You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA MAKABAYAN IV

I. LAYUNIN:
1. Makapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga
batayang geograpiya tulad ng iskala, distansiya, at direksyon.
2. Matataluntun mo ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang
mapa.
II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa:
Ang Teritoryo ng PIlipinas
B. Sanggunian
K-12 – Makabayan4
C. Kagamitan
manila paper, pentel pen, krayola, bond paper, lapis, scotch tape
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Gabay sa Tanong sa Alamin Mo.
Gabay na Tanong:
1.1 Gaanu kalawak ang teritoryo ng Pilipinas?
1.2 Ano ang mga hangganan ng bansa?
1.3 Masasabi bang mainan ang lokasyon ng bansa?
2. Itala ang mga sagot ng mga mag-aaral sa pisara.
Tanggapin lahat ang sagot ng mga mag-aaral.
3. Iugnay ito sa paksang tatalakayin sa LM.
B. PAGLALAHAD
Gawain A: Pagsukat ng layo at distansiya ng hangganan ng Pilipinas mula sa
kalupaan nito.
1. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Gawain A sa LM.
3. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa ang mga
pamantayan.
4. Ipasagot ang Gawain gamit ang mapa ng Asya, ruler at batang iskala.
5. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mag-aaral.
6. Tanggapin lahat ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain B: Pagsukat ng distansiya o layo ng bansa sa iba’t ibang direksyon sa
labas ng bansa.
1. Bumuo ng apat na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Gawain B sa LM.
3. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang masagot nila ang
sumusunod.
Pangkat 1: Hilaga: __________ Distansiya: ___________
Silangan: ________ Distansiya: ___________
Pangkat 2: Timog: __________ Distansiya: ___________
Kanluran: ________ Distansiya: ___________
Pangkat 3: Hilagang-Silangan: _______ Distansiya: ________
Timog – Silangan: ________ Distansiya: ________
Pangkat 4: Hilagang – Kanluran: _____ Distansiya:________
Timog – Kanluran: _______ Distansiya: _______
4. Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot na nabuo.
Gawain C: Interbyu
1. Bumuo ng apat na pangkat. Pipili ng panibagong lider ang bawat grupo.
2. Mula sa talakayan at sa mga naunang Gawain, ang mga mag-aaral ay
magtatala kung paano nila mailalarawan ang teritoryo ng Pilipinas ang
lokasyon nito sa mundo.
3. Isusulat ng bawat pangkat ang kanilang mga kasagutan sa manila paper gamit
ang pentel pen.
4. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa ang graphic
organizer.
5. Ipaskil sa pisara ang kanilang mga gawa.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral, ang Gawain sa Pagtatasa (Natutuhan ko) sa LM.
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Magpasaliksik sa aklatan o iba pang pagkukunang-impormasyon tungkol klima
ng bansang Pilipinas.

INTEGRASYON: Mathematics – Pagkompyut ng distanya o layo ng direksyon


MSEP – Pagguhit (graphic organizer)
Science – Paglalarawan ng mga mag-aaral ukol sa teritoryo ng Plipinas.
GMRC – Pagiging mabuting kagrupo sa mga kaklase.

Inihanda ni:

Princess C. Manabat
BEED 3-A
MGA GAWAIN

GAWAIN A
Kumuha ng mapa ng Asya. Gamit ang ruler at batayang iskala sa ibaba, sukatin ang layo o
distansiya ng ga hangganan ng Pilipinas mula kalupaan nito. Isulat ang sagot sa manila paper.
Iskala: 1cm – 5,000 km
1. Bashi Channel ________________
2. Karagatang Pasipiko ________________
3. Dagat Celebes __________________
4. Dagat Kanlurang Pilipinas ______________
GAWAIN B
Gamit angmapa ng mundo, puli ng lugar o bansa sa iba’t ibang direskyon sa labas ng PIlipinas
Sukatin ang distansiya o layo nito sa bansa gammit ang batayang iskala 1cm=5,000km. Isulat sa
manila paper ang lugar na napili at ang distansiya nito mula sa Pilipinas.
1. Hilaga: __________ Distansiya: ___________
2. Silangan: ________ Distansiya: ___________
3. Timog: __________ Distansiya: ___________
4. Kanluran: ________ Distansiya: ___________
5. Hilagang-Silangan: _______ Distansiya: ________
6. Timog – Silangan: ________ Distansiya: ________
7. Hilagang – Kanluran: _____ Distansiya:________
8. Timog – Kanluran: _______ Distansiya: _______
GAWAIN C
Bumuo ng apat na pangkat. Mula sa talakayan at sa mga naunang Gawain, ang mga mag-aaral ay
magtatala kung paano nila mailalarawan ang teritoryo ng Pilipinas ang lokasyon nito sa mundo.
Isusulat ng bawat pangkat ang kanilang mga kasagutan sa manila paper gamit ang pentel pen sa
pormang organization chart.

You might also like