You are on page 1of 28
BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino Dante L. “Ambrosio Apstract Various Philippine cultures have long ago formed their own map of the sky by organizing the stars into constellations. They have, thus, clairaed the sky as their own and put their ow distinctive marks on :t, As they made she sky part of their culture, tin turn, influenced che way they think, act and live. Thoug he colonial interlude brought changes to Philippine cultures, their high regarc for the sky and the stars sernained, reinforced and enriched by colonial experience Balatik anci Moroporo are two of the note prominent star groups in the Philippine sky. Phil ppine cultures have myths that explain the presence of these stars in the sky and their functions in their lives. They consult them as they go on with their everyday mining the propitious t:mes for planting, fishing and hunting, Together with the sun and the moon, the stars serve as symbols for ideals and values that these 2ultures hold on vo lives as in det K™ tumingala sa langit ang mga sinavnang Pilipino, hindi amang, basta langit ang kanilang nakikita. Nakikita nila ang sariling kabihasnan dito, lalot mga bituin ang pag-uusapan. Gaya ng ibang kultura, itinatak nila sa langit ang kanilang kakanyahan. Inangkin din nila ang langit. Naging isang saligan ico ng kanilang pagiisip, pagkilos ac pamumehay. May nabuo silang satiling kabang-yaman ng mga pananaw, paniniwala, kealaman at kaugalian kaugnay ng kalangitan. Sa maagang bahagi ng bubay ng tao. nakilala nila ang mga biyaya at pinsalang hatid ng langit bilang bahagi ng likas na 2 Prive ve Sociat Scignces Review / Vet. 57 Nos.1-4 2005 kapaligiran. Dito sa langit nasilayan ila ang araw, buwan at bituin na nagbigay ng liwanag at rikit sa sanlibutan, araw man o gabi. Sumunod at sumab: ang indayog ng kanilang buhay sa ritmo ag pagsiker at paglubog ng aw, sa tiyak at regular na pagpapalit 1g mukha ng buwan, ar sa panahunang paglitaw ng mga bicuin. Noon lamang 1982 ko natuklasan na may saciling bicuin ang mga Pilipino, Noon ko nabasa ang kuwento ni Magbangal ng mga Bukidnon (Cole, 1956). Dati ko nang alain ang Tationg Maria, Supot ni Hudas, Krus na Bituin at Koronang init ng mga Tagalog na itinuro sa akin ng lola ko. Neunit mga bitu ng Xristiyane ito na hindi ko gaanong pinahalagahan. Pero nang mabatid ke ang mga bituin ng mga Teduray ng Cotabato na dinumbasan pa ni Schlegel noong 1987 ng mga pangalan mula sa modernong astronomiya, lalo kong natiyak: may sariling bicuin ang mga Pilipino! Noon nabuhay ang aking interes sa katucubong kaalaman ukol sa kalangitan at sa impluwensya nito sa buhay ng tao. Tinatawag ngayon ang pag-aaral na ito na etnoastronomiya, ang pag-aaral ng kabihasnan sa astronomiya Para sa historyador, may tanging kahalagahen ang ganitong pag- aaral. Bahagi ito ng pagsusuri sa katutubong pananaw sa mundo at sa batayan rg pag-iisip, pagkilos, at pamumuhay ng tao. Sa ibang salita, bahagi ito ng pag-aaral ng kakanyahan karmalayan, kabihasnan at kasaysayang Pilipino. Hindi lamang sa pagsilip sa dokumento o pagbasa sa materyal na artipak kundi sa paglirip din sa umiiral na pananaw, paniniwala, kaalaman at kaugalian mababanaagan ang prehispanikong nakalipas ng bansa. Sa genitong pag-aarel, naidurugtong ang kasalukuyan sa nakaraan at nabibigyang kabuluhan ang pagbabagong hatid ng panahong kolonyal. ral ang batayang Naihahayag at napatitibay din ng pag-a: pagkakahawig at pagkakaisa ng katutubong kabihasnan; naihahanted ang yaman habang naitatampok ang namumukod-tangi. Napapahalagahan sa kasaysayan ang mga grupong naisasantabi sa daloy ng pambansang kasaysayan, Nagmula sa hanay nila ang ibatt BALATIK: Karutusons BiTsin / Danre L Ameros 0 3 ibang larawan ng Langit ac ng mga bituin na nagpapamalas , Wild Tiber 187). Ang pagkakaiba ng mga uri rg balatile ang dahilan kung kaya magkaiba ang itsurs ng Balatik se Langit. Hawig ang isang itsura sa inilarawaa ni Scot. Binubuo ang busog rg mga bituing Rigel, Betelgeuse, Saiph a: Bellarix. Ang Orion's Belt sa gitna ang palaso samentalang ang, Orion’s Sword arg bagting ng pana. Hawig ang isa pang i:sura sa in:larawan ni Cole: ang Or on’s Belt ang palaso at ang Orion's Sword ing busog. Ito ang, i'surang itinuro sa akia ng nakapanayam kong Badjao sa Tawi-tawi at siya *ing pagkakalare wan ni Revel sa Binavnigan mogsasaned, pevibong at bituin ng mga Palawan ng Palawan (Revel 213) May ibang tavag at kahulugan divo ang iba pang grupong etniko (Kahon 1). Sa mga Jama Mapun, Bari? ico na nakaumang sa baboy (Casifio, 1”). Bagaman ita ang ‘away, patibong ding gaya ng balatik ang mga bituing Balbaiays ng mga Ifugao at ang Binawagan magsasewad ng mga Palawan (Lambrecht, Riewa! VIL 14; Revel 213). Mangangaso s: Seretar ng mga ‘Tedurey. atawan nito ang Orion’s Belt, kanang kamay ang Betelgeuse at kaliwang kamay ang Rigel. Irak nito na nasa suksukang yantox ang Orion's Sword (Schlegel 18). Mangangaso rin at on: kaingin si Magbangal ng mga Bukidnon. Bagaman hindi tinukoy ni Cole, maaaring mga bituin din ito ng Orion ayon sa pagkakalarawan niya (Bubidnons 124). Bahagi ang dalawa ng mga sangguniang ituin ng mga Teduray at ng mga Bukidnon [ba naman ang itsura ng bituing \to sa mga Igorot at Hokano ng hilagang Luson. Avon kay Scott, ginagamit ng mga Igorot na sanggunian sa pagracanim ang bituing Guganayan. Tinukoy