You are on page 1of 2

Lunes pa lang nung nagsimula ang revival. I refused to go.

Dahil ito ako bago ang revival:

..Nang magsimula ang lockdown. Nagsimula rin akong manghina sa aking pananampalataya.
Dahil sa lockdown natigil ang pagsimba. Yung pagsimba, kung kailan naaalala ko ang Diyos ay
nawala. Di ko naki-keep ang sabbath. Nawala ang time ko sa Diyos. Doon ko narealize na
malayo pala ako sa Diyos kahit noong wala pang lockdown.

By August, na-lift ang lockdown at tuloy na ang pagsimba. Pero habang tumatagal nawawala sa
akin ang saya/willingness sa pagpunta ng church. To the point na nafi-feel ko ang teachings
natin as burden. Mas nangibabaw ang mga gusto ko, na that time hindi ko ginagawa dahil
lamang mali ang mga ito sa ating katuruan. Gusto kong i-try ang mga bawal. I started to reason
na yung ibang nasa faith ay nakakagawa ng ganito. October, uminom ako sa unang
pagkakataon.. Nanonood ako ng mga panuorin na hindi dapat. Palagi akong mainit ang ulo.
Nandon lagi ang holy spirit, pinapaalalahanan ako na mali pero I ignored it. Busy ako sa FB at
kahit doon nagpapaalala Siya, still, I ignored them.

Ayaw kong mabigyan ng part sa church as speaker sa AY at sa SC lesson ng youth kasi I'm such a
hypocrite.

Hiningi ko ng sorry sa Kanya mga kasalanan ko, paulit ulit, pero I have never obtained peace.
Alam ko naman na nagpapatawad ang Diyos. "ALAM" ko lang', nasa isip ko lang.. Gusto ko ng
confirmation, na sabihin sakin "pinatawad ka na Nya". Humiling ako sa Diyos ng kahit isang tao
na magre-reach out at mag-aafirm sakin..

Tuesday ng gabi, pinasabihan ako na mag-attend din daw ako ng revival.

Pero Thursday na, nung pumunta ako sa revival. Papalapit ako sa chuch, I wasn't happy because
of guilt.

That night, the message was 'Manna Diet'. The story of Israelites crossing the Red sea ang
tumatak sakin. Noon ko lang nalaman, nauna pala silang humakbang sa tubig bago ito nahati.
Israelites back then were living by faith while me was living by sight. I want to go and magbago
pero I want to see first, God opening the way. I want him to do something for me first. Dun ako
mali, dapat mauna muna ako, saka Sya kikilos--living by faith.

Hearing the message, napaluha ako. Sinasabi Nya kung anong dapat kong gawin eh.

After ng message, we were grouped and asked kung anong mga realizations namin. Eto lang
nasabi ko '' Yung living by faith..." at di na muling nakapagsalita kasi napaiyak na ako dahil sa
guilt, I was reminded of how sinful I am. Natapos ang session that night na umuulan ng
malakas, wala kaming payong. And that night, He answered my prayer. Someone, a listener has
reached out to me, I was given advices and was affirmed na I am forgiven by God's grace
through Jesus. Pagkauwi ko, kinuha ko yung natitirang isang bote ng alcohol sa kwarto ko,
binuksan at lumabas. While holding the bottle I confessed my sins once again, but that time I'm
sure I was also surrendering them all to Him. After that, binuhos ko ang laman ng bote while
thanking Him for forgiving me and giving me ng pagnanasa ng matuwid na pamumuhay.
Nakamit ko rin sa wakas ang kapayapaan. Payapa na ako kahit maalala ko yung mga nagawa ko
dati dahil I surrendered them all to Him.

Right now, I can say na ang providence ng Panginoon was there that night. The rain was from
Him. Dahil kung hindi malakas yung ulan, nakaalis na kami agad pagkatapos ng session at hindi
nya sana ko nakausap. That someone who reached out to me, she left on Friday. So kung friday
night ako pumunta hindi ko sya mami-meet. Another is the fact na during the first three days ng
revival, I refused to go. Then I could have gone Friday night, but somehow I decided to go
Thursday night. The point is, He did not let me skip that night kasi yung hinanda Nya sakin sa
Thursday wala na yun sa Friday. Including the message that night, ay hindi ko maririnig sa
session ng Friday.

Friday night the topic was "Heart Settled". Nung malayo ako sa Kanya, I felt so alone and lonely.
Napuno ako ng negative thoughts. Tama nga na kung nasaan ang iyong puso, iyon/siya ang
mamumuno at pupuno sa buhay mo. My heart was occupied with wordly things kaya naman I
was filled with wordly worries. So If I want to have peace, I should settle my heart to JESUS
ALONE.

Last day's message let me realize kung bakit hindi ako noon makaalis sa kasalanan. I think of
God but I ONLY THINK of Him and my hands are holding unto satan. I confessed my sins but I
did not surrender them. So after confessing, wala rin, balik ako sa pagkakasala. Dapat binitawan
ko na noon pa. To obtain life in Jesus dapat muna ko mamatay. Bitawan ang makasalanan na
sarili.

Sa tatlong araw na pagdalo ko ng revival nakita ko na talagang alam Niya ang kailangan ko.
Hindi Nya ako hinayaang palampasin ang pang-apat na araw na yon. Kahit fourth day na ko
dumalo I was still revived at the end. Kaya sa mga hindi nakadalo sa mga unang araw ng revival
because of inner struggles, kahit last day na yan na makakarinig tayo ng salita ng Diyos it is still
enough to move our hearts. May kapangyarihan talaga ang salita ng Diyos.

You might also like