You are on page 1of 2

JEREMAY.DARADAR@HERCORCOLLEGE.EDU.

PH

PAGBASA,
PAGSULAT
Tungkol sa
Pananaliksik Gawain:
JEREMAY DARADAR Pito
BSHM 1-A
1. Ilahad sa sariling pangungusap kung ano ang kahulugan ng pagsulat
Ang pagsulat ay isang instrumento na ginagamit upang maipahayag at
maipabatid ang ating saloobin at damdamin na hindi nangangailangan
ng salita. Hindi lamang sa pagsasalita naipapasa ang komunikasyon
sapagkat ang pagsulat ay isa sa mga paraan upang tayo'y magkaisa. Sa
pamamagitan ng mga naisulat na tala ay nadadagdagan din ang ating
kaalaman at nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pag-
unlad, pagbabago at paglusong o pagusbong ng bagong ideya tungo sa
modernong mundo.

2. Bakit sinabing magkakambal ang utak at ang pagsulat?


Masasabing magkakambal ang utak at ang pagsulat sapagkat hindi
maisasagawa ang pagsusulat ng hindi dumadaan sa masusing pagiisip.
Sinasabi ding matatamo ang kalidad ng pagsulat kung merong kalidad
ng pagiisip.

3.Ilahad ang argumento na binanggit ni Kellog sa pag-aaral ng pagsulat.


Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga
kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula at
makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Binanggit pa
ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. May
ilang argumento rin na sinabi si Kellogg sa pag-aaral ng pagsulat. Una.
Ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng
pag-iisip. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi sapat na
kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa
rin ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang
instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa.
Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na
gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawwaing pampag-iisip. Bilang
pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi
na mag-isip.

You might also like