niyang Tres Marias ang Gugan-ayan (warping frame) ng mga Hokano (Scott 8 Priuvene Soctat Sciences Review ‘Vo. 57 Nos.1-4 2095 KAHON 1: Katurubong Pangalan ng mga Bituin ng Orion. Adlung Maria Kagampangan Balatic Mayahat, Bilan Baiatik Bagobo, “agalog, Maguindanao, Bilcol, Antique Bavatik Maadaya Baibalays Mayaw yaw Ifigao | Batik Jaira Mapun, Saraa Belatik Manoko. Binabbais (Orion's Belt) Kankanacy | Binawagan magsasowad Palawan i (Orion's Belt at Sword) Bodays (Orion's Belt at Sword) Ibaloi Farrais Khinaing Fontok Gaganayan Tokans/lgoro: Gendaw belatik Subanen. | Lubang Bikol Magbangal Busidnor | Mbangal Meranao Seretar Teduray | Tatlong Maria Tagalog Trismariiya Itbayacet Barangay 259, 281). Trismariiya ito sa raga Ithaveren ng Batanes at Arlung Mavia naman sa mga Kaparopan aa (Lacsamana-Ambrosio; Yamada, 161). Apat na bagay ang malinaw ukol sa Balatik: sinauna at prehispanixo ito bilang patibong at bicuin; laganap ang pagkilala rito sa kapuluan bilang patibong st talampad; kaugnay ng angangaso ang pagkakapangalan dito ngunit kaugnay naman n; Si 8 3 y pagtacanim ang gam:¢ nito; at, isa sa mga pangunahing sanggur ian ito sa pagkakaingin. May isang panahon din na nagsilbi itong pananda sa ritwal ng pagsasakripisyo ng tao ng mga Bagobo (Cole Wild Tribes 114,116». BALATIK: KaruTusone Erin / Dante L. Anercsic: 9 Moropora Moropoto ang bituing pangalawang pinakakilala sa buong kapuluan. Ito ang ®leindes ng modernong astronomiya (Kahon 2) Ani Loarea, ibinabadya ng paglitaw nito ang unang buwan ng nga taga-Panay na tinatewag na Lilaler, Simula ito ng paghahanda ng lupa sa pagtatanim. Hindi tinukoy ni Loarca sa kanyang sinulat noong 1582 ang panahon ng pagsikat at tawag ng mga taga-Panay sa bituing ito (165) Si Scott noong 1994 ang nagwy ka ne lumilitaw ang Pleiades sa buwan ng Hunyo a° tinarawag ito na Moroporo, “boiling ligh's” 0 kawan ng mga ibon (123). Toroong sumnisikar ito ng madaling araw ng Hunyo ngunit nalinaw kay Loarca ne sinusundan ang paglitaw nito ng, mga yugto ng pagkal 1. Hindi puwede, kung gayon, na Hunyo ang katumbas ng Ulalen dahil tag-ulan na, at hindi maaaring sundan ng, pagtilinis ng lupa at pagsusunog ng sukal Mas tama si Jocano na itumbas ang Ulalen sa buwan ng Eero (“Corn and Rice” 456-44 tag-init na angkop st pagkakasunud-sunod ng mga gawain sa huma 8 g 3 Una, umaayon ito sa pagsisimula ng na binanggit ni Loarca, Ikalawa, mataas na sa silangan ang Pleiades pagkagat ng dilim sa buwang ito at sinusandan ng tag-init na kailangan sa pagkakaingin. Iketlo, buwan mismo ng Enero pumapatak ang Ulalong ng mga Sulod ng Panay na napag-alaman ni Jocano na nagsisimula ng pagkakaingin sa buwang ito. Tama si Scott sa pagkilala sa Pleiades sa sinauna at katutubo nitong pangalan na Moroporo batay sa ulet ng mga paring Espanyol at sa tawag dito ng ibang grupong etnike, Molopol ang sinaunang tawag dito ng mga Hiligaynon ng Panay (Mentrida 266). Moroporo ito sa mga Bikolano, ayon naman kay Lisboa 247). Buhay pa ang, katawagang hawig dito sa ibang lugar sa Bisaya- Mindanaw: Murupuru ito sa Antique.at se mga Tagbanua ng Palawan; Molopolo sa mga Bukidnon ng Bukidnon, Mulupulw sa mga Arumanen Manobo ng Cotabato at Manapurn sa mga Palawan ng Palawan (Fox 45; Cole Bukidnons 124; Mayos 86; Maquisc 132; at Revel 215). 10 Pui pine Socia. Sciences Rewew / Vot. 57 Nos.1-4 2005 Sinabi ni Plasencia na kilala ng mga Tagalog. ang “pitong malic na kambing” o siete aubrillas ng mga Espanyol. Tinutukoy niya rito ang Pleiades na aniyayy tinawag na Mapalon ng mga Tagalog, Batay sa pagkilalang ito kung kaya batid ng mga Tagalog ang pagpapalit ng panahon, ayon pa rin kay Plasencia, May pahiwatig dito na, gaya ng mga taga-Panay; ginamit din ng mga Tagalog ang Pleiades bilang pananda ng pagpapanahon at pagratanim (Plasencia 136; Raventos a Gold 39. Sinusugan ng mga una bokabularyong Tagalog ang ginawang pagkilala ni Plasencia sa Pleiades. Tinukoy nina San Antonio at San Buenaventura ang Mapolon bilang Pleiades at kambing ng mga Espanyol (172; 130). Mapolong 0 Polongolor ito kina Noceds at lucar (201, 259). Vay 300 taon makaraan, injulat ni Manuel na may bituing Mapilon ang mga Tagalog ng ‘Tayabas. Sa kanyang paglalarawan, walang duidang ito rin ang Mapolon ng mga sinaunang Tagalog. Kilala rin iro ng mga Tagalog ng Laguna hanggang ngayon sa pangalang Mapulong (Manuel, 249; focane at Veloro 46). Ilan lamang ang nagbigay ng kabulugan sa raga katutubong tawag sa Pleiades. Isang uri ng halaman sa mga Tagalog ang molopolo, ayon kina Noceda at Saniucar, Molopolo tin ang tawag ng mga Bisaya sa halamang kabilang sa pamilyang, maivas (mallow) gaya ng gumamela, ayon kay Encarnacion. “Boiling lights” kawan ng ibon ang moroporo kay Scott samantalang kamote naman ang manepurw ng mga Palawan (Encarnacion 237; Neceda at Sanlucar 396; Revel 215; Scott Barangay 123). Iba-iba ang kahulugan ng mga karawagan bagaman may hawig ang pagkakasulat o paghigkas. Mahaba ang paliwanag ni Manuel sa Maptilon at pulon ng Tagzlog, Tayabas. Una, kinilala niya ito na “katipunan ng mga bituin na ang isaly napapalibutan ng marami.” Jkalawa, idinagdag niya na paghihinuso, (iro) ay isang kaliskis na naktukulong ng anim na kalisis sa pia ng manok na panabong. Ikatlo, ito ang maayos na pagkakasabid ng sinulid, pisi at ba pa (Manuel, 249, 295). Itong huli ay katulac ng kahulugan ng pulu na ikid o pulupot ni Serrano-Laktaw (1087), BALATIK: Karutueone Bituin / Dante L. Amarosic: 4 KAHON Katutubong Pangalan ng Pleiades Gendaw gubiyan Subnen Katanidin Agca ng Casiguran/Palanan Kufiukufa ‘eduray | Langaw uindanaw | Madakel Maranaw Manapuru Palawan Mapolon Tagiiog Marapuro Kalurang Samar Maroprop Hokano Molopolo Bisaya, Buisidnon, Hiligaynon Mopo Jama Mapun Moroporo Bikolano Mulupulu Arurtanen Manobo Mupu Samia Murupura Antique, Tagbanus | Penikapan Manobo Posaryo Tagalog, Poyopoyo Mandaya Salibubu Karkanaey Salifuto Khiraang Foniok San Apon Ibaloi Supot ni Hudas Tagalog Sa mga katutubong salaysay, madalas iugnay ang katutubong Pleiades sa dalawang kalapit na mga bituin—-ang Hyades at ang Orion. Itong Hyades ang hugis-tatsulok na grupo ng mga bituin na nasa pagitan ng Pleiades at Orion. Bahagi ito ng konstelasyong Taurus, gaya ng Pleiades. Ayon kay Coie. sa mga Bukidnon, ang Molopolo ang bural na pinapangasuhan ni Magbangal at Baka (Hyades) naman ang panga ng baboy damo na napatay niya (Bukidvons 124), Sa mga Teduray, mga langaw ang Kufikufis (Pleiades) na nagtipon sa Baka (Hyades), ang panga ng baboy damo na napatay ng mangangasong si Seretar 12 Pri Prive Social Sc ences Review ! Vou. 57 Nos.1-4 2005 (Orion) (Schlegel 16-18). Sa mga Pelawan, cumnpok ng kamote ang Manapuru; panga at paagil ng basoy damo ang Sangat at biak (Hyades) na kumair sa kamote at siya namang inumangan ng Binawagan magsasaiutd (Orion) (Revel 214). Sa mga Jama Mapun, tik ac kanic hindi kinilala ni baboy ang Mopo, patibong ang Casifio, malamang Hyades din ang Sangt baw, ang panga ng baboy na aniya ay hugis-V (Casifio. 17). Tisa ang larawan ng Hyades sa mga ito—-paniga ng baboy dame— samantalang iba-iba ang larawan ng Pleiades burel, langaw, kamote at baboy, Sa pagkakalarawan sa langit, mas bing mga bituin ng pangangaso ang katutubong Pleiades, Hvades et Orion, Ilang bagay aay masasabi ukol sa Mcroporo: laganap sa kapuluan ang pagkilaia rito; halos magkahawig ang katawagan dito laluna sa gitna at timog ng Pilipinas bagaman ibe-iba ang kahulugan; panahong prehispaniko pa ito kilala ng ilang grupong erniko; at malinaw na may paghakaugnay ang pana an nito sa pangangaso at gamit sa pagkakaingin, gaya rin ng Balatib. Iba pang Talampad May iba pang mga talampad ng bituir na iniulat ng mga Espanyol sa mga tinipon ailang bokabularyo. Sinusugan o dinetalye ito ng mga sumunod na pag-uulat ng mga etrograpo. Tagalog. Kinilaia ni Plasencia ang ikationg bituin ng mga Tagalog—ang Tala, ang bituin sa umaga (186). Bandang siglo 18, may ilan pang bituing Tagalog ang idinagdag nina Noceda at Sanlucar, Kinilala nila ang ilan, ang iba ay hindi. Bukod sa Balatik, Mapolong, at Tala, tinukoy nila ang Macapanis (Bootes o Arcturus), May carang (bubong ng sakayan ang carang), Hampil (harang sa sakayan), Camalyng (Southern Cross), Tanglao daga (Vents), Bulansaguan at Balais (Noceda at Sanlucar 27. 29, 53, 79, 135, 197, 201, 316, 327). Malaki ang naitulong ng mga tala ni Manuel sa paglilinaw sa kahulugan ng Maptilon. Ngunit siya man ay hindi kumilala sa ilang BALATIK: KaruTusons Bituin / Danve L. AwgR2st2 13 bituing tinukoy niye. LDalawa sa mga bicuin ng Tayabas ang dinatnan ng mga Fspanyol-—Balatik at Maziilon, Busod dito, binanggit ni Manuel ang Talang Butugan (Tala se uraasao Talang Bakero), Talang Bilaran, Bituing Bunsbong at Krus ne Birwin. Sa kanyang paglalaravan, mahihinuha kung 210 ang itsura ac kung nasian ang mga ito. Maliwanag na bituing sumis:kat sa madaling araw ang Talang Batugan, ‘Tinawag jong bacugar dah | ralaki nga, mahina at bahagya naman itong kumilos, Binubuo ang Talang Bilaran ng apat na bituing kahigpey og Mapulon samsnta ang matatagpuan ang talampad ng Bituing Bumbong sa itaas rg Keus na Bituin (Manuel, 72, 357-358). Ayon kay Serrano-Laltawy, tala ng mga pastol ang Talang Bakero (1245), Bisaya. May i ang mga bituing Bisaya n2 binanggit ang mga sinaunang paring Espanyol. Tinukoy ni Encarnacion na mga bicuing Risaya ang Losong Ursa Major), Alimango, Lobi at Molopole (11, 212, 222, 237). Ipinaliwanag ni Scott na puno ag niyog ang /zbi at bayuhan ng palay ang, Jasongs kiniicla miye na Aries ang konstelasyong Aliriango at Big Dipper ang Losong (Barangay 123-124), Lumilitaw na may nakakakila a pa sa Losong haaggang ngayon; itinuro ito sa akin ng isang kaivigang Samarnon. Bikolano, May ilan ding biruing Bikolano na itinala si Lisboa. Bukod sa mga nabanggit nang Moroporo ‘Pleiades) at Lubang (Orion), inisa-isa nya ang mga sumusunod: Macadadamlag (Venus), Paglong (Southern Cross), Pogor (yinayamit na senyal sa pangingisda at ng bagyo), Sowg (apat na bituing kuwadrado na senyal ng hatinggabi) at Zerg (talong bituing senyal ng bagyo kung, nasa 258, 269, 289, 407, 550). Tokano. Talong bituin ang naragpuan ko kay Carro para sa tuktok sa gabi) (2 mga Hokano: Gagan-dyan (Orion), Maroprép (Pleiades) at Stinay (Southern Cross et Northern Thesaurus 199, 207, 224, 288). Gaya nang aubanggit, maraining tinukoy na bituin ng ibang ss) (Vanoverbergh English Loko grupong etniko ang mga mananal'ksile ng sizho 20. Sa pagkak wong 14 Pauitpive Social Sciences Rewiew, Vol. 57 Nos.1-4 2005 ito, kinilala ng ilan ang mga ito avon sa tawag ng modernong astronomiya, isinalaysay ang mga mitong kaugnay ng mga bituin at tinukoy ang tiyak na pagkakaugnay nito sa mga gawain laluna sa pagkakaingin. Teduray. Anim na bituin ang tinukoy ni