You are on page 1of 2

Lourdios J.

Edullantes bsa-2 asignatura sa Filipino

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat
na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa
ring dapat na piliting maabot.

Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral
tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano
mabuhay ng maayos.

Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com

Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung
ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang
buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.

Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating
pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat
lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito.

At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya
sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang
bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”.
Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin
ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga
ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

Mula sa Edukasyon.wordpress.com

Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa

Edukasyon…susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi makukuhalalong-lalo ng hindi
mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo. to ay pinakaimportante o pinakamahalagang bagay
para magtagumpay sa ating mga buhay.

Anu-ano ang kahalagan ngedukasyon para makatulong sa ating bayan! Paano makakamit ang tamang
edukasyon! Paanomakakatulong ang edukasyon sa ating buhay!

Ang kahalagahan ng edukasyon para makatulong sa ating bayan ” halimbawa sa isangkomunidad iilan
lamang ang may alam tapos ang karamihan ay walang pinag-aralan” mahalagatalaga ang edukasyon
para umunlad ang ating bayan. #akakamit ang tamang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti.

Sanaysay ni Yolanda Panimbaan

Reference: https://philnews.ph/2020/02/20/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon-halimbawa-ng-sanaysay/

You might also like