATAGUMPAY ANG

NILALAMAN NG MGA MODYUL, ISINAAYOS SA

MALAWAKANG PAGSASANAY ANG MGA

MANUNULAT BAGO HARAPIN ANG PAGHAMON NA

TUMUTUGON SA DEDIKASYON SA PAGHAHANDA

AT PAGMAMAHAL SA SINUMPAANG TUNGKULIN. SA

PROSESO NG PAGSULAT AT PAGLALATAG NG IBA’T

IBANG ISTRATEHIYA SA MGA ANGKOP NA GAWAIN

HANGGANG SA PAGGAWA NG ILUSTRASYON AT

TAMANG PAGDIDISENYO NG MODYUL AY

NAGLALAMAN NG ANGKOP NA PAGGAMIT NG WIKA


SA IBA’T IBANG LARANG AT DISIPLINA.

SA HUMIGIT KUMULANG NA APAT NA BUWAN AT

PATULUYANG PAGPAPLANO SA PAGSULAT NG

MODYUL MULA KINDER HANGGANG SHS, ANG

MASISIPAG NA PILING MGA GURONG MANUNULAT

AT VALIDATOR AY SINIKAP NA MAKABUO NG

KAGAMITANG MAGAGAMIT SA MALINAW AT

MAAYOS NA PAGKATUTO.

ANG MGA LEARNING MATERIALS NA INIHANDA NG

DIBISYON AY SISTEMATIKONG NAKABATAY SA

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES O

(MELCS) NA KINAKAILANGANG MATUTUHAN NG

MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG COVID 19.

TINIYAK AT SINIGURADO NG MGA MASISIPAG NA

GURONG MANUNULAT NG CALOOCAN NA ANG

NILIKHANG MODYUL AY LOCALIZED – NA SADYANG

MADALING MAUNAWAAN AT ANGKOP SA INTERES.

GAYUNDIN SA KINAKAHARAP NA KALAGAYAN NG

MGA MAG-AARAL SA KASALUKUYAN.

SA PROSESO NG PAMAMAHAGI NG MGA MODYUL,

LUBOS NA PINAGHANDAAN NG SDO-CALOOCAN NA


MAIHATID NANG MAAYOS ANG MGA ITO SA MGA

MAGULANG AT MAG-AARAL. HINDI MAGIGING

BALAKID ANG PANDEMYANG ITO UPANG

MAIPAGPATULOY ANG HANGARING MAKAPAG-

ARAL AT MAKAMIT ANG MGA PANGARAP SA

BUHAY.

SA MALIKHAING MISYON NG DIBISYON SA

PANAHONG ITO, SINISIGURADO NG SDO-

CALOOCAN NA ANG PAGHAHATID SA MGA MAG-

AARAL NA NAKATIRA SA SEMENTERYO, ILALIM NG

TULAY, GILID NG RILES, AT SA MGA WALANG

TAHANAN NA MAG-AARAL AY MAIHAHATID ANG

MGA KAGAMITAN KATULAD NG MODYUL NA

MAGIGING SANDATA NILA SA MINIMITHING

SIMULAIN SA BUBUOING PANGARAP SA

HINAHARAP.
SINIGURADO SA MAAYOS AT MALINAW NA PLANO

NG DIBISYON NA ANG PAGHAHATID KAALAMAN SA

MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO NG MGA ARALIN

AY PINAGHANDAAN UPANG MAABOT ANG

KINAKAILANGAN NILANG KAALAMAN SA PANAHON

NG PANDEMYA.
ANG TELEBISYON AT RADYO AY ISA SA MGA

PANGUNAHING MIDYUM UPANG MAIHATID SA


LAHAT NG MGA BATANG CALOOCAN ANG MGA

KAILANGAN NILANG MATUTUHAN SA KANILANG

PAG-AARAL. HINDI NAUUBUSAN NG IBA’T IBANG

PAMAMARAAN ANG SDO-CALOOCAN UPANG

MAIHANDA SILA SA MAAYOS NA PAG-AARAL

NGAYONG TAONG-PANURUAN.
PATULOY NA NAGHAHANDA ANG DIBISYON

NG CALOOCAN UPANG MATUGUNAN ANG IISANG

ADHIKAIN SA LARANGAN NG EDUKASYON SA

PANAHON NG PANDEMYA AT ITO AY ANG “

WALANG BATANG MAIIWAN SA CALOOCAN”

You might also like