You are on page 1of 5

GERALD A.

GUEVARRA
BSED SCI 1A 03/20/2021

FILIPINO
TAMA

NAKASASAGABAL

TAMA
TAMA

TAMA

HINDI PAGKITIL

TAMA

TAGALOG

TAMA
TAMA

PANG-EKONOMIYA

PANGATLO

TAMA

KOLONYAL
Gabay sa Talakayan:
Panuto: Kupyahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang buong
papel.

1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng wikang Pilipinas bilang wikang


pambansa, wika ng bayan, at wika ng edukasyon at pananaliksik?

Ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan,


at wika ng edukasyon at pananaliksik ay mailalarawan bilang wikang nasa proseso ng
paglilinang o dinamiko. Bilang wikang pambansa ito ay patuloy na sumasailalim sa
ebolusyon ng ibat-ibang barayti ng wika at tumatanggap ng mga ambag na salita mula
sa liguahe ng ibat-ibang lugar sa bansa. Katuald ng mga salitang jihad, buang, gurang,
pinakbet, at iba pa ay ang iilan lamang sa mga salitang-ambag. Habang bilang wika
ng bayan naman, mas lumalaganap narin ang paggamit ng Filipino bilang lingua
franca dahil sa katunayan mayroon ng datos na 65 milyon mula sa kabuuang 76
milyong mga Pilipino o 85% ang maykakayahang magsalita ng wikang Filipino.
Mahalaga ito sapagkat daan ang kahusayan ng pagsasalita ng Filipino upang mapa-
unlad ang ekonomiya at maiangat ang estado ng bansa mula sa kahirapan. Ang
wikang Filipino naman habang wika ng edukasyon at pananaliksik ay nasa proseso
din ng paglilinang sapagkat may pangamba na baka tanggalin na sa kolehiyo ang
asignaturang Filipino at kapag nangyari ito, ang mga Pilipino ay magiging mangmang
sa kanilang tunay na pagkakakilanlan na magreresulta sa pagkawatak-watak ng mga
Pilipino. Kung kaya’t mahalaga sa atin na bilang mga kabataan na suriin ang
kalagayan ng ating wika sapagkat ito ay patuloy na nagbabago at sa patuloy na
pagbabago hindi dapat natin hayaan na makaligtaan at malusaw ang totoong diwa ng
wikang Filipino bilang identidad nating mga Pilipino.

2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng wikang pambansa sa pagpapatibay ng


kolektibong identidad at pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran?

Ang Wika ay syang nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa isang bansa


kung kaya’t ang Wikang Pambansa natin na Filipino ang siyang nagbibigay ng
identidad sa ating mga Pilipino kahit saan man tayong sulok ng mundo. Sa
pagpapalakas ng Wika sa pamamagitan ng paggamit at paglinang nito araw-araw mas
napapatibay ang kolektibong identidad nating mga Pilipino. Kapag malakas ang
kolektibong identidad nating mga Pilipino mas nagbibigay ito ng daan sa pakakaisa at
kaunlaran ng ating bansa. Ito ay pinanindigan ni Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa
Journal of Constitutional Commission,1986) ‘Aniya , mahalaga ang tunay na
pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon
ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon
(salin ng may akda). Halimbawa nito, ng naging isang ganap na batas ng Pilipinas ang
tungkol sa Pambansang Wika nating mga Pilipino mas tumibay ang realsyon at
naging madali ang pakikipag-ugnayan ng bawat Pilipino sa isat-isa. Resulta nito ang
mabilis na dalo ng ekonomiya at mas tahimik na lipunan sa Pilipinas.Samakatuwid,
kung ang pagpapalakas ng Wikang Pambansa ay may kinalaman sa kaunlaran ng
bansa, hindi marahil kalabisang sabihing napakarami pang dapat gawin upang
mapaunlad ang wikang Pilipino nang sa gano’y lubos itong makaganap sa tungkuling
kaugnay ng pambansang kaunlaran.
3. Paano ka makakapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng kabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma sa nakaugat na
lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.

Bilang mga kabataan ng makabagong henerasyon, maraming mga paraan ang


ating maaaring malinang upang maka ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang daluyan ng kabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma sa nakaugat na
lipunang Pilipino. Kagaya ng paggamit ng Wikang Filipino sa mga akademikong
sulatin na hindi kinakailngan isalin sa Ingles, pagsusulat ng mga makabuluhan at
totoong kwento na ibabahagi sa pamamagitan ng social media, at paggamit ng
Wikang Pambansa sa mga pampublikong talakayan o diskurso ng sa ganon sa
simpleng paraan maka ambag tayo sa pagpapatibay sa ating wika. Ito rin ang
magbibigay daan upang mas mahimok ang ibang tao na maging mapanagutan sa
paggamit ng wikang Filipino sa halos lahat ng pang araw-araw na buhay. Gayundin,
makaka-ambag din tayo sa Wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik na nakaayon
sa pangangailangan ng komunidad at bansa sa pamamagitan ng paggawa ng mga
katanungan na nasa Wikang Filipino sapagkat kung ang tanong ay nasa Ingles hindi
ito maiintidihan ng ating mga kababayan na nasa laylayan ng lipunan. Kapag hindi
nila naiintindihan ang katanungan, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang ano mang
kahirapan na kanilang hinaharap ngunit kapag naunawaan nila ang katanungan, sila ay
mabibigyan ng pagkakataun na makapagpahayag ng kanilang mga saloobin. Sa huli,
kagaya ng Japan, Indonesia, China at iba pang bansa na patuloy na umuunlad hindi
dahil sa kanilang kagalingan sa pagsasalita ng Ingles kundi sa kakayahan nilang
linangin ang kanilang Wika na nagbigay daan sa kanilang kaunlaran.
KARAGDAGANG GAWAIN:
Sa isang buong papel sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa Wikang Filipino
Bilang wiakng Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Edukasyon at
Pananaliksik (Dapat isaalang- alang ang bahagi ng sanaysay: May Pamagat,
Introduksyon, Katawan at Wakas).

Wikang Filipino sa Matatag na Bansa


“Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na
siyang nagbibigay-buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa
mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa
at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi
ng ating pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino
tayo,” ayon sa Commonwealth Act No. 638.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa isang bansa sapagkat


kung ano ang wika ay sya rin ang bansa.Gayundin, hindi maikakaila ang malakas na
ugnayan ng wika sa kaunlaran ng mga tao ngunit paano nga ba ang Wikang Filipino
humubog sa ating mga tao upang makamit ang matatag na bansa?

Ang Wikang Filipino ang nagbuuklod sa ating mga Pilipino na magkaroon ng


pagkakaunawaan sa isat-isa. Napakahalaga sa isang bansa na mayroong
pagkakaintindihan sapagkat dito nagsisimula ang pagtutulungan at kalaunan ay ang
kaunlaran. Ang Wikang Filipino ang dahilan kung bakit nagkakaintindihan ang bata at
matanda, mag-aaral at guro, maysakit at doktor, maysala at mambabatas, at pangulo at
mga tao. Kung kaya’t hindi basta-bastang maisasantabi ang wika sapagkat kung wala
ito, kaguluhan, hindi pagkakaintindihan at pagkawatak-watak ang magiging resulta sa
isang bansa.

Ayon sa konklusyon ni Pool (1972) sa kanyang ginawang pananaliksik na


nakakasagabal sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika
“ Language diversity of one sort or another is held to cause the retardation of
development, both political and economic.” Dito malinaw na nakahayag na kapag ang
isang bansa ay walang iisang wika ang kaunlaran sa ekonomiya maging sa politikal ay
mahirap abutin. Tanging ang Wikang Filipino ang nagsisilbing daan natin sa pang-
araw-araw na kalakalan at pagpapalitan ng produckto sa mga karatig pulo ng ating
bansa.

Gayundin, ang Wikang Filipino bilang wikang panananaliksik ang gumagabay


sa mga mananaliksik upang komunekta sa mga tao lalo na sa mga mahihirap at
walang pinag-aralan ng sa ganon ay makakuha sila ng sapat na datos upang
mabigyang pansin ang matagal na nilang mga problema at hinaing.

Samakatuwid, ang Wikang Filipino ang dahilan at ang tanging kailangan


nating mga Pilipino upang maabot ang matatag na bansa. Bansa na kung saan ang
lahat ng pangangailangan ng tao ay natutugunan agad at kaunlaran ang umiiral hindi
mga sikmurang kumakalam. Kaya’t ikaw, ako at tayong lahat isulong natin ang
Wikang Filipino, Wika ng matatag na Pilipino!

You might also like