You are on page 1of 10

BUOD NG NOLI ME TANGERE:

KABANATA 1: ANG PAGTITIPON

Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni Don Santiago de
los Santos o mas kilala bilang kapitan Tiago upang magsilbing salubong sa isang bsinatang kagagaling
lamang sa Europa. Hindi naman iba sa kapitan ng binate dahil ito ay anak ng kanyang matalik na
kaibigan.

KABANATA 2: SI CRISOSTOMO IBARA

Sa pagdating ni kapitan Tiyago kasabay ng isang binate na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan
nito, agad niyang binati ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari.

Ngunit tumangging makipagkamayan si Padre Damaso at sa halip ay tinalikuran nito si Ibarra.

KABANATA 3 : ANG HAPUNAN

Sa hapag-kainan, ang mga panauhin ay may kanya-kanyang kilos at nadarama na kung


papanoorin ay parang isang komedya.

Dahil sa hapunan ay para sa pagsalubong sa binatang si Ibarra, karapat-dapat naman na siya au


maupo sa kabisera.Ang dalawang pari naman ay nagtatalo kung sino ang maupo sa kabisera.

KABANATA 4: EREHE AT PILUBUSTERO:

Sa Plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin nito na wala man lang pinabago
ang kanyang bayan sa kabila ng matagal na panahon niyang pangingibang bansa. Tila wala man lang
ipinag-unlad ang bayang iyon.”

Pinaratangan si Don Rafael, ama ni Ibarra bilang isang Erehe at plibustero , pangangamkam ng
lupain, at iba pang illegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba
pang ipinagbabawal na babasahin, pagtago diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na
pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop n g mga tulisan, at ang pagsuot ng Barong Tagalog.

KABANATA 5 : ISANG TALA SA GABING MADILIM

Naka sentro ito sa pagdating ng nag-iisang anak ni kapitan Tiyago, si Maria Clara. Nakasuot ng
isang marangyang kasuotan na napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Ang lahat ay nakatuon
sa kagandahan ng dalaga.

KABANATA 6: SI KAPITAN TIYAGO

Si kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon.Siya ay


mahigpit kumulang tatlumpu’t limang taong gulang. Datapwat hindi nakapag-aral au naturuan naman
siya ng isang dominiko.
Si kapitan Tiaygo ay kaibigan ng lahat ng mga may kapangyarihan lalo’t ang mga pari. Kaya
naman hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit.

KABANATA 7. SUYUAN SA ASOTEA

Doon ay masinsinan silang nag-usap tungkol sa kanilang nararamdaman at sa kanilang


sinumpaan sa isa’t isa. Binalikan nila ang mga matatamis na alaaala ng kanilang kamusmusan , ang
kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbati. Pareho nilang itinago ang mga alaala at mga
mahahalagang bagay na tinanggap nila sa isa’t isa bilang palatandaan ng kanilan walang hanggang
pagmamahalan.

KABANATA 8: MGA ALAALA

Ang pagmuni- muni ni Ibarra sa mga nakaraang panahon sa kanyang sariling bayan, na walang
pagbabagong nagaganap dito. Ang buong maynila na wala pa ring pagbabago sa kanyang pagdating .
Ang mga alaala niya sa paring naging guro’t kaibigan niya

KABANATA 9: MGA SULIRANIN TUNGKOL SA BAYAN

Naglalarawan ng mga sari-saring mga sulirinin ng bayan na walang pagbabago sa


pamayanan.Ang mga katiwalian ng mga prayle at mga pag-aabuso ng mga sundalong kastila sa may ga
kababaihan.

KABANATA 10 : ANG SAN DIEGO

Ang San Diego ay matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Isa itong
malaalamat na bayan ng pilipinas.

KABANATA 11: ANG MGA KAPANGYARIHAN

Ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego ay mabibilang
lamang sa bayan ng San Diego. Si don Rafael ang pinakamayaman . Si Padre Bernardo Salvi ang kura
paroko ng

KABANATA 12: ARAW NG MGA PATAY

Matatagpuan sa isang malawak na palayan na nababakuran ng lumang pader at kayawan ang


sementeryo ng San Diego. An g walang hanggang katapusan pagdurusa ni Ibarra sa sinapit ng pungtod
ng kanyang ama na hindi mahanap-hanap dahil sa paglipan nito an ayon sa balita kautusan nito ni Padre
Damaso, kura paruko ng bayan.
KABANATA 13: MGA BABALA NG BAGYO

Nagtungo si Ibarra sa sementeryo ng San Diego kasama ang katiwala upang hanapin ang
pungtod ng kanyang ama. Ikinasadlak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero sa sinapit ng bangkay ng
kanyang ama. Itinapon sa lawa ang bangkay dahil sa kabigatan at dahil sa matinding buhos ng ualn na
dapat sa libingan ng mga intsik ilalagay. Matinding galit at poot ang nadarama ni Ibarra sa sinapit ng
kanyang minamahal na ama sa kautusan ni Padre Damaso.

KABANATA 14: SI TASYO, ANG BALIW O ANG PILOSOPO

Dahil sa kakaiba niyang personalidad ay kilala ng lahat ng tao sa San Diego si Don Anastacio o
mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo. Siya ay laman ng lansangan at marami siyang pananaw sa politika
at lipunan. Galing siya sa isang mayamang pamilya , matalng asawa ino at matalinghaga kung magsalita,
a simbahanag-aral sa unibersidad ng San Jose ngunit pinatigil ng kanyang ina dahil sa sobrang
katalinuhan at pangamba nab aka makalimot s adios.

KABANATA 15 : ANG MGA SAKRISTAN

Nanunungkulan bilang mga sacristan ang magkapatid na sina basilio at crispin, anak sila ni sisa
ang tinaguriang baliw sa bayan ng San Diego.Sila ay nabagbintangan ng pari na nagnakaw ng dalawang
onsa o halagang tatlumpu’t dalawang piso sa simbahan ngunit ang katutuhanan nito ay gawa ito ng
sakristang mayor.

Isa itong kalupitan na nagaganap sa Parokya na hindi naman lingid sa kaalaman ng kura paruko
subalit wala silang kibo sa mga nangyayari.

KABANATA 16: SI SISA

Ang ina nina crispin at basilio. Kasal siya sa isang sabungerong lulong sa sugal. Isang
irresponsible ang asawa ni sisa. Lagi niya ito sinasaktan at walang pagmamalasakit sa kanyang
pamilya.Tanging ang mga anak lamang bumabawi ng lakas ng loob.

KABANATA 17: SI BASILIO

Naninilbihan siya sa simbahan bilang sacristan kasama ang kapatid na si crispin. Biglaan ang pag-
uwi niya dahil sa masamang paratang sa kanila ng sacristan mayor ng pagnanakaw Subalit hindi niya ito
ikinumpisal sa ina dahil ayaw niya itong masktan at mag-alala sa kapatid. Mabait na bata si basilio lalo na
sa kanyang kapatid at ina.

KABANATA 18: MGA KALULUWANG NAGDURUSA

Nagdaos ng misa si Padre Salvi para sa todos los santos sa araw na iyon. Sa pagkakataon na ito,
may hindi magandang nararamdaman ang pari kaya hindin ito nagtagal sa misa. Dumating si Sis ana may
dadalang mga gulay. Nagtungo siya sa kusina para iayos ang mga ito at magtanong na rin tungkol sa mga
anak. Laking gulat niya sa sinabi ng manang, ikukulong daw ang dalawa niyang anak dahil sa pagnakaw
sa simbahan. Kaya agad umalis si sisa para hanapin ang dalawa niyang anak.

KABANATA 19: MGA KARANASAN NG ISANG GURO

Nagmasid-masid sina Ibarra at ang kanyang guro sa San Diego sa tabi ng lawa. Nagpasalamat si
Ibarra sa guro sa pagtulong niya sa kanyang yumaong ama.Ayon sa guro nakatulong ng Malaki sa
edukasyon ang ama nito. Maraming ang nabanggit ang guro sa mga balakid ng edukasyon o pagtuturo –
una- ang walang interes ng mga mag-aaral, ang walang suporta ng mga pari sa paraan ng pagtuturo ng
mga guro at pagitan ng mga magulang sa mga estudyante at mga katungkulAn .

KABANATA 20 : ANG PAGPUPULONG SA TRIBUNAL

Ang bulwagang pulungan ng San Diego ay dinadaluhan ng mga kinikilalang mamamayan .


Dalawa ang grupo sa pulong, ang mga koserbatibo at ang mga liberal na pinamumunahan ni Don Filipo.

KABANATA 21: ANG KASYSAYAN NI SISA

Tulirong nagtungo si sisa pabalik sa kanilang dampa ng matapos marinig ang balita tungkol sa
mga anak. Natanaw niya ang dalawang guardiya sibil sa kanyang halamanan, pilit siyang tintanong kung
nasaan ang mga anak na di naman niya alam kung nasaan ang mga ito. Nagmakaawa siya sa mga
guardiya sibil subalit di nila ito tinigilan hanggang sa makulong siya ng dalawang oras at bukod don
hiyang-hiya siya sa mga ususero at tsismosa. Kinaumagaan wala na sa tamang pag-iisip si sisa.

KABANATA 22: ANG LIWANAG AT DILIM

Ang pagdaraos ng kapistahan ng San Diego ang tanging hinihintay ng karamihan. Nagkaroon ng
pagkakataong magtagpo ang mga nagmamahalan na sina Ibarra at maria clara. Sa paglubog ng araw,
may lumapit kay Ibarra na lalaki na nagpapatulong sa pagkawala at pagkasira ng isipan ang kanyang
asawa.

KABANATA 23: ANG PIKNIK

Ang gaganaping piknik ay yaong pagsama-sama ng mga dalaga at binata ng San diego.
Nagkaroon ng malas dahil sa pagkakaroon ng malaking buwaya sa ilog na pinagkukunan ng mga isda ang
mga kalalakihan subalit dahil sa lakas nina Elias at Ibarra, at natalo nila ito at muling nakakuha ng mga
isda para sa kanilang pananghalian. Masaya silang lahat.

KABANATA 24: SA KAGUBATAN

Sumunod si padre salvi sa piknik ng mga dalaga’t binata,gusto niyang makihabilo sa mga ito
subalit di niya nagawa. Nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagkawala ng mga anak ni sisa. Dumating
ang mga guardiya sibil para dakpin si Elias sung handaabalit di nila ito nahanap sa kagubatan.at

KABANATA 25: SA BAHAY NI PILOSOPO TASYO


Pumunta si Ibarra sa bahay nila Tasyo upang humingi ng suhestiyon tungkol sa plano ng
pagpapatayo ng paaralan. Napansin ni Ibarra na sumusulat nito gamit ang mga iba’t ibang simbolo na
ang nais ni tasyo ay upang di Mabasa sa ngayon ang kanyang mga katha kundi mababasa ng susunod
nahenerasyon. Magtagumpay lamang sa plano ni Ibarra kung yuyuko ito sa mga makapangyarihan.

KABANATA 26: ANG ARAW BAGO ANG PISTA

Abalang- abala ang lahat dahil sa gaganaping kapistahan ng San Diego. Abala naman sina Ibarra
sa pagpapatayo ng eskuwelahan. Ang naturang gusali ay ihahalintulad sa mga silid-aralan sa Europa.
Nagpaabot ng babala si tasyo kay Ibarra tungkol sa mga makapangyarihan.

KABANATA 27: SA PAGTATAKIPSILIM

Malaki ang handaan sa bahay nina Kapitan Tiago, panauhin niya si Ibarra. Hinandugan naman
niya si maria clara ng isang laket na may diyamante at Esmeralda.Namasyal ang mga kababaihan
kasama sina Ibarra at maria clara. Inanyayahan ni Kapitan Tiago sa hapunan ngunit di siya sumang-ayon.
Sa bayan. Marami ang may ketong at naawa si maria clara kaya ibinigay sa isang ketongin ang laket na
ibinigay ng ama.Dumating si sis ana nagtatanong kung nasaan ang mga kinaroroonan ng mga anak.

KABANATA 28: ILANG SULAT

Nailathala sa pahayagan sa manila ang mga kaganapan sa kapistahan ng San Diego. Nagkaroon
ng pagtatanghal ng komedya sa wikang kastila at wikang Pilipino subalit wala sa mga ito ang pinanood ni
Ibarra. Sumulat naman ni maria clara para kay Ibarra dahil sap ag-alala sa di pagpapakita ni Ibarra sa
kanya.

KABANATA 29: ANG ARAW NG PISTA

Magarbo ang pagdiriwang ng lahat maging ang mga kasuotan nila ay kakaiba sa mga
ordinaryong araw. Nagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa. Nagtapos ang nasabing prusisyon sa
tapat ng bahay ni Kapitan Tiago na kung saan nandoon sina maria clara at Crisostomo Ibarra kasam ang
mga iba pang panauhin.

KABANATA 30: SA SIMBAHAN

Marami ang pumunta sa simbahan upang makinig sa misa. Bali-balita na mataas daw ang
babayarang limos s

A kapistahan. Di agad nag-umpisa ang misa dahil wala pa ang mga makapangyarihan katulad ng Alkaide
mayor na ang tanging hangad ay magpahuli sila upang mapansin ang mga tao ang magarang kasuotan
nila.

KABANATA 31: ANG SERMON

Nagsimula ang sermon ni Padre Damaso, wikang kastila ang ginamit niya kung kaya di siya
maintindihan ng mga indio. Pinatamaan ni Padre Damaso si Ibarra kung kaya nagalit a ng binate sa pari.
Dagdag pa ng pari na bastos at walang galang ang anak ng isang erehe.

KABANATA 32: ANG PAGHUGOS


Pinaghandaan ni Ibarra ang kanilang kapistahan. Naghanda siya ng masasarap na pagkain para
sa lahat ng dumalo. Nagkaroon din ng mga palaro ang mga guro. Masaya ang tugtog ng ba pagitan ng
banda . Nagkaroon ng d inaasahang aksidente sa tinatayong paaralan, subalit di si Ibarra ang natamaan
kundi isang madilaw na lalaki.

KABANATA 33. ANG MALAYANG ISIPAN

Hindi inaasahan ang pagpunta ni Elias sa bahay ni Ibarra. Nagbigay ng mga babala si Elias.
Pangako naman ni Ibarra na lahat ay para lang sa kanya at walang makakaalam sa lahat ng pinag-usapan
nila.

KABANATA 34: ANG PANANGHALIAN

Magsasalo-salo ang mga espesyal na tao sa San Diego sa isang tanghalian. Iba’tibang reaksiyon
ang maririnig sa mga panauhin.Nabigla angg lahat sa pagdating ni Padre Damaso.Nagkaroon din ng mga
masasamang usapin tungkol sa ama ni Ibarra na siyang ikagalit ng binate hanggang umawat si maria
clara sa pagitan ng dalawa.

KABANATA 35: MGA USAP-USAPAN

Naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego ang mga kaganapan sa nangyaring
pananghalian.Tanging si Kapitan Martin lamang ang nakauunawa sa ikinikilos ni Ibarra. Ipinapalagay ni
Don Filipo na tulungan si Ibarra ng taumbayan sa pagpapatayo ng paaralan.Nangyari ito dahil hindi
nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan.Nalugod naman si kapitana maria sa pagtanggol sa
binatan sa sinapit ng kanyang ama.

KABANATA 36: ANG UNANG SULIRANIN

Dumating ng walang abiso ang kapitan heneral sa bayan nila kapitan Tiyago kaya abala ang lahat
sa paghanda at pag-istima sa panauhin. Nagkaroon ng pagbabawal ang dalawang magkasintahan dahil
sa ama ng huli. Nagpunta si Kapitan tiyago sa simbahan upang sirain ang nakatakadang pakikipag-isang
dibdib ni maria clara kay Ibarra. Sumang-ayon naman si Padre Sibyl ana huwag ng tanggapin sa tahanan
ang binate.Nasindak ang tatlo, Tiya Isabel, maria clara at andeng sa inasal ni Kapitan Tiyago sa relasyon
ng magsing-irog.

KABANATA 37: ANG KAPITAN HENERAL

Ipinahanap agad ng kapitan heneral si Ibarra para kausapin tungkol sa pagitan nil ani Padre
Damaso.Pagkatapos ng usapan lumabas si Ibarra na nakangiti hudyat ito ng pagkamabait ang kapitan
heneral sa kanya.Isinunod ng kapitan heneral ang mga prayle. Nagpakita ng paggalang ang mga ito sa
pamamagitan ng pagyuko sa heneral. Dumating si Ibarra para mag-usap ng heneral,at ang pagsambit ng
heneral ang tungkol sa ekskomulgado ni Ibarra sa arsobispo. Mag-usap sana ang dalawa sa mga suliranin
ni Ibarra.

Ang pagtunog ng kampana at mga ingay ng mga paputok hudyat na mag-umpisa na ang
prusisyon.Ang mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego de
Alcala at ang mahal na birhen ang nanguna sa prusisyon.Huminto ang prusisyon sa tapat ng bahay ni
kapitan Tiyago sa pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri.Sumunod naman ang pag-awit ni Maria
Claran ng Ave Maria na kung saan nabighani a ng lahat dahil sa tamis at galling ng kanyang pag-awit.
KABANATA 39: SI DONYA CONSOLACION

Asawa ng Alperes ang Donya. Mahilig sa I kolorete sa mukha dahil naniniwala siya sa kanyang
kagandahan kahit pa si maria clara.Dating labandera, nagkaroon nang sapat o salat sa edukasyon.
Kakaiba ang pag-uugali niya sa lahat.Ibinuhos ng Donya ang galit niya kay sisa hanggang lubusan niyang
nasaktan nito, Nakita ito ng Alperes at kanyang ipiaasikaso sa mga utusan at sa kinabukasan dadalhin
siya sa bahay n I Ibarra.

KABANATA 40: ANG KARAPATAN AT LAKAS

Nagsimula ang dula-dulaan at lahat ay abala sa papanood. Dumating din si Ibarra ngunit
nagkaroon ng di magandang asal ang mga tao sa pagdating ni Ibarra. Di umano’y nagsaalisan ang mga
pari sa kalagitnaan ng dulaan. Nagkaroon din ng masamang panaginip si maria clara.

KABANATA 41:DALAWANG PANAUHIN

Di makatulog si Ibarra hanggang dmating si Elias na may balita kay maria na ito ay may
sakit.Nasalubong niya si lucas, mapilit si Lucas sa perang kanyang makukuha sa pagkamatay ng kanyang
kapatid.

KABANATA 42: ANG MAG-ASAWANG De ESPADANA

Mababanaag ang lungkot sa bahay nina kapitan tiyago dahil may sakit si maria clara. Dumating si
doctor Tibusio de Espadana inaanak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa
Espanya.Hindi siya lisensyado subalit nagkakaroon siya ng mga pasyente hanggang sa isinumbong nila
ito sa mataas .

KABANATA 43: MGA BALAK O PANUKALA

Lumambot ang kalooban ni kapitan tiyago dahil sa sakit ng anak, nasaksihan nito ng mga
nakapansin sa kanya.Ipinakilala ng Donya si

Carlicos na bayaw ni Padre Damaso. Si Linares ay magiging abogado ng Universidad Cenrral.si Lucas,
pumunta kay Padre Salvi upang isangguni ang katarungan para sa kanyang kapatid.

KABANATA 44: PAGSUSURI NG BUDHI

Gumaling si maria clara dahil sa gamot na ibinigay ni Don Tiburcio. Sinang- ayunan naman nito ni
Donya Victorina . Dumating si Tiya Isabel para ihanda si maria sa pangungumpisal.Lumabas s Padre Salvi
na pawisan pagkatapos ng kumpisalan.

KABANATA 45: ANG MGA PINAG-UUSIG

Nagkita sina Elias at kapitan Pablo sa isang yungib matapos ng matagal na panahon. Isinalaysay
ang huli ang sinapit ng kanyang pamilya sa kamay ng mga kastila. Nagkaroon ng pagpapasya na kausapin
nin Elias si Ibarra ar ipaalam ito sa kanya.Kung sasang-ayon sa Ibarra, magkakaroon ng katarungan sa
kanilang mga hinanaing.

KABANATA 46. ANG SABUNGAN


Sa bayan ng San Diego, mayroong sabungan at normal ito sa panahon ng mga kastila. May nga
itinakdang mga pintuan sa sabungan.May mga ilang panauhin o makapangyarihan na nadoon.

KABANATA 47: ANG DALAWANG SENYORA

Habang mainit ang sabungan, namamasyal naman ang mag-asawang Donya Victorina at Don
Tiburcio sa mga bahay ng mga indio.Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares na hamuin
ang Alperes na sa pangako na di niya sasambigtin ang pagkatao ni linares.Dahil sap ag-ipit ng Donya kay
Linares, umalis na din si maria clara dahil sa pagkakainis.

KABANATA 48: ANG TALINGHAGA

Dumalaw si Ibarra sa bahay nila kapitan Tiyago para kumustahin ang kasintahan. Masayang
ibinalita ang pag-alis ng eskskomulgado sa kanya. Pumunta sa balkon si Ibarra na doon niya nakitang
nag-aayos ng mga bulakalak sina maria clara at linares.Dumaan si Ibarra sa ipinapatayong paaralan
hanggang nasilayan niya si Elias. Gustong kausapin ni elias si Ibarra tungkol sa mga mhahalagang
kaganapan.

KABANATA 49: ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG

SA Huli, nagkausap ang dalawa, sina Ibarra at Elias, lahat ng mga isyu ay isinawalat niya kay
Ibarra. Mga kahilingan ng mga sawimpalad:pagbabago ng pamahalaan, paglalapat ng katarungan,
pagbibigau ng dignidad sa mga tao, pagbawas ng kapangyarihan ng mga guardiya sibil .Nagkaroon din ng
debate ang dalawa,tungkol sa sinasaad ng simbahan at ang panunulisan ng mga tao.

KABANATA 50. ANG MGA KAANAK NI ELIAS

Binanggit ni elias ang kanyang pinagmulan. Ang pangyayari sa kanyang nuno.Resultatid ng


kanyang nuno hanggang sa panahon na pagkamatay ng kanyang asawa.Kambal na magkapatid sina Elias
at Concordia.Nagpagala-gala si elias dahil sa bintang sa kanya sa iba’tibang lalawigan.Matapos ng
mahabang pagkukuwento sa buhay ni elias, bumalik na ito sa kabundukan.

KABANATA 51. MGA PAGBABAGO

Sising-sisi si Don tiburcio sa asal ng kanyangn asawa na walang pagbabago. Dumalo rin si Padre
Damaso. Dumating din si Ibarra at tiya Isabel. Tinanong ni Ibarra kung galit si maria sa kanya subalit
ipinarating din ni sinang ang b ilin ni maria na maghiwalay na ang dalawa ngunit gusto ni Ibarra na mag-
usap sila ng masinsinan.

KABANATA 52: ANG BARAHA NG PATAY AT ANG MGA ANINO

Mayrroong mga anino na nag-uusap hanggang dumaing pa ang isang anino.ang pagpapagam A
ot sa asawa ang naging paksa sa tulong ni Ibarra.Nagsugal sina elias at lucas sa libingan.Natalo si elias at
wala siyang kibong umalis.

KABANATA 53: ANG MABUTING ARAW AY NAKIKILALA SA UMAGA

Kinabukasan ay kumalat ang balita tungkol sa ilaw na Nakita sa libingan sa nakaraang gabi.ang
mga usapan ay di nakaligtas sa matalas na pandinig nina don filipo at pilosopong tasyo.

KABANATA 54: LAHAT NG LIHIM AY NABUBUNYAG AT WALANG “DI NAGKAKAMIT NG PARUSA


Nagmamadaling pumunta ang kura sa bahay ng Alperes .Nanganganib ang buhay ng
lahat.Nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan ang naturang paglusob sa bayan.Ipinagtapat ni
Elias ang paglusob.Nagsunog si Ibarra ng mga kasulatan at doon natanto ni Elias na ang ninuno ni Ibarra
ang may kinalaman sa kasawian ng kanyang pamilya.

KABANATA 55: ANG PAGKAKAGULO

Niyaya ni maria si sinang upang hintayin ang pagdating ni Ibarra. Abala naman si Padre
Salvi. Tumun og ang mga kampana kaya nagdasal ang lahat.Dumating si Ibarra na luksang-luksa nang
lapitan sana siya ni maria ng biglang umalingawngaw ang mga sunod-sunod na putukan.Umuwi si Ibarra
dahil pumunta siya sa gabinete.Sa kabilang dako, gulong-gulo ang isip ni elias.Pagdating sa gabinete ay
sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy. Nagkaroon ng malakas na pagsabog.

KABANATA 56. ANG MGA SABI AT KURO-KURO

Ang buong bayan ng San Diego ay sakmal pa rin sa takot kinabukasan.Si kapitan Pablo ay
lumitaw. Ang sumunod na isyu ay ang pagtanan nina Ibarra at maria clara.Isang babae ang nagsabi na
Nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno.

KABANATA 57: VAE VICTUS! SA ABA NG MGA MANLULUPIG

Halata na ang mga guardiya sibil ay balisa sa umagang ito.Pilit na tinatanong sa bihag na si
Tarsilo Alasigan kung may kinalaman si Ibarra sa paglusob ngunit tinanggi niya na walang kalam-alam si
Ibarra.Nabilanggo si Andong.

KABANATA 58: ANG SIN

Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa.May isang babae ang nagsalita na ang lahat
ay may pakana nin Ibarra.Kinabukasan , natagpuan ng isang pastol si pilosopong tasyo na nakahandusay
sa pintuan ng kanyang bahay.

KABANATA 59: PAG-IBIG SA BAYAN

Nalathala sa mga pahayagan sa maynila ang ginwang paglusob ng mga inapi at sawimpalad.
Ipinagbubunyi naman ni Padre Salvi ang isang karangalan. Si kapitan Tinong ay balisa naman sa kanyang
bayan sa tondo.Makalipas ng ilang oras, nakatanggap ng paanyaya ng pamahalaan .

KABANATA 60: IKAKASAL NA SI MARIA CLARA

Kung si Kapitan tiyago ay di naimbitahan, kabaligtaran naman ang sinapit ni Kapitan tinong.Buo
ang pasya ni kapitan tiyago sa pagpapakasal ni maria kay linares dahil ditto magkakaroon ng malaking
kapstahan. Nagtungo sa Asotea si maria. Itinakas naman ni Elias si Ibarra.

KABANATA 61: ANG BARILAN SA LAWA

Itinago ni Elias si Ibarra sa mandaluyung. Ibabalik lamang ni Elias ang pera ng binate sa
napgusapng lugal para magamit nito sap ag-ibang bansa.Hinabol ng mga guardiya sibil si elias subalit di
sila nagtagumpay.
KABANATA 62: ANG PAGTATAPAT NI PADRE DAMASO

Nabasa ni maria sa diyario ang pagkamatay at pagkalunod ni Ibarra .Sinumpa niya na di na siya
magpapaksal kanino man.Pumasok sa kumbento ang dalaga. Ramdam ni Padre damaso ang kalungkutan
ng kanyang anak na si maria.

KABANATA 63: ANG NOCHE BUENA

Isang dampa ang nakatira s alibis ng isang bundok. Naglalaro ang dalawang bata, si basilio ang
isa. Sa kabilang dako, Noche Buena na noon sa bayan ng San diego.Umuwi si Basilio sa bahay nila ngunit
wala ang kanyang ina. Pumunta sa bahay ng Alperes at doon niya Nakita ang kanyang inang umaawit.
Naglapitan ang dalawa dahil sa kasabikan. Nagbalik ang katinuan ni sisa ngunit ito ay namatay.Nang
magmamadalingsaraw na ay nasaksihan ng buong bayan ng San Diego ang malaking sigang nagmumula
sa may lugar na kinamatayan ni sisa at elias.

KABANATA 64: KATAPUSAN

Nairahan si padre damaso sa maynila ngunit kinaumagaan, natagpuan siyang patay. Nalungkot
ng labis si maria.Bumalik si maria sa San diego. Si Donya victorina ay nagsdagdag ng kulot sa buhok.Si
don tiburcio ay nangungutsero na wala siyang ngipin at di na tinatawag na doctor.

You might also like