Schlegel na katulong ng mga Teduray sa pagtaranim (16-21). Isinalaysay ni Schlegel ang mito ng pagkakaingin ukol dito, bagaman nabanggit sa unahan na sangkot din ang tatlo rito sa mito ng pangangaso. Sa mito ng mga Teduray, Fegeferafied (bahagi ng Canis Majer, Canis Minor at Gemini) ang palayaw ni Keluguy, amain ng magpipinsang Kufivkufu (Pleiades), Baka (HHyades) at Seretar (Orion). Sa langit, tao ang hugis nito na ang ulo (Procyon) ay may bandana at may pakpak ng manok (Gomeisa), sagisag ng katapangan. Nasa konstelasyong Canis Minor ang dalawang bituin. Kaliwang kamay ni Fegeferafad ang mga bituin ng Canis Major (Sirius at Murzim) at kanang kamay naman ang mga bituin ng Gemini (Castor at Pollux). Mag-asawa naman sina Singkad (vahagi ng Aquila) at Kenogon (Delphinus). Amain din ng mga magpipinsan si Singkad. Suklay ni Kenogon ang pinakamalabong bituin nito na malapit kay Singkad. Ang dalawang talampad na ito ang inaabangan sa madaling-araw habang ang unang apat ang sinusundan sa gabi ng mga Teduray para sa mga yugto ng kanilang pagkakaingin. Sa kanilang mito, pinamunuan ni Lagey Lingkuwus ang mga Teduray patungo sa inged Tulus, ang lugar ng, Dakilang Diwata, pava dito na manirahan. Batid niya na lilikha mali si Tidus ng mga bagor.g Teduray para mangalaga sa gubat. Para hindi mahirapan ang mga ito sa pagkakaingin, pinakiusapan niya ang anim na pinamunuan ni Fegeferafad na magpaiwan sa langit upang magsilbing panandar.g bituin sa pagtatanim. Pumayag naman ang anim. Bukidnon. Siyam na talampad ang itinuro kay Cole ng kanyar.g kapanayam noong ika-pito ng gabi hanggang madaling araw rg Pebrero 1910: Magbangal, Balokau, Baku, Molopolo, Ta-on, Sogo- a-ton, Malala, Ti-ok at Taku. (Bukidnons 123-125). Sa petsang ito, BALATIK: Katurusons Bru / Dante L. Ausrosio 15 walang dudang kabilang dito ang mga bituing Pleiades, Orion, Aquila at iba pang natukoy na. Malamang na Pleiades ang Molopolo, Orion ang Magbanyzal at Hyades ang Baka ayon sa pagkakalarewan sa mga ito. Parang tabo ang Magbangal na nasa taas na 45° sa timog, ng silangan nang ituro kay Cole. Natirang kamay ni Magbangal ang Balokau, ang mga bituing nakahanay sa baba ng Magbangal T ni Magbangal. Lampas sa tuktok at parang malic na tabo ang sulok ang hugis ng Baka, ang pang ng baboy damo na napatay Molopolo, ang burol na pinangangasuhan ni Magbangal. Sa madaling araw naman nakica ang bugis-L na Ta-on, ang palakol ni Magbangal, gayundin ang Sogob-a-ton na ‘sa namang kawayang pingga. Pabilog ang Ji-of, ang alagang butiki ni Magbangal, samantalang itak naman niya ang Malle. Taéwang tawag sa tela sa gabi. Magnanakaw ang ibig sabihin nito—dahil sa nawawal2 iro (umulubog) minsang lumitaw ang ibang mga bituin, Dating makapangyarihang tao si Magbangal sa kuwento ng mga Bukidnon. Nang pumunta siya sa kanyang kaingin, binilinan niya ang asawa na manatili sa bakay et huwag siyang susundan sa kanyang ctabaho. Ngunit inusyose pa rin siya ag kanyang asawa. Narinig nito na bumabagsak ang mga puno, tandang naglilinis na nglupa si Magbangal. Ngunit nang silisin niya si Magbangal, nakita niyang natutulog ito. Palakol at itak lamang ang icusang nagpuputol sa mga puno. Noon niya natiyak na makapangyarihan si Magba gal. Noon din bumagsak- at pinutol ng palako! ang kamay ni Magba gal. Sa galit, inucusan mito ang asawa ni magtungo sa ilog para maging isda, Pumunta naman sa langit si Magbangal upang magsilbing sangguniang bieuin sa pagkakaingia ng mga Bukidnon. Jama Mapun (Mapun, Tawi-tawi). Miay 16 na bituing nakalap si Casifio sa Mapun, Tawi-tawi ngunit hindi niya kinilala ito lahac (16-19). Panghuli ng isda ang bobo. Kawayang kahon ito na may tali para maiahon sa pagkakalubog sa pangisdaan. Hawig ito sa Big 16 Priurpine Social Sciences Review / Vou. 57 Nos.1-4 2095 Dipper na tinawag m1 Bobo ag mga Jama Mapun. Laganap ang palakaya at katawagang ito sa kapuluan a: bahagi ng listahan ng mga salitang proto-Austronesyano ni Dempwolf. Bitag ang Batik (Orion's Belt) na aakaumang sa baboy na Mopo (Pleiades). $a palagay i Casifio, preislamiko ang Mopo. Bawal kasi ang pagkain ng baboy sa mga Muslim, kaya mazaring preislamiko 1g, Jama Mapun ang nagg angalan dito. Ginagamit na senyal ang Mopo sa pagrantya sa simula ng pagtatanin. Botete naman ang Busta (Southern Cross) na sinisibat ng Anak Daw | Alpha et Beta Centauri), dalawang mangingisdang sakay ng bangka. ‘Tagahimatong ng hangin ang Niyu-niyu (pune ng niyog) at ng direksvon ang Sibilut (Polaris). Tarlong bituing magkakatabi ang Zanggong (bahagi ng Aquila) na binubuo ng Tohng, Masikla ac Mayuyv.. Bagamean nakaugnay sa pangingisda at pangengaso ang mg; b.tuin ng Jama Mapun, sa pagtatanim ng palay nakaugnay ang Tangyung. Bukod sa pagiging senyal sa pagtatanim, ito rin ang nagpapaliwanag kung bakit kailangang magtanim ng mga tao. Sz mito, mag-asewa sina Tohng, Masikla at Mayuyu. Minsan nagluto ng mga dahon ng damo si Masikla. 