You are on page 1of 2

IKALAWANG PAGBASA

Mula sa treatise ukol kay Juan ni San Agustin, obispo


(Disc. 32, 9)

Sa pamamagitan ng pag-ibig, ihiwalay natin ang ating mga sarili


sa mundong ito at ihugpong natin ang ating tahanan sa langit

Upang malaman ninyo na tumutukoy sa Espiritu Santo ang pag-ibig na aming pinag-
uusapan (sapagkat may kinalaman sa Espiritu Santo ang usapin ngayon sa Ebanghelyo),
pakinggan ang apostol kapag kanyang sinabi: Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa,
sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu
Santo na ipinagkaloob na sa atin (Ro 5:5).
Sa pagkakitang lubus-lubusan ang mga pakinabang ng Espiritu sa atin sapagkat
ibinuhos ang pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso, niloob ng Diyos na ipagkaloob sa atin ang
Espiritung ito pagtapos ng muling pagkabuhay. Bakit niya tayo ibig turuan sa pamamagitan
nito? Upang sa ating muling pagkabuhay, mapag-alab ang ating pag-ibig at nang
maihiwalay natin ang ating mga sarili mula sa pag-ibig ng sanlibutan at ganap na tumakbo
tungo sa Diyos. Sapagkat dito’y isinisilang tayo’t namamatay, kaya huwag nating ibigin ang
buhay na ito kundi pumunta tayo’t manahan sa ittas sa pamamagitan ng pag-ibig na ating
minamahal ang Diyos.
Sa panandalian nating paglaagi sa ating buhay, huwag tayong magnilay sa anupamang
bagay, kundi dito hindi tayo mananatili, at sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay
makapaghahanda tayo para sa ating mga sarili ng isang lugar doon, kung saan hindi na tayo
lilipat. Sapagkat ang ating Panginoong Jesu-Cristo, pagkaraang nabuhay na siyang muli, ay
hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan (Ro 6:9),
tulad ng sinasabi ng apostol.
Masdan ang dapat nating ibigin. Kung nabubuhay tayo, kung nananalig tayo sa kanya na
muling nabuhay, ibibigay niya sa atin, hindi ang iniibig ng mga taong makamundo, hindi
mga kayamanang panlupa at panandalian, hindi mga karangalan at mga kapangyarihan sa
daigdig na ito, sapagkat nakikita ninyong lahat ng mga itong ibinibigay sa masasamang tao,
upang hindi lubos na pahalagahan ang mga ito ng mabubuting tao.
Hindi rin naman mismo ang kalusugan ng katawan, bagaman siya rin ang nagkakaloob
nito, sapagkat kung makikita ninyo, ibinibigay niya rin ito maging sa mga hayop. Hindi
mahabang buhay, sapagkat ano ba talaga ang mahaba na balang araw may katapusan?
Hindi ang haba ng buhay na makabuluhan na ipinangako niya sa mga mananampalataya sa
kanya na wari bang napakadakilang bagay, o katandaan, na inaasam-asam ng lahat bago ito
dumating, at idinadaing ng lahat kapag sumapit na ito; hindi ang kagandahan ng isang tao,
na inaalis ng pagkakasakit o yaon ngang inaasam-asam na katandaan. Hinahangad ng
sinuman na maging maganda, at mabuhay hanggang sa katandaan: hindi nagkakasundo ang
dalawang pagnanasang ito sa isa’t isa; kung tatanda ka, hindi ka magiging maganda; kapag
sumapit ang katandaan, lalayas ang kagandahan; hindi makapananahang magkasama sa
isang katawan ang sigla ng kagandahan at ang pagdaing ng katandaan.
Ano ang ipinangako niya sa atin? Hindi lahat ng mga bagay na ito na nabanggit,
sapagkat sinasabi niya: Ang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Mula sa puso ng
nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay (Jn 7:37-38).
Ipinangako niya sa atin ang buhay na walang hanggan, na wala na tayong katatakutan,
na hindi na tayo mababagabag, kung saan hindi na natin kailangang lumipat o umalis sa
ating kinaroroonan, na hindi na tayo mamamatay; ni wala nang pagdadalamhati para sa
kamatayan ng isang nauna sa atin, ni ang pag-aasam sa papalit sa atin. Alinsunod dito,
sapagkat gayon ang ipinangako niya sa ating mga nagmamahal sa kanya, at nagliliwanag sa
pag-ibig ng Espiritu Santo, sa gayon hindi niya ipagkakaloob ang Espiritu ring ito hanggang
hindi pa siya naluluwalhati, upang maipakita niya sa kanyang katawan ang buhay na hindi
pa natin taglay ngayon, ngunit inaasam-asam natin sa muling pagkabuhay.

You might also like