You are on page 1of 2

Punzalan, Elijah Miguel S.

FIL 3
3CA1 February 24, 2020

Ang istoryang ito ay tungkol sa paglalaro ng solitary, pangongolekta ng itlog ng


gagamba, kung ano ang pinakamalaks na muscle sa katawan, at kung bakit maasim
ang clemency. Matapos ang apat na dekada ng pagkakabilanggo, matapos niyang
patayin ang kanyang sariling ama, lalaya na si Clutario sa bilibid. Paalam na sa rehas,
sa brigade, sa mga pangkat. Sa mga alaala, sa kaibigan, at ka-ibigan.

Panimula
Para sa akin, nakakapag-ugnay naman ang unang linya ng kwento. Bungad ng
kwento ang isang biro na kahit papaano ay nagbigay na sa akin ng ideya kung
ano ang magiging disposisyon ng kwento. Naipakilala rin agad ang tauhan sa
kwento dahil sinaad dito ang kanyang pangalan sa unang bahagi ng istorya. Sa
aking pag papatuloy sa pagbabasa, naiisip ko na kung ano at saan ang eksena
gamit ang mga impormasyong aking nakuha sa mga sinabi na ng nag k-kwento.
Nakita ko na rin dito ang problema ng bida ng kuwento kaya ako ay naliwanagan
na rin sa kung saan pa-tungo ang kwento.

Karakterisasyon
Ang bida sa kwento ay nagpakita na sa mga unang linya ng istorya. Malinaw na
malinaw na tinukoy dito sa unang bahagi ng kwento dahil binigay agad ang
buong pangalan ng bida. Mayroon akong pag simpatya sa pangunahing tauhan.
Mukha siyang mabait at nakakatawa dahil sa mga linyang binitawan niya sa
kwento. Madali naman din matukoy ang iba’t iba pang tauhan ng kwento dahil
sinaad din ng bida ang mga pangalan nito habang binibigyan niya ng larawan
ang mga ito.

Diyalogo
Ang diyalogong ginamit ay kapani-paniwala at makabuluhan dahil ang mga
pangyayari sa kwento ay hindi naman maikakaila na nangyayari sa totoong
buhay. Nababasa rin ito ng maayos dahil maganda ang pagkakalatag ng awtor
sa daloy ng istorya.

Tagpuan
Ang lugar sa kwento ay talagang angkop sa mga pangyayari. Sapat din ang
pananaliksik ng manunulat ditto dahil maganda ang pagikot ng istorya sa isang
bilangguan. Pinakita nito kung ano ang buhay ng mga preso sa loob ng selda.

Tunggalian
Ang tunggalian ay makatotohanan dahil ang tunggalian dito ay hindi laban sa
kung kanino man, kung hindi laban sa sarili. Pinakita sa kwento na nagkakaroon
ng paglalaban sa sarili ang bida pagkatapos nito mabigyan ng clemency ng
pangulo ng Pilipinas. Ayaw nitong lumabas ng bilangguan kaya naman’y bukal
sa loob nitong pumatay muli ng kapwa niya bilanggo upang mas tumagal pa ang
kanyang pananatili sa loob ng preso.
Kapana-panabik na bahagi
Sa aking pananawa, gusto kong malaman ang mga susunod pang pangyayari sa
kwento ng buhay ng bida dahil ako ay interesado sa kung ano ang magiging
kakalabasan ng mga desisyon na ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento sa
kanyang buhay.

Wakas
Malinaw ang wakas ng kwento at wala itong paligoy-ligoy. Nabigay naman lahat
ng mga impormasyon at mga kaganapan na nagtungo sa kapalaran na hinarap
ng pangunahing tauhan ng kwento kaya naman ako ay naniniwala na hindi na ito
kailangan pa ng marami pang paliwanag.

Istruktura
Maayos nabuo ang balangkas ng kwento. Ang mga tauhan ay maayos
nailawaran dahil sa unang bahagi pa lamang ng kwento, binigyan na tayo ng
bida ng deskripsyon sa ilan sa mga tauhan ng istorya. Ang daloy ng kwento ay
maganda dahil maayos ang paglalatag ng awtor ng mga sitwasyon na
nakakapagkonekta ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Para
sa akin, maisagagawa ito sa binigay na oras dahil isa lang naman ang tagpuan
nito, ang preso. Ipapakita lamang ditto ay kung ano ang nagiging buhay ng mga
bilango sa loob ng selda at kung paano sila nakikisalimuha sa kanyang kapwa
bilanggo.

Balangkas
Ang kwentong ito ay hindi maikakaila na orihinal at kapani-paniwala. Gaya nga
nang sabi ko, ang istoryang ito ay maihahambing natin sa pang araw-araw na
buhay ng mga bilanggo sa preso. Dito natin makikita kung paano sila
makipagtungo sa mga tao sa loob ng pilangguan at kung paano nila kinakaya
ang araw-araw na pagsubok na kanilang hinaharap na sarili lamang nila ang
kanilang kakampi. Hindi rin tinipid ang kwento dahil punong-puno ito ng detalye
na kailangan malaman ng mga mambabasa upang mas lubos na maintindihan at
maunawaan ang gusting ihatid ng kwento.

Ako ay lubhang natutuwa at nasasayahan habang ako ay nagbabasa ng kwento.


Maganda ang pagkakagawa nito dahil nilarawan dito ang buhay ng isang bilanggo at
kung paano niya nagagawa ang mga bagay-bagay sa kanyang pang araw-araw na
buhay. Malinaw din ang pagsasaad ng mga pangyayari sa kwentong ito dahil ang bawat
sitwasyon ay nilalarawan ng maigi upang mas maintindihan pa ng mga nagbabasa ang
kwento.

You might also like