3inilinan niya si Mayuyu na bantayan ang nilusuto habang naghahanap siya ng mauulam sa baybay-dagat. Sinapihan din niya ‘to na huwag bubuksan ang palayok hangga’t hindi siya bumabelik Nguoic binuksan din ni Mayuyu ang palayok. Nakita niyang xalahating camo at kalahating kanin ang laman nits. Pagbalik ni Masikla natuklasan niya ang pagsuway ni Mayuyu. Aniya, dahil sa ginawa ni Mayuyu, kailangang maghirap muna sa pagtatanim ang mga tao bago sila makakain. Kung hindi sumuway si Mayuyu, sanay puwede nang lutuin ng mga teo ang damo. Sa isa namang pagkakataon, nagtungo si Tohng sa kanyang kaingin. Gaya nang kuwento ni Magbangal ng mga Bukidnon, sinundan ni Mayuyu ang asawa, Nek:ta niyang sumutugtog lamang, ng plawta si Tohng habang nagpuputol nang kusa ng mga punc at damo ang palakol at itak niya. Lumantad si Mayuyu at kinastigo si BALATIK: KaruTusone B tun / Dante L., AMB303i0, 17 ‘Tobng sa pagiging tamad. Bumagsak sa lupa ang palakol at i-ak at hindi na nagtrabano ang mga ito. Nagalit si Tohng at sinabi na kung hindi siya nanubok, hindi na sana kai angang magtrabao pa ng mga tao. Dahil dito iniwan nina [chng at Masikla si Meyuyu para pumunta sa lungit. Sinundan pa rin s la ni Mayuyu. Naging talampad ng Tanggong ang tatlo a: naging pananda sa paghahanda ng huma. Hindi nalalayo itong huli sa suwento sa akin ni Hadji Hamad Putal ng Tungkallang, Sanga-Sanga, “Zaw -tawi ukol sa bi-uing Paliyama (Aquila) ng mga Sama at sa isinalaysay ni Matuan ukol sa bituing Dalomamp 0 (Aquila) ng mga Marenao (95). May iba pang icuin ang mge Jama Mapun na hindi kinilala ni Ca Kababasan (tala sa umaga), Bintang Gaak (tala sa zabi), Tendak (\sda), iflo: Sangat baw na maaaring panga ng baboy damo (Hysdes), Kabaw (alimasag), Niyu-niyu punggul (putol ra puno ng niyog), Lumba-lumba (dolphin), at Manu (ibon). Bukod sa mgs nabanggit ni Casifio, may iba pang tawag sa mga bituin ang nokalap ko sa aking: pananaliksik sa Tawi-tawi. Lamang, naghalo na ang mga katawagang Sama at Tausug, Ang mga bitain sa Kahon 3 eng k:ataniwang narinig ko se ibat ibang isla ng Taw:-iawi. Hawig ang mgg. ito sa naga bituin ng mga Jama Mapun yamang kabi:ang nama sila sa grupong Sama gaya ng mga Badjao, Mga isla ang kahulugan ng Mupu. Isang bituin lamang (Alpha Centauri) ang Anwéda'u habang ang katabi ni:o ay tinawag na Sahapang (Bera Centanti). Pareho pa rin ang larawan sa binanggit ni Casifio: sinisibar ng Arakdata ang Buntal (betete; Southern Cross) sa pamamagitan rg Schapang, sibat na may tatlong talim. Paliyama ang caway ng mga Sama sa Tanggong, Salokah (Scorpius) sa Niyu-aiyu at Mamabi Uttara sa Sibilut, Marami pang mga bituin ang nabanggit agunit hindi naman naituro sa akin. Kebilang dito ang 4bay kohap, Anting-anting, Basih, Bituin masawa, Rongsod, Duga-duga, Jubara, Kababbasan, Kababbasan madusta. Kalitan, Krus na Malaki, Krus na Maliit, 18 PHitipe Ne Social Sciences Review / Yo. 57 Nos.1-4 2005 KAHON 3: Mga Bituin ng Tawi-tawi Anakdatu (mangingisda: Alpha Centausi), Basung (Hyades), Batik (bitag 0 patibong: Orion's Belt and Svrord) Bub: (panghuli ng isda; Big Dipper). Buntal (botete; Southern Cross), Lakag o Maga (Tala s1 Umaga; Jupiter 0 Venus), Mamahi Uttara (Polaris), Mupu o Pupu (mga isla; Pleiades), Naga: (ahas 0 dragon; Milky Way), Paliyama (maligai, “bahay niTuhan;” Tasazed, Altais, | Alschain ng Aquila}, | Sahapang (sibat na may tadong talim; Besa Cen-auti), Salokab (puno ng niyo; Scorpius), Sangkap-sangkap (pact; Alpha, Beta at Theta Lyrae), Soka punggul (bulte ng puno ng niyo; bahagi ng Grus), Tunggal Bahangi (Kala sa Gabi; Jupiter o Venus) Malala, Mamahi Kagang, Mamuahi Magrib, Mamaln Pagi, Mamabi Satan, Mamahi Sumping, Manu, Nganvas. Sowk, Tagoh, Takaw hapog, Tanggong, Timbangan, Tohng. Palawan (Palawan). Bunga ng mahigit 20 taong pakikisalamuha sa mga Palawan, maraming talampad ng mga bituin, kasama ang mito at gamit ng mga ito, ang nakalap ai Revel (206-284). May 24 lahat ito, Pansining bahagi ng kapaligiran at gawaing pandagat, panggubat at pambukid ang mga bagay na itinatak ng mga Palawan sa langit. Hawig ang mya bituin ng pangangaso ng mga Palawan sa mga bituin ng mga Teduray at Bukidnon samantalang hawig naman ang mga bituin nito sa pangingisda sa mga bituin ng mga Sama. Sa lahat, higit na komprehensibo ang ginawang pagtalakay ni Revel sa mga bituing katutubo. Lamang, nasa wikang Pranses ang kabuuan ng kanyang ulat at baha-bahagi lamang ang nasumpungan kong nasa wikang Inggles para makapag-ulat dito nang mahaba- haba. BALATIK: Karuruson 3 Bitun / Dante L. AMBR0sIO 19 KAHON 4: Mga Bituin ng Palawan Anak Datug (Saturn at Jupiter), Antetalay/Buntatalag (Venus), Asak (Cor Caroli), Binawagan mazakas (bitag sa babor dame; bahagi ng Canis Major), Binawagan magsasawad (bitag sa baboy dame; Orion's Belt aad Sword), Bulalaw + pag ijung ja Valagyan ng, tubig: bahagi ng Lyra at Hercules), Bungsud + Magipag (punso o isang pares ng hipag at bilass bahagi ng Perseus), Buntal + tatenm at rampulung ‘bo et: at sahapang; Southern Cross at bahagi ng Centaneus,, Duruj (manok; bahagi ng Gerrini, Gubang ni Asck ~ salanagan ja (bangka ri Asak at sibat; Ursa Major a: Cor Caroli), Inag + alad ja (manok at pakyprk; banagi ny, Auriga), Lakut at para (lalagyan ng buto o butils Coupe), Lakut at sanglyj \lalagyang mes’ kamote; Corona Borealis), Manapuru Cumpok ng kamoc: © arbat 1. Bihang; Pleiades), Njug + wasaj puno ng, niyog ct hawakar ng palakol; bahagi ng Scorpius) Pungur (bahayi ng Ophiuchus), Punggur + Sawa (puno at sawa; bahagi ag Serpens) Sagab (lalagvan ng tubig; bahagi ng Aqu la), Salangan (bahagi ng Perseus), Sangat at ba’ (panga at pangil ny kaboy amos Hyades), Sjud ni Biheng (ambat ni Bihang), Taktampinak ni Asck (lalagyao ng tabako ni Asaks bahagi ng Pegasus), Taktampinak at magkapugun (Libra), Tarwng (pinggas Delphinus), 20 Propping Socal Sciences Review / Vor. 57 Nos. 1-4 2005 Bagobo. May tinukoy si Cole na apar na talampad ng mgs birain ng mga Bagobo ng kanlurang Golpo ng, Davao: Balatik, rave, Mamari, Boeaya. Vindi niya kinilala ang mga ito bagaman inilarawan at binanggit viva kung kailan makilita. Lumilitaw ang Marara sa buwan ng Abril. [binabadya ng pagsikar nivo ang simula ng paguuanim. Sa kawentong, Bagobo, rao ang Marara na may sang kamay at isang paa lamang. Naghaharid iro ng maulap na panahons sa oras ng pagtatanim para hindi makita ang kapansanan nico. Kasunod nirong sumisikar sa huling bahagi ng Hunyo ang mga bituing, Mamari at Bwaya (Wild Trtbes 62,86,108). Mula Orion hanggang Scorpius ang mga bituing tinucukoy tito bagaman hindi tiyak kung alin ang bumubuo sa bawat talampad. Kordilyera, Maraming grupong ecniko sa Kordilyera kay a may iba’t thang karawagan din sa mga bituin. Ngunit dahil sa heograpikong pagkakahisvalay nila, malaki ang pagkakaiba sa mga katawagan kahit sa loob ng isang grupong ctniko. Karaniwang nakuha ng mga nay-aral ang mga tawag sa mga bituin sa mga dasal Binanggit ni Vanoverbergh na kasama sa mga dasal ng mga Kankanaey ang Corona Borealis at Aquarius ngunit hindi niya tinukoy kung iba pa ito sa mga narukoy nivang katawagan sa Kahon 5. Pansining magkaiba ang Baska: xin ag, Tbaloi (Cassiopeia) at Kankanay (Venus), gayundin ang kanilang Selabobo (Hyades sa Ibalo!) at Salibubu (Pleiades sa Kankanaey), Gaya ni Moss, nakuha ni Vanoverbergh ang mga katawagang ito sa mga dasal (Moss 234} Binanggit ang Sipae at Judong sa mga dasal ng pag-aalay ng manok. para sa isang hindi makapagpigil sa pag-ihi at sa seremonya ng Aennaz, kung kailan binebendisyunan ang mga punlang palay para sa paglilipat. Binabanggit din ang Salibubu, Binabais av Aquarius sa dasal ng pag-aalay ng manok (Vanoverber, 90-91) Ilan pang bitain ng mge grapong eeniko ang matutanghayan “Kankanacy Religion” sa Kahon 6. Gaya nang makikita, binubuo rin ang mga ito ng mga nabanggit nang bitin BALATIK: Karutusons 3itun / Dante L. AMeros 0 KAHON 5: Mga Bituin ng Kordilyera Ibaloi_ (Moss 234) Balikongkong (kerit ng Lo), Batakagan (meliliwanag na bituin ng Cassiopea), Bodays (Orion's Belt at Sword), Sora: (kus sa Canis Major) Mamawas (Venus 0 Jupiter bilarg ta asa uroaga), Mauva Balaya (itang pabilog 1a b tuin se Auriga), Pangal (tatsulok sa Lyra, kasama ang Vega), Salabobo (Hyades) San apon (P ciades) Tachong (ulo at La:awan ag Sconpius), Tado (dalawang pancurc ng Little Dispet Wadwadan (bahigi ng Bootes kung saan nasa gitna ang Arcturus), at Polaris), Kankanaey (Vinoverbergh, Kenkumeey Religion. 90-91) Aggiwidnas (Milky Way), Balangay 0 Kinamélig Ursa Major), Batakdgan (Veaus 0 tala sa umaza), Binabbdi: (Orion's Belt), Dopo, Kern é, Kinallaib (Coma Berenices), Laskd, Livlin, Pinadénga (Hyades), Sungbds, Salibribu (Pleiades Sipdt (Dolphin), Tékang, Tikém (Sagittarius), Tidéng (bahagi ag Andromeda, T'isces, (ri ling, Waiyee gulum at Aries), Khinaang Fontoc (Nolasco 7-8) Farrais (bahag. ng, Orion), Farseaga? (bahagi ng Ursa Major), Salifuto (ba'ragi ng Pleiades) Mayawyaw Ifagao (Lambrecht iifwal 1 113) Agivudna (Sirius), Balbala}s (5 bicuin sa hawakan ng Big Dipper), ‘ran, Nackalipopong \nakatipon na parang bola), Nehiki’big, Nipngot (korona), Papal, P Pawit (Venus). Pumi"nal, Tumi’gan 24 22 Priuirpixe Social Sciences Review ‘Vou. 57 Nos.1-4 2096 KAHON 6: Jlan pang Talampad ng mga Bituin Antique (Magos, 86: Balatik (siyam na bituin), Kalemaganon (oitong bituin), Krus (pitong bituin), Mag-asawa (dalawang b tuin), Murupuru (limang biz win), Tulughapuror (tatlong bituin) | Tebayat (Yamada, 161) Ka‘aaraw (Tala sa umaga), Navachid (Great Dipper o Litde Dipper), 7 (parang kalawit; malapit sa Narachid), | Pasdepen nu sumuxu (Tala sa gabi) Tayaaru (pitong tarstelok na bituin), rket (Southern Southern Cross), n’s Bele) Tinankuburus a’ a Tinankukurus asa’ Trismariiya (tatlon3 divuin; Ori Maguindanao (Sullivan) Baka (Taurus), Baatik 0 Giubal (Orion) Bidlul (Ursa Major), Bituin Urala (Pole Star), Kalani (Venus), Langawe (Pleiades), Lalan na Langaw (Nillsy Way), Makabanges Manobo (Hires and Headland, 69-70) Belatik (Orion), Burr (panghuli ng. sda, Delprinus), Givang (Sirius at Murzim ng Canis Major), Lepu (baling butos Altair, Alschain, Tarazed ng Aquila), nis Minor), Penikapan (Pleiades) Merara (Procyon ng C Maranao (Matuan, ‘)3-94; McKaugkan and Macaraya) Anak o Karani (Delphinus), Baka, Dioanz, Leya (Sagitta), Lepo, Maboo, Madakel (Pleiades), (ar.ok (Sitias, Murzim, Procyon, Epsilon Carinae), Mbangal Orion’, Dalomampao (vatloag bitvin ng Aquila), Makabanges (Tala sa umaga) Subanen (Frake 80) Balansaan (basket), Gendaw belatik (Orion), Gendaw glai (lalek2), Gendaw glibun (bebae), Gendaw gubiyan (karaowhan; Pleiades), Gendaw kulan, Gendawv parang (kugon), Gendaw selang (baba) BALATIK: KaruTusone Bituin / Dante L. AMBRosiCy 23 Pagpapahalaga sa mga Bituin Mula sa mga nailahad, malinaw ang malelim na pagpapahalaga sa mga bituin ng mga sinauna at kasalukuyang Pilipino. Mamamalas ang ganitong pagpapahalaga sa ibat ibang pamamaraan. Larawan ng Katutubong Langit at Bituin, May nalikhang sariling larawan ng langit at bituin ang mga sinauna at xasalukuyang Pilipino. Binigyang hugis nila ang talampad ng mga bituin at inilagay nila sa langit hindi lamang ang kanilang mga bayaning pangkultura kundi pati na ang mga gemit, hayop at halamang sangkot