Professional Documents
Culture Documents
Filipino6 Q1 Mod4 Magalang Na Pananalita Version3
Filipino6 Q1 Mod4 Magalang Na Pananalita Version3
HINDI IPINAGBIBILI 6
Filipino
Kuwarter 1-Modyul 4, Linggo 4:
Magalang na Pananalita
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Pahina
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 8
Isagawa 8
Notes to the Teacher
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 10
Sanggunian 12
Aralin
1 Magalang na Pananalita
Alamin
Magandang Araw! Handa ka na bang matuto? Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-
aaral sa Filipino! Kagigiliwan mo ngayon ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, ika-
apat na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang linggo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Pamantayan sa Pagganap:
1. Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasaadula ang isang paksa
mula sa tekstong napakinggan.
Kasanayang Pampagkatuto:
Panuto 1: Unawain at sagutin ang mga tanong sa sumusunod na pagungusap. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.
____1. Si Sophia ay mahilig sa matatamis at minsan lang kung magsipilyo. Ano kaya ang
pwedeng mangyari sa kanya?
a. tataba c. sasakit ang ngipin
b. magkakaroon ng diabitis d. gaganda ang boses
____2. Ang magkapatid na Vergara ay sikat sa kanilang paaralan at paborito ng kanilang
mga guro. Bakit kaya kilala ang magkapatid sa kanilang paralan?
a. mayaman c. guwapo
b. maangas at kinatatakutan d. talentado at magalang
____3. Sa baryo San Antonio ay napapabalitang nahuhuli o nakikita ang mga ahas sa mga
kabahayan. Ano kaya ang dahilan ng pagkakahuli ng mga ahas?
a. nasira na ang kanilang tahanan c. maraming pagkain sa kabahayan
b. naghahanap ng pagkain. d. naglalaro ito sa loob ng bahay
___4. Binilhan ka nang iyong tatay ng dalawang lobo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Bakit dalawa lang? c. Ayoko niyan!
b. Maraming salamat po. d. Hindi ko gusto ang kulay.
____5. Pupunta ang iyong ate sa palengke. Ano ang iyong sasabihin?
a. Paalam! Mag-iingat ka c. Huwag ka ng umuwi ate
b. Bumili ka nga ng mansanas. d. Sasama ako sa iyo
____6. Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa taong iyong
pinaghiraman?
a. Pasensya na. Hindi ko sinasadya c. Itapon mo na yan
b. Bakit mabilis mabali ang lapis mo? d. Ang ganda ng nabali mong lapis
____7. Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot
mo sa kanya?
a. Hindi na kita bibigyan ulit. c. Gusto mo pa bang kumain
b. Bayaran mo yan mamaya d. Walang Anuman
Panuto 2: Buuin ang pangungusap. Piliin ang titik ng angkop na salita sa ibaba.
____8. Ang pangalan ko ay Karina. ____________________ ang presidente ng Dance Club
sa aming paaralan.
a. ako b. siya c. sila d. amin
____9. Sina Jessica at Paula ay magaling magsayaw. ____________________ ay sasali sa
Dance Club ngayong taon.
a. ako b. sila c. siya d. naming
____10. “Jessica, ikaw at ako ay dapat na mag-ensayo. ____________________ ay mag-
aaudition para sa Dance Club mamayang hapon,” ang paalala ni Paula sa kanyang
kaibigan.
a. Ako b. siya c. Sila d. tayo
2
Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga sumunod na
katanungan.
Mga Tanong:
Tuklasin
Panuto: Basahin ang kwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo
ang mga sumunod na tanong.
3
baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose sa
kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa
lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? tanong ni Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay Lorna kay Jose.
“Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng masiglang bata sa may-ari ng
tindahan.
“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?” tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng
mantika, suka at toyo.” “magkano po lahat?” tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse
pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting
tindero.
”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman,Jose!”
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si Aling Helen na
kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang
pinabili ninyo para hindi na kayo napagod.”
“Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian. O di ba may
pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako
nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing
titigil sa paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,” ang kaniyang bati sa
kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng
araw. Pasukan na natin bukas. Sige ka ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis, mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na
abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil
nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa
kaniyang puso. Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang
nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor.
Mga Tanong:
1. Anong katangian meron ang ating pangunahing tauhan?
2. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
3. Anong uri na kaibigan si Jose kay Ben?
4. Ano naman siyang uring anak sa kanyang magulang?
5. Kung ikukumpara natin si Jose sa kabataan ngayon. Ano ang pinagkaiba?
4
Suriin
1. Balikan ang kwentong “Si Jose ang Batang Magalang”. Mula sa nabasang kwento, ibigay
ang mga sumusunod at isulat sa sagutang papel
a. Mga panghalip panao na ginamit sa kuwento.
b. Mga magagalang na pananalita na ginamit sa kuwento.
2. Kung sakaling hindi sumunod si Jose sa utos ng kanyang ina at sumama sa kaibigang si
Ben sa pagbibisiklita. Ano ang mangyayari?
3. Anu-ano ang may salungguhit na mga salita sa mga pangungusap?
4. Ano ang kahulugan ng bawat isa?
5. Ano ang iyong pinagbatayan ng pagpapakahulugan sa mga ito?
Pagtatalakay
5
pangungusap
II.Kaukulang Paari
Panghalip na Panao na nasa Kaukulang Paari - ito ay ginagamit na pamalit sa mga
pangngalang nag-aari.
Pagyamanin
Gawain I
Panuto: Ibigay ang angkop na wakas ng bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. May exam si Cara sa susunod na lingo. Tuwing gabi ay naglalaan siya ng dalawang
oras para mag-aaral. Kumakain siya ng mga masustansyang pagkain at natutulong
ng maaga.
2. Overweight ang anak ni Mang Kaloy. Mahilig naman magluto ng matatamis ang
kanyang asawa.
3. Laki sa layaw ang magkapatid na Diane ay Trixie. Nang maaksidente ang kanilang
mga magulang ay tumira sila sa kanilang kamag-anak sa probinsya.
4. Inutusan si Tina ng kanyang ina maglaba. Dumaan ang kanyang mga pinsan na
maliligo sa ilog. Dahil sa hindi pa siya nakakaligo ay sumama siya.
5. May mahabang buhok si Rachell. Hindi siya mahilig maligo at kalimitang nakabilad
sa araw sa paglalaro.
Gawain II
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung alin dito ang gumagamit ng
magagalang na pananlita sa pamamagitan ng paglalagay ng (√) tsek kung Oo at (X) ekis
kung Hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
6
______10.”Bayad po.”
Gawain III
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at hanapin ang tamang kahulugan nga
sinalungguhitang salita.
1. Binabagtas ng delivery van ang bayan ng Baroy at Tubod upang maibigay ang relief
goods.
a. linalaktawan b. iniiwan c. dinadaanan d. iniikotan
2. Ang mga produktong ginagawa ng mga etnikong Bagobo ay iisa lamang at walang
kapara.
a. kapareho b. kulay c. sira d. halaga
Gawain IV
Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1.Si Aling Lorna ay butihing ina. (Ako, Siya, Ikaw) ay may tatlong anak.
2. Maaga pa ay handa na sa pagpasok sina Ela, Mario at Rey. (Sila, Kami, Tayo) ang mga
anak ni Aling Lorna.
3. Maging ang mga kapitbahay ay natutuwa sa (nila, kanila, siya).
4. “(Ako, Kami, Siya) ang pinakamatanda sa aming magkakapatid,” ang wika ni Ela.
5. “(Siya, Kami, Sila) ay tumutulong sa mga gawaing-bahay,” ang sabay-sabay na wika ng
mga anak.
Isaisip
7
sa pangngalan ng nagmamay-ari. At ang panghuli ay ang kaukulang _______ para sa
panghalip na ginagamit bilang pinaglalaanan sa pangungusap.
