You are on page 1of 1

16

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam


sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.  Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa
lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.  Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa.
Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.  Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa,
nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan.  Nananakit ang lalaki.  Gayunman, para kay Sisa ang
lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

17
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot.  Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si
Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay
tao.  Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa.  Tinanong ni Sisa kung
ano ang napanaginipan nito.  Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi
kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.  Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang
magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya
kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya,
hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

You might also like