sa kanilang pangangaso, pangingisda at pagkakaingin Irinarak nga nila sa lengit ang sariling kabihasnan. Pag tumingia sila sa langit, ang nakikita rila’y hindi kalat-kalat na bituin kundi isang organisa io at sistematikong bahagi ng kanilang pamumuhay. Naging isang, mahigpit na bahagi at naging saligan ng kanilang kakanychan ang langit. Bituin at Pamumuhay. May mahaiagang bahagi ang mga bituin sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino Mahigpit na kaugnay ang mga bituin sa pangangaso, pagkakaingin at iba pa nilang gawain, Pansining kahit gamit sa pagkakaingin, maraming sangguniang bituin ang ipinangaian sa mga bagay na kaugnay ng pangangaso at pangingisda, mga gawaing mas maranda pa sa pagkakaingin. Anu't anuman, mga gawain ito na para maging, matagumpay, kailangang malinang ang mga pananaw, paniniwala, kaalaman, kasanayan, keugalian at kagamitan sa maagang bahagi ng kasaysayan. Sangguniang Bituin. May mga piling bstuin ang mga Pilipino na gamit bilang sanggunian sa mga gawain, Dahil buong larewan ng langit ang kita sa Pilipinas, minamahalaga ng kabihasnang Pilipino ang mga bituing kita sa hilaga, gitna ar timog nito laluna iyong sumisikat sa gabi at madaling araw ng mga buwan ng Oktubre hanggang Hunyo. Sa hilaga, madalas banggitia ang Big Dipper, Polaris, Aquila, Dephinus, at Lyra. Sa timog, ampok ang Southern Cross, Alpha at Beta Centauri, at Scorpius. Sa gitna, minamahalaga sa buong kapuluan ang Orion, Pleiades, Hyades, Gemini, Canis Major at Canis Minot. 24 Prt pein Soci Sc ences Review / Vou, 57 Nos.1-4 2005 Pagbabago. Nanatili ang pagpapahalaga ng, mga Pilipino sa mga bituin bagaman may hatid ding pagbabago ang pakikipagtagpo ng kabihasnang Pilipino sa mga paniniwala ac kaalarnang kanluranin. Ipinakilala ng kabihasnang Espanyol-Kristiyano ang mga talampad nitong gaya ng Tarlong Maria, Ngurit katawagan mang Espanyol- Kristiyano, inilapat din ito sa mga bituing minamahalaga na ng mga Pilipino noon >ang panahong orehispaniko. Nag-ibayo pa rin ang pagpapahalaga sa diruin lalo't kinilala ito ng Kristiyanismo bilang isang batis ng kaliwanagan, sagisag rg pagsilang ng Manunubos at giya sa paglalakbay sa katauhan ni Santa Maia, Minsan na ring tinangka ni Hen. Arvemio Ricarte na ibigay vito ang pangalan ng mga bayani ng kilusang repormista at rebolusyonaryo upang maging sagisayy at halimbawe ng tuncuning dapat sundin ng mga bagong salinlahi (Ambrosio, Bayani ay Bitwin 165-171). Hindi man nagtagumpay, nanutiling isang mahalagang sagisag ng kilusang rebolusyonaryo ang bituin. Pagpapatuloy. Kahit halos hindi batid ng mga edukadong Pilipino ang katutubong lerawan ng langit, hindi pa nalilimutan ng iba ang mga sinaunang paniniwala a: kealaman ukol sa mga bituin. Habang pinayaman ang kabihasnang Filipino ng mga bagong paniniwala at kaalaroang hatid ng Kristiyarismo at modernong agham, nanatili pa nn ang katucubong larawan ng langit. Patuloy nga itong itinala ng raga mananaliksik laluna rong siglo 20. Isang paliwanag ang pangyayaring hindi pa neman rawawala ang batayan ng pagkabuo at paggumic dito sa pamurauhay ng mga tao, laluna sa pagkakaingin. Bilang sagisag, nagpapaculoy ang kabuluhan ng mga bituin sa mga Pilipino; tatlo se mga ito ang negbibigay ngayon ng liwanag sa pambansang watawat. BALATIK: KatuTusons 31 in / Dante L Auseos 0 25 Moa Brrurn si Panapesas Banagi ng mg: konstelasyong ito ng modernong. astronomiya ang, mea bituing bumubuo sa mga talampad ng mga bituin sa Pil pinas, PLEIADES gum | Ae LA Det nines AN * « Canis Minor Loe . | | Sem | | V s Canis Major ‘ e ? 7 ~ 26 Puiuizeine Sociat Sciences Review / Vou, 57 Nos.t-4 2005 Sanggunian Ambrosio, Dante L. “Paiiyama: Kaalamang E:noastronomiko sa Tawi-tav/i Manuskrito. Office of the Vice-Chancellor for Research and Development (OVCRD), University of the Philippines, Diliman, Quezon City, 2000. ng Bayani ay Bitvir sa Langit.” Kasaysayan ar Kamalayan: Mga Piling Atda Ikol sa Diskursong Pangksayrayan. Mga Patougot N.M.R. Santillan at M.B.P. Conde. Limbagang Pangkasaysayan, Quezon City 1998. 165-171 Blair, Emma H., and James A. Robertson. ange oatnugot. The Philippine Islands 1493-1898. 55 vols, Anbur H. Clark, Cleveland, Ohio, 1903-1909 Anzuistics 19.1-2 (1980): 1- Blust, Robert. “Austronesian Etymologies.” Oceenic 181 —~. “Austronesian Etymelogies -JI.” Oceanis Linguisties -149, —— “Austronesian Eryroologies - 11.” Ocsaaie Linguist'es 23.1-2 (1986): 1-123. —. “Austronesian Etyrnologies - 1V." Oceanic Linguistics 28.2 (1989): 111-180. 23,1-2 (1983-1984): Casifio, Eric §. “Jama Mapun Ethnoecology: Economicsnd Symbolic (Of Grains, Winds, and Stats).” Asian Studies 5.1 “.967): 1-32. Cole, Fay-Cooper, Wild [rites of Davao District, Mindanao. Field Museum of Nacural History, Chicago, Publication 17. Auithropo ogical Series 12.2 (1913) —. The Bukidnons of Mindanao, Fieldiana: Anthropology Vol. 6. Natural History Museum, Chicago, 1956 de la Cidena. Mariano Velizquez. A New Pronourcing Dictionary of the Spa.sish and English Languogys, Wilcox & Follest, Chicago. 1955 Dempwolff, Otto. Comparative Phonology of dustroncsian Word Lists. 