Isagawa
Sumulat ng isang kuwento gamit ang komik istrip na nagpapakita nang paggalang sa
mga nakakatanda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tayahin
Gawain I
Panuto: Unawain at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Pagod sa kakalinis ng bahay ang ina. Pagdating ng hapon umuwi ang kanyang mga anak
na galing sa paglalaro buong araw. Ano ang magiging reaksyon ng ina?
a. magagalit c. matutuwa
b. mahihiya d. madidismaya
2. Bata pa lang adik na sa gadgets ang bunsong anak ni Mang Marlon. Ano ang maaaring
mangyari sa kanyang mata katagalan?
a. matalino c. di mautusan
b. nasira ang mata d. nagkasakit
Gawain II
Panuto: Punan ang patlang. Isulat ang tiitk ng tamang sagot.
1. Ako si Andrea Salome. Sikat ____ sa paaralan dahil sa aking ganda.
a. ako b. siya c. ko d. sila
2. Abala ang mag-anak sa paparating na piyesta kaya naman pagod na ____ sa buong
maghapong ginawa.
a. kami b. sila c. tayo d. kayo
3. Alice, ___ ba ang boyfriend mo? Pakilala mo naman ___ sa ___.
a. ako, siya, kanya c. siya, ako, kanya
8
b. kanya, ako siya d. kami, siya, kayo
Gawain III
Panuto: Basahin ang pangungusap at ibigay ang kahulugan ng sinalungguhitang salita.
Isulat ang tamang sagot sa inyong papel.
1. Hindi magaslaw at pino sa pagkilos si Kang kaya ang tawag sa kanya ay "di-
makabasag-pinggan."
(Tamad, mahinhin, mabuti, mabigat)
2. Nang tinanggap ni Kang ang pag-ibig ni Laon ay itinakda na ang kanilang "pag-
iisang-dibdib, pagtataling-puso, o mahabang-dulang."
(pagkakaibigan, pagkakatipan, kasalan, handaan)
3. "Hindi magkamayaw" ang lahat ng mamamayan upang tumulong at maihanda ang
masaganang pagkain at inumin sa piging nang maitakda ang pagtataling-puso ng
magkasintahan.
(abalang-abala, pagod na pagod, galit na galit, gutom na gutom)
4. "Nagngangalit ang bagang" ni Datu Dungadong nang malaman niyang
magpapakasal sa iba si Kang at hindi sa kanya.
(ngipin ay masakit, umiiyak sa sakit, nasasaktang lubos, galit na galit)
5. Nalungkot ang lahat nang "bawian ng buhay" ang butihing Datu Kamion, Kang, at
DatuLaon.
(lumaban sa kaaway, lumisan sa barangay, mamatay, magkasakit)
Gawain IV
Panuto: Gumawa ng isang liham gamit ang magagalang na pananalita.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa kuwentong pinamagatang Ang Kuneho At
Ang Pagong. Isang kuwentong pabula hango sa The Tortoise and the Hare ni Aesop.
9
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa tuktok ng bulubunduking
iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto
niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si Matsing ang nagbilang para sa pag-
uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!. takbo", sigaw ni Matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan.
Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na
siya sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang
agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang
pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya
ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa
kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis,
ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal
nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa
marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na
natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad
hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Nang magising naman si
kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong.
Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat
niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa tuktok ng bundok. Naunahan na pala siya.
I. Mga Tanong:
1. Anong katangian meron sina Pagong at Kuneho?
2. Ano ang dahilan bakit hinamon ni Pagong si kuneho magkarera?
3. Bakit natalo sa karera si Kuneho?
4. Anong meron kay Pagong na wala kay Kuneho?
5. Anong aral ang makukuha sa kuwento?
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-kuneho-at-ang-pagong-pabula.html
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJYVRjeGdHOXpuZXc/view
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJdDA5VktrM1FBaTg/view
https://depedclub.com/short-stories-download-reference-materials/
Landas sa Wika 6, pp 3-
11
Para sa karagdagang katanungan, maaaring sumulat o tumawag: