Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ayon kayVirgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga ssilid-aralan Ang pagiging multilinggwal ay may malaking maitutulong sa sarili. Makakatulong ito sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang grupo ng tao. Mas magiging malawak ang iyong pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.