3 vols. Frie ic de Gruyter, Berlin, 1937 Encarnacion, Juan Felix ce. Diccionario Bisaya-cspariol, Ain'gos del Pais, Manila, 1885, Fox. Robert B, Religion and Society Among the Taghanuwa of Palawan Islend, Philippines. Natioral Museum, Manila, 1982 Frake, Charles O. “Social Organization and Shifting Cultivation among the Sindangan Subaron.” PhD) dissertation, Yale University. University Microfilms, Ann Arbor, Michigan, 1955. Hires, George and Thomas Headland, “A Sketca of Western Bukidnon Manabo Farming Practices, Past and Present.” Philippine Quarterly of Culture and Society 5 (1977): 65-78 Interbyu sa Kanlurang Samar. Personal Interbyu ni Victor Paz. Enero 1993, Jocano, F, Landa. “The Suled: A Mountaia People in Central Panay, Philippines. Philippine Studies bei (1958):401-430. —. “Corn and Rice Rituals among the Suloc of Cencral Panay, Philippines.” Philippine Journal of Science 87.4 (1958). BALATIK: Katurusons 3i-uin / Dante L. AMBRosIo 27 Sulod Sociery: A Study of Kinship end Social Organization of a Mountain People of Central Pinay, UP Press, Quezon City, 1963. _. Philippine Prefi tory. UP System-Philippine C Quezon City, 197¢ Jocano, F. Landa, and Carmelita Veloro, San slntonio: A Case Study of Adaptation and Folklife in a Fishing Commun:ty OP-NSDB Integration Research Program, Quezon City, 1976 rer for Advanced St adies, Kasberg, Robert H. J." Gubasnon Ethneinedicine: Religion, Illness and Haling among the weste‘n Hanunoo.” PhD dissertation Yale University. University Micro“ilms, Ann Arbos, Michigan, 1994 Lacsamana-Ambrosic, °acita, Personal [aerbyu Lukso, Pampanga at Malabon, Metro Manila, 8 September 1999. Lambrecht, Francis H Catholic Anthropolog ne Mayawyaw Ritual 1. Rice Culture and Rice Ritual. Conterence, Washing:on 0.C., 1932. ——. "The Mayawyaw Ritual VIL. Hurting and Its Ritual.” The University of Manila Journal of Hast Asiatic Stairs, 6.( (1957): 1-28. L sboa, Marcos de. Vaca brelario de la lengua bicol, Colegio ce Santo Tomas, Manila, 1865 Loarca, Miguel de. “Relation of the Filipinas Islands.” Archur H. Clark, Cleveland, Ohio, (1582): 34-187. Volume 5 of The Philippine Islands. Mga Patnugot Blair end Roberson, 55 Vols. Magos, Alicia P, “Paranor. Maritime World View.” Yakara Studies in Ethnology 17.5 (1992): 24-88 Manuel, £. Arsenio. “A Lexicographic Study cf Tayabas Tagalog,” Diliman Review 19.1-4 (1971): 4-20. Maquiso, Elena G. iahingan: An Epic of tie Soutnern Philippines. Ulahingan Series 2. Negros Chronicle Press, Dumaguete Ciry, 1989. Matuan, Moctar. “Kasamitoon: Maranao Astrology and Farming Activities.” Dansalan Quarter'y 5.2 (1984): 92-98. Maximino, Armand at Allredo. Mga Agta ng l’alenany Casiguran, Isabela/Q 1ezon. Interbyu ni Victor Paz, 16 Mayo 196 McKaughan, Howard and Batua Maca'aya. A Maranuo Dictionary. Summer Institute of Lingu:stics, De La Salle University Press, Manila, 1996 Mentrida, Alonso de Mentrida, Diccionario de la lengua bisaya-iligueina y haraya dela isla de Panay 1). Manuel y de D. Feliz, Dayot, Manila, 1841. Moss, CR. Nabaloi Law and Ritual, University of California Press. Berkeley, 1920. Noceda, Juan de and Pedro de Sanlucat. Vocubulario de la lengua tagala, Ramiree y Giraudier, Manila, 1860. Nolasco, Ricardo Ma. “Isang Straktyuralist na Dagsusuci ng mga Panahong Termino sa Khininaang Foatok.” Manuskrite, (n.d.) 28 Pritiepine Sociat Scienses Review / Vou, 57 Nos.1-4 2C05 Oracion, Timoteo S. “Ceremonial Customs and Beliefs Connected with Maga rat Kaingin Agriculture.’ Tise Silliman Journal 2.2 (1935): 222-236. Plasencia, Juan de, “Customs of the Tagalogs.” Archur H. Clack, Cleveland, Okio, (1589): 173-196. Vo 7 of The Philippine Islads. Mya Patnugot Blair and Robertson. 55 vols. Putal, Hadji Hamad. Interhyu. Tungkallang, Sanga-Sanga, Tawi-tawi. Mayo 1999. Raventos, Margaret at Davd Gold. Random House Spanisiy-Linglish English-Spanish Dictionary. Random House, New York, 1995. Reid, Lawrence A. patnigat. Philippine Minor Languages: Word Lists and Phonologies. University of Hawaii, Hawa i, 1971. Revel, Nicole. Fleurs de por savoir et [art d'une relation, Peeters-S Histoire nasvrelle palawan IIL. La matitrise d'un Paris 1960. San Antonio, Francisco fe, Vacabulario lagaio Tagalog-Spanish Dictionary. PULONG Sources for Philippines S:udies. Aeenea de Manila University, Quezon City, 2000. San Buenaventura, Pedro de. Vorwbulario de lengua tagalt. ‘Tomas Pinpir y Domingo Loag, Pila, Laguna, 1613 Scherer, Owo. The Nababri Dialect. Bureau of Pubic Printirg, Manila, 1905 Schlegel. Stuart A. “The Tiaditional Tiruray Zodiac: The Celestial Calendar of a Philippine Swidden and Foraging Peop e.” Philippine Quarterly of Culture and Society 15.1-2 (1887):12-26. Scout, William Henry. Ber teenth Cortuny Philippine Culture and Society. Ateneo de Manila University Press, Quezon City, 1994 —. Prehispanic Source Materials far the Study of Philigpine History. New Day Publishers, Quezon City, 1984. Serrano-Laktav, Pedro. Diccionario tagalog-hspany. Ediciones Cultura Hispanica, Madrid, 1965. Sullivan, Robert E. Magu'n taravan Dictionary: Notte Darae University, Cotabaio, 1986 Vanoverbergh, Morice. “Kanicanaey Religion” (Northern Luzon, Philippines). Anthropos 67 (1972): 2-128. —. English-Ioko Thesaurus: Rev. Andres Caro: Vocabulario Ioco-Expanol, translated, augmented, revised. Catholic School Press, Baguio, 1959. Yamada, Yukihiro. “Fish-ng Economy of the Itbayzt Batanes, Philippines with Special Reference to lis Vocabulary.” slsian Studies §.1 (1967): 137-219. Yap, Fe Aldave. A Comparative Study of Philippine Le:sicors. National Mecia Production Center, Manila, 1977

You might also like