You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Eastern Visayas State University


Tacloban City

FIL 2 – Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina


Unang Gawain

Pangalan: BUENAFE, CRISELDA A. Petsa: MARSO 22, 2021


Kurso, Taon at Seksyon: BSGE 3A
Panuto: Mula sa binasang spoken word poetry, makakagawa ka ba ng mga tanong at kaya
mo bang sagutin ang mga ito?

Sagot:
Ang wika ay sadyang malikhain. Sa paglipas ng panahaon, ang wika
ay nagbabago dahil ito ay nag-eevolve.
Subalit ayon kay Enriquez sa kanyang spoken word poetry, ang wika
ay nagkakaroon ng pagbabago dahil ang mga Pilipino ay nagpapadala sa
paggamit ng mga salita kagaya ng lodi, petmalu, werpa, ngetpa at iba pa.
Sa kadahilang ito, ang Wikang Filipino ay hindi nahahasa at hindi
napapagtuunan ng pansin.
Tanong: Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa wika?

1. Tanong: Sa nabasang spoken word poetry, bakit inihalintulad ang


Wikang Filipino at Pilipinong estudyante sa panliligaw sa isang
babae?
Sagot:
Inihalintulad ng may akda ang Wikang Filipino at Pilipinong
estudyante sa panliligaw sa isang babae dahil pareho itong pinag-aaralan
ng todo, isinasaulo, at ibinibigay ang buong puso. Isinasagawa ang pag-
aaral ng Wikang Filipino upang matuto. Ang panliligaw naman ay
isinasagawa para makamit ang inaasam na matamis na oo. Pareho nitong
gusto na maging matagumpay sa kanilang hangarin. Subalit tulad ng isang
relasyon, ito ay nakakalimutan rin habang tumatagal.
3. Tanong: Ano ang mangyayari kung ang Wikang Filipino ay
gagamitin sa pang-akademikong pananaliksik?

Sagot:
Kung gagamitin ang Wikang Filipino sa mga pang-
akademikong gawain, sulatin at babasahin, siguradong mas
madami ang matututo at mas madaling maipapalaganap ang
impormasyon.

Tanong: Ano ang naging solusyon ng may akda upang mas pairalin ang
Wikang Filiipino sa bansa?

Sagot:
Mayroong naging tatlong solusyon ang may akda:
a. Mas mapapairal ang Wikang Filipino sa bansa kung matututo
tayong namnamin, kilatisin, at alamin kung gaano kaganda at
kayaman ang ating literatura.
b. Dapat gawin nating hamon sa ating mga sarili na tayo naman
ang susulat ng ating mga akda upang tay ay magkaroon ng
kasanayan sa pagsulat.
c. Dapat matuto tayong ipagmalaki at huwag ikahiya ang
Wikang Filipino sapagkat ito ay magiging kagila-gilalas
pagdating sa larangan ng literatura.

2. Tanong: Bakit pinamagatan ng awtor na “Wika ay Ikaw” ang


kanyang spoken word poetry?

Sagot:
Pinamagatan ng may akda ang kanyang komposisyon na “Wika
ay Ikaw” sapagkat ang salitang “ikaw” ay mabubuo gamit ang mga
letrang bumubuo sa salitang “wika”. Ito rin ang kanyang naging
pamagat dahil ang wika na lumalabas sa bibig ng isang tao ay
sumasalamin sa kanyang sarili at kanyang pagka-Pilipino. Dahil dito,
kanyang sinabi na “Ikaw ang wikang iyong sinasalita!”

You might also like